C1: 2 + 1 (Plus one)

1.1K 17 11
                                    

Kakalabas pa lang ni Shane mula sa kanyang kwarto nang unang nahagip ng kanyang mga mata si Dylan, ang isa sa mga taong kinaiinisan niya.

Kasalukuyang nakaupo ito sa kanilang hapag-kainan at busy na kumakain. Maliban sa kinaiinisan niya, best friend din ito ng kanyang nakakatandang kapatid na si Andrew.

Ewan ba niya kung bakit ayaw niya kay Dylan. Basta isang araw na lang ay nagising siya na mainit na ang dugo niya rito samantalang lumaki naman siyang halos araw-araw niyang nakikita ito dahil magkakaibigan ang mga magulang nila.

Siguro dahil sa napakapreskong personality nito o baka naman dahil sa pagiging playboy nito kaya siya inis na inis dito!

Ay! Ewan, hindi talaga niya alam ang totoong dahilan. Basta ang alam lang niya ay mainit at kumukulo-kulo pa ang dugo niya kapag nakikita niya ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya kay Dylan. Agad namang napatingin sa kanya si Dylan at isang napakalapad na ngiti ang iginawad nito sa kanya.

"Nag-aalmusal." Sarcastic na sagot nito na ngising-ngisi pa.

Dahil sa sagot na iyon ng binata, nagsalubong ang kilay niya. "Alam ko at nakikita ko –"

"Kung alam mo na pala, bakit mo pa tinatanong?" Biglang sinabi ni Dylan, na kitang-kita ang panunukso sa kanyang mukha.

Napahigpit ang hawak ni Shane sa kanyang kamao dahil sa sagot nito. "Ang ibig kong sabihin, bakit ka nandito kung may sarili ka namang bahay?" Dagdag niya habang pinipigilan ang sarili na magalit nang todo.

Kakasimula pa lang ng umaga, sinisira na agad ng Dylan na ito ang kanyang araw.

"Mayroon bang karatulang nakadikit sa labas ng bahay niyo na mahigpit na nagbabawal pag-aalmusal ko dito?" ang mapang-uyang tanong nito.

Dahil sa nakakainis na tugon ni Dylan, hindi na niya napigilan ang galit at agad na lumapit sa kanya.

Nang makalapit, mahigpit niyang hinawakan ang damit nito at malakas na hinila upang patayuin ito. Subalit, nagmatigas ito at pilit na kumakapit sa kinalalagyan, nagsisikap na pigilan ang paghila at pag-angat sa kanya.

"What's that!" They both turned to look at the speaker, Andrew, her brother who was Dylan's best friend. "Shane, let go of Dylan." Andrew added, ordering her when he noticed what she was doing to Dylan.

She immediately complied and let go of her grip on Dylan's clothes, but as she released him, she stepped on his foot hard.

"OUCH!" Dylan cried out loudly.

"Oops! Sorry!" She apologized insincerely with a teasing grin. "I didn't mean to."

Napatitig sa kanya ito ng masama. "Amazona!"

Ngunit sa halip na tumugon sa sinabi nito, siya'y ngumiwi lamang at naupo sa isang bakanteng upuan.

"Napaka-aga naman ng away niyo," ang pagpuna ni Andrew sa kanyang kapatid nang ito'y makaupo na.

"Hay naku Andrew pagsabihan mo nga 'yang kapatid mo, grabe hindi naman inaano ang init na ng ulo." Sumbong ni Dylan kay Andrew.

Napatingin ng masama si Andrew kay Shane.

"Kuya ano naman magagawa ko e, talagang mainit ang dugo ko sa kanya!" Agad na depensa niya sa sumbong ni Dylan.

"Bakit ba kasi mainit ang dugo mo sa akin?" Takang tanong ni Dylan na nakakunot pa ang noo kaya napunta naman dito ang tingin ni Andrew.

"Teka-teka nga lang – ako nahihilo ako sa inyong dalawa pwede ba kahit sa harap man lang sana ng pagkain tigilan niyo muna ang bangayan niyo." Saway ni Andrew sa kanilang dalawa.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon