CHAPTER NINE

215 10 9
                                    

CHAPTER NINE


SHANE'S P.O.V


Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kwarto dahil hanggang ngayon kasi naalala ko pa rin ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Dylan. Hanggang ngayon ay nangagalaiti pa rin ako sa galit sa kanya.

Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung mananakaw sayo ang first kiss mo at ang malala pa ay ang nakakuha pa nito ay ang taong kinaiinisan mo! Aber? Ano sino ang matutuwa? Wala, diba?

Nakailang mumog na ako ng listerine at halos maubos ko na ang isang bote pero pakiramdam ko pa rin ay parang nakadikit pa rin sa mga labi ko ang lips ni Dylan! Grabe kaderi talaga!

"Kahit kailan talaga wala ka nang magandang nadala sa buhay ko!" Inis na inis at nangigigil na reklamo ko habang nakatingin sa salamin at ini-imagine ko na kaharap ko si Dylan.

"Pagkatapos mo akong idamay sa pagod mo sa pagtakas sa mga naghahabol sayo ay nanakawin mo pa ang first kiss ko!" Patuloy na pagmamaktol ko pa.

Nang bigla akong napapitlag dahil sa biglang may kumatok sa pinto. "Sino 'yan?" Walang kabuhay-buhay na tanong ko.

"Si Dylan 'to." Sagot nito kaya nanlaki bigla ang mata ko nang malaman ko na si Dylan pala.

Hindi pa ako handang harapin siya! Baka kasi kung ano pa ang magawa ko sa kanya kapag nakita ko siya. Mapagalitan pa ako ulit ni Kuya.

"Ayaw kong makausap ka!" Sagot ko na pagalit.

Medyo namanyani ang katahimikan kaya akala ko ay umalis na siya pero nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. "Alam ko galit na galit ka nanaman dahil sa nangyari kanina." Sabi niya.

Nagsalubong naman ang kilay ko. "Buti alam mo –"

"Kaya nga mag-usap tayo –"

"Ayaw ko ngang makausap ka at mainit na mainit pa ang ulo ko!"

"Pwede ba Shane 'wag mo ngang masyadong seryosohin ang nangyari na 'yon –"

"Anong 'wag seryosohin!" Galit na bulyaw ko na napatayo pa ako sa kinauupuan ko at naglakad ako sa may pinto pero hindi ko pa rin naman iyon binuksan. "You stole my first kiss –"

"Stole your first kiss?" Sarkastikong ulit nito sa sinabi ko. "Pwede ba Shane tigil-tigilan mo nga 'yang imagination mo at sinasabi ko sayo hindi 'yon kiss kaya hindi ko ninakaw ang first kiss mo!"

Nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi niya. "Hindi kiss?" Galit na ulit ko sa sinabi niya.

"Oo hindi ko 'yon kinokonsider na kiss dahil sandalian lang naman dumampi ang labi ko riyan sa labi mong parang pader sa tigas!" Anito na mas kinainis ko dahil sa huling sinabi niya, akalain mo ba naman sabihan ba naman ako na kasing tigas ng pader ang lips ko!

Dahil na rin sa sobrang inis ko ay binuksan ko na ang pinto sabay hatak ng damit niya.

"Anong sinabi mo!? Kasing tigas ng pader ang lips ko?" Galit na tanong ko habang hatak-hatak ko ang kanyang damit. Pero hindi siya nagpatinag sa galit ko actually sinalubong pa nga niya ang mga mata ko.

"OO! At kahit kailan hindi ko pinangarap na mahalikan ka!" Sagot pa nito na mas lalong kinainit ng ulo ko.

Ang kapal talaga ng lalaking 'to as if naman ako pinapangarap ko na mahalikan niya!

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon