CHAPTER TEN
SHANE'S P.O.V
Maghapon ng mainit ang ulo ko kaya naman tamad na tamad akong maglakad. Kakatapos pa lang ng huling klase ko at pauwi na ako pero parang ayaw kong ihakbang ang mga paa ko lalo na't kapag naiisip ko baka makita ko si Dylan sa bahay. Hanggang ngayon kasi ayaw ko pa rin talagang makita ang lalaking 'yon.
Nang bigla naman akong napapitlag sa gulat dahil sa biglang may nagbusina sa likod ko.
"Ay! Kabayong nahulog!" Nasambit ko dahil sa gulat.
Salubong ang kilay na agad akong napalingon sa nagbusina pero agad namang umaliwalas ang mukha ko ng makilala ko kung sino ang nasa loob ng kotse, walang iba kundi si Richard.
Agad itong lumabas ng sasakyan.
"Pauwi ka na ba?" Nakangiting tanong niya sa akin habang naglalakad siya palapit.
Ngumiti ako. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko embes na sagutin ang tanong niya.
"Sinusundo ka."
Mas lalong lumapad pa ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako kinikilig ha natuwa lang ako dahil dati ang sumusundo lang sa akin ay sina Kuya at Ryan pero ngayon naiba naman dahil si Richard naman ang sumundo sa akin kaya nakakatuwa 'diba.
"Wow naman! May pasundo-sundo ka pang nalalaman ha." Biro kong sabi.
"Syempre, namiss kita ng sobra e,"
"Naks! Baka naman 'pag may makarinig sayo niyan, e mapagkamalan pang boyriend kita." Biro ko sa kanya sabay tawa.
Tumawa rin siya. "Mas okay nga 'yon." Ganting biro rin niya sa akin. "O, ano tara na at idadate pa kita." Dugtong na yakag na niya dahil hindi na rin naman ako sumagot sa biro niya.
Mas lalo akong natawa. "Idadate talaga?"
"Oo. Bakit ayaw mo ba?"
"Gusto kaso nga lang baka pagsisihan mo." Sagot na biro ko ulit.
"Bakit ko naman pagsisihan?"
"Syempre, ang lakas ko kayang kumain."
Natawa siya ulit. "Hay naku kahit magdamag ka pang kumain, okay lang, kayang-kaya ng budget ko 'yan."
"Ok, sabi mo 'yan ha. 'Wag kang magsisisi."
Dalawang magkasunod na tango ang itinugon niya. "So tara na." Yakag ulit niya nang matapos tumango.
Kaya agad na kaming sumakay sa kotse niya.
* * * * *
Dahil medyo parang namiss ko ang kumain ng mga street foods ay niyaya ko si Richard sa isang lugar kung saan madalas akong pumunta kapag gusto kong kumain ng mga street food. Sa lugar na ito kasi nasisiguro kong malilinis ang mga tinitinda nila I mean may mga pwesto kasi 'diba minsan na hindi ganon kaaya-aya ang paligid.
Pero dito sa lugar na ito malinis talaga, kahit ang way ng paghandle at paluto ng mga vendor sa mga tinitinda nila ay naka plastic gloves pa sila at saka yong sauce nila ay hindi nila hinahayaan na doble sawsaw, I mean yon iba kasi diba nakasawsaw na then isinubo na nila tas biglang sasaw nanaman.
BINABASA MO ANG
Living with the Boys (EDITNG)
Teen FictionLiving with the boys is not easy, but Shane has no choice because that's been their setup since they were young. Unfortunately for her, she ended up with two brothers, and to make matters worse, one of their childhood friends is also temporarily sta...