C24: Happy Ending?

35 8 5
                                    

SHANE P.O.V

Gulong-gulo ako hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Dylan. Oo mahal ko siya at gusto kong siya na ang mapangasawa ko pero nahihirapan ako eh,

'Ah! Bakit mo ba ako pinahirapan ng ganito Dylan!' Reklamo ko sa isip ko.

I want to say yes, pero parang may pumipigil sa akin dahil masyado pang maaga. Oo alam ko naman wala 'yan sa tagal niyong magkarelasyon bago kaya magpakasal dahil naniniwala ako na kung sigurado kayo na ang isa't isa na ang gusto niyong makasama habang buhay bakit pa papatagalin,diba?

Pero ewan ko ba kung bakit nahihirapan akong gawin 'yun sa sarili ko. Gusto kong si Dylan na ang makasama habang buhay, gusto kong siya ang maging ama ng mga magiging anak ko, at gusto ko siyang ang makasama ko 'pag tanda ko.

I can't imagine also my life without him. He's my happiness, kahit madalas akong naiinis sa kanya pero mahal na mahal ko siya.

"Say Yes! Say Yes! Say yes!" Patuloy pa 'rin na pagche-cheer ng mga tao.

Huminga ako ng malalim. Sa tingin ko masyado pang maaga para mapakasal kami pero..... My love for him is enough reason to take a risk again and take another step.

"Yes, I will marry you." Nakangiting sagot ko. Sana tama ang desesyon ko na 'to

Biglang napatalon si Dylan mula sa stage at mabilis na lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

I can feel the happiness na nararamdamn niya ngayon, rinig na rinig ko 'rin ang malakas na kabog ng puso niya.

"I love you." Umiiyak na bulong niya sa akin.

"I love you too." Sagot ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inilabas ang singsing mula sa bulsa niya, lumuhod siya't kinuha niya ang kamay ko at isinuot niya sa akin ang singsing.

Sigawan ang mga tao na tuwang-tuwa sa nasaksihan nila.

Tumayo naman agad si Dylan pagkasuot sa akin ng singsing at niyakap niya ako ulit.

Habang magkayakap kami ni Dylan  ay natanaw ko sina Kuya Andrew at Ryan na ngiting-ngiti na nakatingin sa amin.

Tininganan ko sila ng masama pero nginitian ko 'rin naman sila.

DYLAN P.O.V

Kinakabahan ako kanina at takot na takot dahil hindi ko alam kung papayag ba si Shane na magpakasal sa akin.

Oo alam ko naman na masyado pang maaga para yayain na siyang magpakasal pero gustong-gusto ko na talaga siyang pakasalan.

Kaya naman kinausap ko na si Andrew at humingi ako sa kanya ng pirmeso. Akala ko nga hindi siya papayag pero laking papasalamat ko at pumayag naman siya agad. 

Sa umpisa ay gusto kong simpleng proposal ang gagawin ko pero naisip ko once in a lifetime lang mangyayari 'to kaya itotodo ko. I want this proposal to be memorable to Shane.

Kaya ilang araw 'din akong naging busy sa pag-gawa ng plano kung papaano ko gagawin ang proposal ko.

And here we are it's a very successful proposal.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon