C22: The Truth

25 7 4
                                    

SHANE

Kinabukasan ay pinilit ko nang maging ok at pumasok na ako. Oo alam ko at inaasahan ko 'rin na magkikita kami mamaya ni Dylan dahil ok na sila ni Kuya. Kaya malamang pupuntahan niya ako .

Sa tingin ko ay heto na 'rin ang tamang oras para komprontahin ko siya. Pagpapaliwanagin ko siya sa nakita ko.

Pagdating ko sa store ay tama nga ako ako, naabutan kong nakatayo si Dylan sa may harap ng bookstore.

"Love." Tuwang-tuwa siyang lumapit sa akin pero ako ay wala lang akong reaksyon. "Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi kita macontact?"

Nang ibalik kasi sa akin ni Kuya ang phone ko ay hindi pa ino-on.

Tiningnan ko lang si Dylan saka pumasok na ako sa loob ng store. Sumunod naman siya sa akin.

"Love, may problema ba?" Takang tanong niya. "Naayos ko na ang tungkol kay Andrew free na tayong magdate." Excited na dagdag pa niya.

Pero hindi pa 'rin ako kumikibo.

DYLAN

Tatlong araw na ang nakakaraan ng huli kong makausap si Shane at simula noon ay hindi ko na siya ulit tumawag o nagbukas man lang Skype.

Dahil sa pag-aalala ko kay Shane ay talagang hindi ko tinigilan si Andrew hanggang sa kausapin niya ako. Sa wakas kahapon ay nagkausap na kami at nagkaayos.

Naniwala na siya sa akin na loyal talaga ako kay Shane at wala akong plano na saktan ang kapatid niya.

He believed me not because sa mga paliwanag ko sa kanya, he believed dahil ilang beses niya pala akong sinubukan using a girl. He sent a girl to my office and act as my patient. Then sinunukan nilang e-flirt ako pero hindi sila lahat nagtagumpay.

One girl also kissed me pero napagalitan ko lang siya dahil sa ginawa niya.

Seryoso ako kay Shane at mahal na mahal ko siya kaya hinding-hindi na ako magkakagusto sa ibang babae.

I am so excited to see Shane again pero hindi ko alam kung bakit ganito si Shane sa akin ngayon. Bakit parang hindi siya masayang makita ako?

"Love? Hindi ka ba masaya?" Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi siya kumikibo.

I saw her take a deep breath. "Maghiwalay na tayo."

"What!?" Gulat na gulat na reaksyon ko pagkarinig ko sa sinabi niya. "A-anong pinagsasabi mo? Maghiwalay tayo?"

"Oo —"

"Are you playing joke with me?"

"No I'm serious."

Napahawak ako sa sentido ko ng makita ko sa mga mata niya na seryoso nga siya.

"May nagawa bang akong masama —"

"Ayaw ko sa mga lalaking mangloloko —"

"Mangloloko? Nagbago na ako para sayo!!"

"Nagbago?" Sarkastikong ulit niya sa sinabi ko then she laugh. "Nagbago ba 'yung nakikipaghalikan ka sa ibang babae?"

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Nakikipaghalikan sa ibang babae?

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon