CHAPTER SIXTEEN
SHANE'S P.O.V
Kakabukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ko para lumabas ng bigla akong nagulat dahil kay Dylan na nakatayo sa harap ng pinto ko.
Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakatayo dito at hinihintay akong lumabas o nagkataon na kakarating pa lang niya at palabas naman ako pero hindi naman ako interesadong malaman kaya hindi pinatuunan ng pansin iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" Salubong ang kilay na tanong ko na lang sa kanya.
Ngumisi siya sabay tugod ng kamay niya sa gilid ng pinto. "It's time to serve me!" Sagot nito na ikinangiwi ko.
Grrr! Kakagigil talaga ang lalaking 'to! Umagang-umaga e. Panira agad ng araw.
Humalukipkip ako saka tumaas ang kilay ko. "Anong gusto mo?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya.
Muli siyang ngumisi saka tinangal na niya ang kamay niyang nakatukod at humalukipkip din. "Magbihis ka samahan mo ako." Utos niya sa akin na akala mo tatay ko kung makapag-utos!
Tumaas ang kilay ko. "Saan naman tayo pupunta?" Usisa ko. Syempre kailangan ko magtanong kung saan kami pupunta hindi naman pwede 'yong basta na lang niya ako uutusan na magbihis na hindi man lang sinasabi kung saan ang punta.
"Wag ka nang maraming tanong basta magbihis ka." Maangas na sagot nito at muling utos sa akin.
Naku! Talaga ang sarap bugbugin ng lalaking 'to! Pasalamat siya at kasalukuyang hawak niya ang napakaimportang gamit ko kundi naku malamang bugbog sarado na siya sa akin kung nagkataon.
"Aba! Hindi ako sasama sayo hangga't hindi mo sinabi sa'kin kung saan tayo pupunta." Pagmamatigas ko.
Tumaas ang kilay niya saka ngumisi siya. "Ok sige ikaw ang bahala, madali naman akong kausap e." Sagot naman niya na may tono na pagbabanta. "So, ang lagay pala niyang pwede ko nang sirain ang–" Dugtong na sabi pa niya pero agad ko na iyon pinutol dahil alam ko na ang susunod na sasabihin niya.
Napakuyom ako ng kamao sabay sabi na "Ok fine! Magbibihis na!" Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang or else.
Isang malapad na ngiti ang agad na gumuhit sa mukha niya.
Hintayin lang talaga nitong si Dylan na maibalik niya sa akin ang Ipad ko at talagang may pagkakalagyan siya!
* * * * *
Dahil sa inis ko at para na rin makaganti kay Dylan ay binagal-bagalan ko ang pagbibihis. Atleast kahit man lang sa pamamagitan nito ay makaganti ako sa kanya. Tingnan ko lang kung hindi siya mainis sa sobrang bagal ko.
Nakabihis na ako at napag-ayos pero dahil sa gusto ngang inisin si Dylan ay nahiga pa ako at nagbrowse sa facebook.
Inabot din kaya ako ng mga halos 45 minutes bago ko naisipan nang lumabas. Panigurong inip na inip na si Dylan sa kakahintay sa akin.
Habang palabas ako ng aking silid ay malapad ang mga ngiti ko dahil sa tuwa dahil kahit papaano ay nakaganti ako kay Dylan kahit man lang sa pamamagitan ng paghintayin siya ng matagal.
Tulad nga ng inaasahan ko ay naabutan ko si Dylan na halos pahinga na ang pagkakaupo sa sofa at agad lang nito inayos ang pagkakaupo ng makita niya ako.
Nagsalubong ang kilay niya saka tumingin sa suot niyang wristwatch. "nagbihis ka lang inabot ka ng 40 minutes." Reklamo niya sa akin.
Tumigil naman ako sa pag-ngiti at tinaasan ko siya ng kilay. "Aba! Syempre nag-ayos pa ako, nag make up at saka ang hirap kaya mamili ng damit." Katwiran ko.
BINABASA MO ANG
Living with the Boys (EDITNG)
Teen FictionLiving with the boys is not easy, but Shane has no choice because that's been their setup since they were young. Unfortunately for her, she ended up with two brothers, and to make matters worse, one of their childhood friends is also temporarily sta...