CHAPTER SIX

255 13 6
                                    

CHAPTER SIX

SHANE'S P.O.V

Nang humupa na ang galit ko ay nagkausap na kami ni Kuya at humingi na siya sa akin ng tawad pero pinasabihan pa 'rin niya ako na hindi maganda ang ginawa ko.

Oo na may kasalanan na ako at hindi ko dapat ginawa iyon kay Dylan.

Kaya ang plano ko ngayon ay para hindi na ako mainis sa lalaking 'yun ay iiwasan ko na lang siya at hindi ko na 'rin siya papakialaman saka pinangako naman kasi sa akin nin Kuya na kapag natapos na ang pag-aayos ng bahay nito ay aalis na 'rin siya sa bahay kaya kaunting tiis lang naman ang gagawin ko.

"Hoy! Bakit tahimik ka nanaman diyan?" Biglang tanong sa akin ni Elsa.

Kasalukuyang nasa Cafeteria kasi kaming dalawa at nag-aaral para sa Exam namin mamaya.

"Wala." Sagot ko lang sabay ngiwi.

"Naku, wag mong sabihin na nag-aaway nanaman kayo 'nung lalaking kinukwento mo sa akin kaya ganyan nanaman ang pagmumukha mo."

Huminga ako ng malalim. "Ano pa nga ang ibang dahilan!" Sagot ko na pinaikot ko pa ang itim ng aking mata

Tumaas ang kilay ni Elsa. "Ano nanaman ba ang pinag-awayan niyo?"

"Hay naku mahabang kwento,.. nakakatamad."

"Wow Grabe magkukuwento ka na nga lang tinatamad ka pa."

Napakamot tuloy ako sa ulo dahil sa tinuran nin Elsa. "E, hindi naman kasi importante ang lalaking 'yun para pagaksayahan natin ng oras."

"Oh, siya sige 'kaw na ang bahala mahal na prinsesa." Anito sabay ngitin. "Teka nga pala... naalala ko lang –" Sabi niya sabay ngisi naman. " – Baka naman kaya inis na inis ka sa lalaking tinutukoy mo ay dahil may gusto ka sa kanya." Biglang banat ni Elsa sa akin kaya hindi ko maiwasan na hindi siya titigan ng masama.

"Pwede ba Elsa tigil-tigilan mo nga ako! FYI lang kahit kailan hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya!" Salubong ang kilay na mabilis na sagot ko sa pang-aasar niya. "At saka kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo! Nunka akong makakagusto sa kanya" Dugtong ko pa.

"Asus! Defensive!" Patuloy na pang-aasar ni Elsa sa akin na mas lalong kinainis ko.

"Excuse me lang Elsa hindi ako defensive nagsasabi lang naman ako ng totoo."

"O, siya, sige na .. sabi mo e." Nakangising sabi na lang ni Elsa na may kasama pang tingin na mapang-asar. Kaya naman kinutusan ko siya ng biglang...

"Hi Shane." Sabay kaming napalingon dahil sa nagsalita.

Paglingon namin ay pareho pa kami ni Elsa na nagulat at napataas ng kilay. Sino ba naman kasi ang hindi mapapataas ng kilay kung malingunan mo ang taong hindi mo naman kaclose ay ngiting-ngiti sayo at nag-Hi pa.

"O, Sofia." Aniko na lang. Syempre kung gusto niya ng plastikan e, game ako diyan!

Naglakad siya palapit sa amin na hindi pa 'rin nawawala ang ngiti na nakaguhit na 'ata. "Wala kang klase ngayon?" Tanong niya ng makalapit na siya.

Umiling-iling ako. "Maya pa. Bakit?"

"Pwede ka bang makausap?"

"Bakit magkausap na kayo, diba?" Bulong ni Elsa na ikangisi ko, kasi may point naman si Elsa, diba?

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon