DYLAN'S P.O.V
"I'll make you pay sa lahat ng sakit ng katawan na nakuha ko sayo!" Matalim ang tingin sa kawalan na saad ko sa aking sarili sabay ngisi.
May naiisip kasi akong plano para makaganti kay Shane. Sumosobra na talaga kasi ang babaeng 'yon. Akala niya lagi na lang niya akOng matatalo at mapapaikot-ikot lang sa kanyang mga palad pwes this time I'll take my revenge.
Humanda siya paghihiganti ko!!!!
Tingnan ko lang sa naiisip kong plano kung makakapalag pa sa akin si Shane.
* * * * * *
Kinabukasan maaga akong nagising, kahit medyo masakit pa ang blackeye ko ay kinailangan kong gumising ng maaga dahil sa planong naiisip ko para makaganti ako kay Shane.
I know my plan is not that solid at hindi ako masyadong confident kung magiging succesful pero susubukan ko pa rin dahil talagang inis na inis na ako sa Amazonang 'yon! Kailangan ko na talagang bigyan siya ng leksyon.
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay kapag sinuswerte nga naman ako at nakita ko ang bag ni Shane na nakapatong sa center table.
Agad akong napangisi at dali-daling lumapit sa bag niya. Agad kong binuksan iyon at naghalungkat ako ng importanteng gamit niya na pwede kong makuha.
Ipad niya ang nakita ko lang na kapakipakinabang na pwede kong makuha kaya iyon na lang ang kinuha ko. Pagkakuha ko ay pumunit din ako ng kapirasong papel sa notebook ni Shane at kumuha ako ng ballpen.
Nagsulat ako ng note para kay Shane.
"Kung gusto mong ibalik ko sayo ang Ipad mo call me 09172222222..... Dylan" – sinulat kong note.
Pagkatapos kong magsulat ay inilagay ko ang note sa ibabaw ng bag niya at pinatungan ko ng notebook para hindi liparin saka muli na akong bumalik sa aking silid na ngiting-ngiti.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagbihis. Wala nang hilahilamos. Makikiligo na lang ako sa bahay nina Mama. Mahirap baka magkasabay pa kasi kami ni Shane sa paglabas. Saka may pasok rin naman ako mamaya.
SHANE'S P.O.V
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay natanaw ko si Dylan na nagmamadaling lumabas.
"Bakit kaya nagmamadali ang lalaking 'yon?" nakakunot ang noo na tanong ko sa aking sarili. "Ang aga pa ha." Dagdag ko pa na may kasabay nang pag-iling.
"Hay naku! Ano ba naman ang pakialam ko sa kanya." Biglang sabi ko ng marealized ko sa aking sarili na wala naman pala ako pakialam sa Dylan na 'yon!
Kaya naman embes na mag-isip ako ay lumapit na lang ang aking bag na iniwan ko muna sa center table dahil may kinuha ako sa kwarto ko.
Pagkalapit ko ay nagtaka ako dahil nasa labas na ang notebook na pagkakatanda ko naman ay wala naman akong inilalabas na notebook pero gayun pa 'man ay dinampot ko na lang ito para ilagay sa loob ng akin bag pero pagdampot ko ay isang page ng papel ng notebook ang nakalagay sa ilalim kinuha ko ito at binasa pero hindi ko pa man natatapos basahin ito ay agad ko na itong nabitawan.
Dali-dali kong inuksan ko ang bag ko para icheck. Nang masiguro ko nga na talagang kinuha ni Dylan ang Ipad ko ay biglang umakyat ng dugo ko sa ulo.
"Dylan!!!!!!" Galit na sigaw ko dahil hindi ko na napigilan ang aking sarili. "Walang hiya ka talaga!"
Kaya pala maagang umalis ang kumag na 'yon dahil may ginawa nang kalokohan! Naku maghanda-handa talaga sa akin ang lalaking 'yon!!!!
DYLAN'S P.O.V
BINABASA MO ANG
Living with the Boys (EDITNG)
Teen FictionLiving with the boys is not easy, but Shane has no choice because that's been their setup since they were young. Unfortunately for her, she ended up with two brothers, and to make matters worse, one of their childhood friends is also temporarily sta...