CHAPTER SEVEN

240 11 10
                                    

CHAPTER SEVEN


SHANE'S P.O.V

Papasok ako ng bahay ng makarinig ako ng mga nagtatawanan. "May bisita ba sina Kuya?" takang tanong ko sa aking sarili. "Ah, baka sila-sila lang." Sabi ko ulit na pagwawaksi ng ideya na may bisita ang mga kapatid ko. Saka nagpatuloy na ako sa pagpasok sa loob ng bahay.

Pagbungad ko sa pinto ay bigla akong napatigil at napangiti ng malapad pagkakita ko sa isang tao na halos dalawang taon ko nang hindi nakikita.

"Richard." Tuwang-tuwang bulaslas ko ng kanyang pangalan.

Agad 'din naman siyang napaangat ng tingin sa akin at isang malapad na ngiti 'din ang gumuhit sa kanyang mga labi at dali-daling tumayo at naglakad palapit sa akin.

Paglapit niya sa akin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit na gumanti naman ako ng yakap.

"I miss you!" Saad ko habang nakayakap sa kanya.

"I miss you too." Ganting aniya naman niya.

Close na close kasi ako kay Richard. Simula nang makilala ko siya at naging kaibigan siya ni Kuya ay ang bait-bait na niya sa akin. Lagi niya ako noon tinutulungan sa mga assignment ko at saka sa mga lessons na hindi ko 'rin naiintidihan lagi niyang inexplain sa akin.

Para ko na 'rin siyang Kuya kaya naman 'nung nagpaalam siya na pupunta siya ng US ay talagang nalungkot ako. Pero gayun pa 'man kahit nasa US siya lagi naman kaming nagchachat kaya ok na 'rin naman kaso nga lang nitong mga nakaraang buwan ay hindi na siya ng nagpaparamdam kaya nagulat talaga ako na andito na pala siya sa Pilipinas.

"Wow! Kung makapagyakap naman kayong dalawa ay para kayong mag-asawa na matagal na hindi nagkita." Narinig naming sabi ni Dylan kaya pareho kaming napatingin sa kanya.

"Alam mo kahit kailan wala talaga magandang lumalabas diyan sa bibig mo, ano!" Nakataas ang kilay na sabi ko kay Dylan.

" Hay naku hayaan mo na nga lang siya, nang-aasar lang 'yan." Sabi naman sa 'kin ni Richard.

Umismid na lang ako saka muli kong ibinaling ang aking tingin kay Richard saka ngumiti ulit ng malapad. "Kailan ka pa dumating?" Usisa ko na lang sa kanya.

"Kahapon lang." Sagot niya na nakangiti 'din.

"Ang daya mo talaga , hindi ka 'man lang nagsabi na uuwi ka na pala para sana nasundo kita."

"Wow ang sweet naman." Muling pang-aasar ni Dylan sa amin kaya muli 'ding napabaling kami ng tingin sa kanya.

"Pwede ba Dylan! Wag kang manira ng moment." Reklamo ko sa kanya.

Siniko naman siya ni Kuya. "Hindi pa nga magaling 'yang paa mo, inuumpisahan mo nanaman ang kapatid ko sa pang-aasar mo." Ani pa ni Kuya sa kaibigan niyang asungot.

Agad naman itong natahimik at inalis na ang atensyon sa amin ni Richard.

"Hindi ko talaga maintindihan kung paano mo nakakasundo ang kumag na 'yan!" Sabi kay Richard habang nakatingin pa 'rin ako kay Dylan. "Si Kuya nainintindihan ko kasi bata pa lang kami magkaibigan na sila pero ikaw —"

"Ano ka ba mabait naman 'yang si Dylan.... Sadyang maluko lang talaga siya pero kapag nakasanayan mo na 'rin 'yang mga pang-aasar niya naku hindi mo na lang mapapansin." Sagot ni Richard na ikinangiwi ko na lang kaya hinawakan niya ako sa ulo at ginulo-gulo ang buhok.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon