CHAPTER NINETEEN
DYLAN'S P.O.V
Bago ako lumabas ng kwarto ko ay maingat ko munang sinilip kung nasa labas si Shane. Mahirap na kasi lalo na ngayong wala na akong pinanghahawakan na laban sa kanya dahil hindi na sa kanya umuubra ang panakot kong Ipad niya.
Mas mainam na magingat-ingat na muna ako sa kanya ngayon dahil siguradong hindi iyon papayag na hindi makaganti sa'kin.
Anyway, about naman sa Ipad ay hindi ko na sinira 'yon o ibinenta dahil sayang naman kaya itinago ko na lang muna baka sakaling may makita pa akong pwede kong mapakinabangan na laban sa kanya.
"Hoy!" Nang bigla akong nagulat at naisara ko ang pinto pero ng marinig ko ang halakhak ni Ryan ay agad ko rin naman muling binuksan ang pinto. "Anong may'ron?" Tanong niya ng mabuksan ko na ang pinto.
Tumuwid ako sa pagkakatayo saka tumungin sa kanya ng deretso. "Wala." Sagot ko.
"Wala?" Hindi naniniwalang aniya. "Anong wala e, para kang bata diyan na tatakas sa Nanay."
Ngumiwi ako. "Chinicheck ko lang si Shane kung andito sa labas." Napilitang sagot ko ng totoo.
Ngumiti naman siya ng malapad. "Naku, wag kang mag-alala maagang sinundo ni Richard."
Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. "Sinundo ni Richard?" Ulit ko sa sagot niya.
"Oo."
"Bakit kaya?"
Kibit-balikat lang ang isinagot niya saka nagpatuloy na siya sa paglalakad palabas. Samantalang ako naman ay naiwan na malalim ang iniisip.
SHANE'S P.O.V
"Mukhang talagang seryoso ka sa gagawin mo ha." Sabi ko kay Richard habang malalapad ang ngiti kong nakatingin sa kanya.
Maaga niya akong sinundo dahil nangako ako sa kanya na sasamahan ko siya ngayon dito sa bahay nina Elsa para magpa-pogi points sa kaibigan ko.
Actually ay ito ang tulong na hinihingi niya kapalit ng pagtulong niya sa'kin sa thesis ko. Tutulungan ko siyang mangligaw kay Elsa na matagal na niyang gusto kaso medyo alangan siya dahil sa agwat ng kanilang edad pero ngayon na mag 18 years old na si Elsa ay gagawa na siya ng moves.
"Syempre naman, ang tagal ko kayang naghintay." Sagot niya na hindi na nag abalang tingnan ako dahil busy siyang pag-aabang sa paglabas kay Elsa mula sa kanilang bahay.
"Basta ha, wag mong kalimutan ang isa mo pang promise kapag napasagot mo si Elsa." Paalala ko naman sa kanya ng isa pang napag-usapan namin kapag naging sila ni Elsa.
Napalingon siya sa'kin na nakataas ang kilay. "Don't worry." Paniniguro naman niya saka muling ibinalik ang atensyon sa pagbabantay sa paglabas ni Elsa.
* * * * *
"So?" Tanong ko kay Elsa habang naghihintay kami ng prof. namin dumating.
"Anong so?" Nakakunot na tanong din niya sa'kin.
"Ano ang tingin mo kay Richard?" Detailed na tanong ko dahil hindi niya nagets ang ibig kong sabihin. Hindi ko na kasi siya natanong kanina dahil maaga ang klase niya kaya ngayon ko na lang siya inuusisa.
BINABASA MO ANG
Living with the Boys (EDITNG)
Genç KurguLiving with the boys is not easy, but Shane has no choice because that's been their setup since they were young. Unfortunately for her, she ended up with two brothers, and to make matters worse, one of their childhood friends is also temporarily sta...