CHAPTER FOUR

305 10 15
                                    

CHAPTER FOUR

DYLAN'S P.O.V

Naalimpungatan ako bigla ng mag ring ang cellphone ko kaya mabilis ko itong inabot na nakalagay sa bedside table at sinagot habang nakapikit pa 'rin.

"Hello." Sagot ko sa tumatawag sa akin.

"Kasama mo ba si Sunshine?" Tanong agad ng nasa kabilang linya.

Napakunot ak biglao ng noo dahil maliban sa hindi ko kilala 'tong kausap ko ay hindi ko 'rin kilala kung sinong Sunshine ang tinutukoy niya.

"Who's this? Wrong number ka 'ata." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ba si Dylan 'to."

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil alam niya ang pangalan ko, "Ito nga, bakit alam mo ang pangalan ko, sino ka ba?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Si Rico 'to. Remember 'yung nakilala mo sa Club kagabi." Pakilala niya sa sarili pero wala pa 'rin akong matandaan.

Oo pumunta nga ako sa club kagabi ng mag-isa pero aside from that ay medyo blur pa ang memories ko sa mga nangyari kagabi.

"At si Sunshine naman ay ang Cousin ko." Pagpapatuloy na pagpapaalala niya.

"Ok, sabihin na natin na nagkakilala nga tayo kagabi pero bakit mo naman sa akin hinahanap ang pinsan mo?"

"Dahil magkasama kayong lumabas kagabi ng Club at hanggang ngayon ay hindi pa 'rin siya umuuwi."

"Magkasama?.... Baka naman —" Biglang natigil ako sa pagsasalita dahil naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Agad kong naimulat ang mga mata ko.

Nanlaki bigla ang aking mga mata ng makita ko ang isang babae na natutulog sa tabi ko. ilang beses akong napakurap-kurap na nagbabaka sakali na baka namamalik mata lang ako pero totoo talaga siya. Nasa tabi ko talaga siya.

Muli kong binalik ang atensyon ko sa kausap ko sa cellphone. "Mahaba ba ang buhok ng pinsan mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatigin ako sa babae.

"Oo."

"Mabuti?"

"Oo.."

"May nunal sa may pisngi at ilalim ng mata?"

"Oo pinsan ko nga 'yun, natatandaan mo na ba siya?" Tuwang-tuwa na saad niya.

"Patay!" Kung ano ang ikinatuwa ng kausap ko ay siya naman ang ikinalungkot at ikinatakot ko para sa buhay ko.

Sa sobrang kalasingan ko hindi ko na talaga matandaan kung ano ang mga nangyari kagabi. Nagdala pala kagabi ng babae dito! Mukhang ako mismo ang naghukay ng sarili kong libingan a,.

Dali-dali kong ibinababa ang cellphone ko at mabilis na tumayo at nagbihis ng damit na pantaas.

Pagkabihis ko ay agad ko namang ginising na ang babaeng katabi ko na sabi ng kausap ko kanina ay si Sunshine nga.

"Miss, gising!" Aniko.

"Hmm...." Reaksyon lang niya na nakapikit pa 'rin ang mata.

"Miss, I said wake up." Ulit ko sa pangigising sa kanya na may kasama nang pangyuyugyog.

Mga ilang segundo ko 'rin ginagawa iyon hanggang sa minulat na 'rin niya sa wakas ang mga mata niya. Nagulat pa siya ng makita niya ako. "Sino ka!?" Gulat na tanong nito.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon