Chapter Eleven

178 9 3
                                    

CHAPTER ELEVEN


SHANE'S P.O.V


Kung may baril lang ako dito sa bahay malamang matagal ko nang napatay si Dylan dahil sa sobrang inis ko sa kanya.

Inip na inip na talaga ako sa pagalis ng lalaking 'yon? Talagang ubos na ubos na kasi ang pasensya ko sa kanya. Hindi ko na alam kung paanong pagpipigil ang gagawin ko para mapigilan ko ang aking sarili na saktan siya.

"O bakit parang gusto mo 'atang sirain ang pinto?" Tanong sa akin ni Ryan pagkapasok ko sa bahay. Ang lakas kasi ng pagkakabalibag ko sa pinto.

"Grrr!!!" Ani ko lang embes na sagutin ang tanong niya.

"Si Dylan nanaman 'yan." Hulang sabi niya na napapailing-iling pa.

"Pwede ba palayasin niyo na nga ang lalaking 'yon!"

"Bakit ba inis na inis ka nanaman sa kanya dahil ba ron sa pagnanakaw niya ng first kiss mo?" Pang-aasar ni Ryan na kinagulat ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol don?" Nakakunot pa ang noo na tanong ko.

"Syempre iknuwento sa akin ni Dylan."

Mas lalo tuloy akong nangigil. Talagang may lakas ng loob pa talaga siyang ikwento sa kapatid ko ang nangyari.

"Wag kang mag-alala, hindi naman kinokonsidera ni Dylan na kiss 'yon." Sabi niya ulit.

"It was a kiss Ryan! Kahit anong pang dahilan pa niya it was a kiss!" Pagpipilit ko.

"Anong kiss?" Pareho kaming nagulat dahil sa biglang pasulpot ni Kuya Andrew.

Agad naman akong napatingin kay Ryan sabay bulong sa kanya. "Don't you ever tell Kuya." Sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin. "Tungkol sa –" Sagot sana ni Ryan pero naputol dahil sa pagpasok nina Richard at Dylan.

Kay Dylan ako unang napatingin kaya naman tinapunan ko siya ng masamang tingin pero nginisihan lang niya ako sabay turo pa ng labi niya.

Ang kumag talagang nag-aasar! Akala naman niya maasar na niya ako ha! Pwes, hinding-hindi ako magpapaapekto sa pang-aasar niya.

Hindi ko gagawin ang gusto niya mangyari, ang maasar! Tingan lang natin!

"O, Chard ano ginagawa mo dito?" Baling na tanong ni Kuya Andrew kay Richard na kakapasok pa lang.

Ngumiti muna ito at tumingin sa akin bago sumagot. "Hinatid ko lang si Shane."

Kumunot ang noo ni Kuya. "Bakit? ---- Lumabas ba kayo?"

"Oo, inilibre niya ako." Ako na ang sumagot. "Buti pa si Richard mabait 'di tulad ng iba diyan!" Agad na dugtong na parinig ko kay Dylan. Syempre wala naman ako ibang paparingan na hindi mabait sa akin kundi si Dylan lang naman.

"Wow nagsalit ang mabait." Ganting sagot naman ni Dylan. "Sino kaya diyan ang gaan-gaan ng kamay sa pananakit."

Napakuyom tuloy ako ng kamao dahil sa sinabi niya pero kaya ko pa naman pigilan ang inis ko. "FYI lang hangga't kaya ko pinipigilan ko ang magalit pero ikaw lang naman ang din ang nagbibigay sa akin ng dahilan para masaktan ka!"

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon