Chapter Fifteen

93 9 0
                                    

DYLAN'S P.O.V

Kanina pa ako ngiti ng ngiti habang nakatingin sa Ipad ni Shane. Tuwang-tuwa lang talaga kasi ako dahil umaayon ang lahat sa plano ko. Hindi ko rin naman akalain kasi na magtatagumpay ito although hindi pa naman talaga totally na tagumpay ang plano ko pero atleast alam ko na may pupuntahan.

Mas lalong lumapad ang mga ngiti ko ng matanaw ko si Shane sa labas na naglalakad patungo dito sa coffee shop na kinaroroonan ko.

"Ikaw naman ang lagot sa'kin!" Bulong ko sa aking sarili habang nakasunod ng tingin kay Shane.

* * * * *

"Where's my Ipad?" Agad na tanong ni Shane sa'kin pagdating niya pero tiningan ko lang siya.

"Have a seat first." Alok ko naman sa kanya habang nakatingin pa rin ako at sinamahan ko na ng ngiti.

Embes na sumunod ay tintigan lang niya ako ng masama pero linabanan ko siya ng tingin kaya sa bandang huli ay naupo na lang siya ng padabog sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.

Nang makaupo na siya. "Where's my Ipad!" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

Muli akong ngumiti. "Well –– bago ko ibalik sayo ang Ipad mo, may kondisyon muna ako –"

"What!!!" Gulat na gulat na reaksyon niya. "Pwede ba Dylan hindi ako nakikipagbiruan sayo, importante ang mga files nakasave sa Ipad! THESIS ko 'yon!

Mas lumapad ang pagkakangiti ko. "Like what you said importante nga ang mga files na nasa Ipad kaya mas lalong dapat sumunod ka sa gusto ko." so you have no choice na sumunod sa gusto ko.

Napakagat siya ng labi at nang-gigil na nakatingin lang sa akin. Hindi siya nagsalita ng mga ilang segundo. "Ok fine – pero paano ko masisiguro na hindi mo pa binura ang mga files ko?" Maya-maya'y tanong niya.

Ngumti ulit ako at kinuha ko ang Ipad niya na nakalagay sa bag ko saka binuksan ko iyon.

"Teka lang paano mo nalaman password ko?" Nanlalaki ang matang takang-takang tanong niya ng itype ko ang password niya.

Tumaas ang kilay ko at ngumisi. "Sus madali lang kaya hulaan ang password mo."

"What! Anong madaling hulaan ka diyan samantalang it's not even my birthday!" Salubong ang kilay na pagtataka niya.

Natawa tuloy ako dahil sa itsura at reaksyon niya. "Joke lang! Ikaw naman – syempre nakita ko minsan nang itype mo ang password mo kaya alam ko." Sagot ko na napapailing-iling pa ako.

Totoo naman na nakita ko siya minsan ng buksan niya ang Ipad niya at buti na lang nga natandaan ko pa kundi hindi ko mabubuksan itong Ipad niya.

Napailing-iling na lang siya na nakatingi pa sa akin ng masama.

"So... to prove you na hindi ko pinakialam ang files mo ipapakita ko sayo." Sabi ko na ng hindi na siya muling nagreact pa tungkol sa password.

Binuksan ko ang folder kung saan nakalagay ang mga files ng thesis niya at iniharap ko sa kanya ang Ipad para makita niya. Tumaas pa ang kilay niya pagkaharap ko sa kanya ng Ipad.

Nang biglang taangakain niyang hablutin sa'kin itong Ipad buti na lang at mabilis ako at nailayo ko agad sa kanya.

"Opps!" Reaksyon ko. "Sorry pero it's not yet the right time!" Ani ko pa na mas lalong ikinasalubong ng kilay ni Shane.

"Fine! Tell me what you want from me!" Sabi na lang niya ng hindi siya magtagumpay sa paghablot sa akin ng kanyang Ipad.

Ngumisi ako at tumaas-taas pa ang dalawa kong kilay. "Well hindi naman 'ganun kahirap ang gusto kong gawin mo –"

"Pwede ba 'wag ka na ngang magpaligoy-ligoy pa at sabihin mo na kung ano ang gusto mo! Sinasayang mo lang ang oras ko!"

" – BE MY SLAVE" Sabi dahil gustong niyang direct to the point na e.

"WHAT!!!!!!" Malakas na sigaw na reaksyon ni Shane to the point na nagsitinginan na sa amin ang ibang mga customer pero hindi na na iyon pinansin at tanging sa akin lang nakatuon ang buo niyang atensyon.. "Nababaliw ka na ba!" Dagdag pa na medyo malakas pa rin ang boses.

Ngumisi lang ako sa sinabi niya at hindi ko na iyon pinansin. "Everytime na susundin mo ang utos ko ibabalik ko sayo ang 2 pages ng docs mo .... So you have 2 docs files, and each file has 10 pages.. total of 20 pages... so kailangan mong gawin ang sampung utos kong walang tanong-tanong, reklamo at –" Pagpapatuloy ko sa kondisyon na gusto ko pero pinutol naman niya ang iba ko pang sasabihin.

"Wow kapal din talaga ng mukha mo! Sa tingin mo susundin ko ang gusto mo –"

"Aba! Kung ayaw mo madali naman akong kausap kung ayaw mo e di –" Ani ko na nakataas ang kilay saka ngumisi ako at itinaas ko ang kayang Ipad. " – buburahin ko na lang pala ang mga files mo or .... Mas mabuti atang sisirain ko na lang 'tong Ipad mo!" Dugtong ko pa na pinanlakihan mo pa siya ng mata.

Mas lalong nangalaiti si Shane sa galit dahil sa mga sinabi ko. "Isusumbong kita kay Kuya!" Biglang sabi niya.

"Go! Magsumbong ka! ..... Pero hindi na makikialam ang Kuya mo sa problema natin dahil sinabihan ko na siya tungkol dito at ang sabi niya ay bahala na daw ako." Mapang-asar na pagbibigay alam ko sa kanya na ikinalaki pa ng mata niya.

Totoo naman talaga, bago kami nagkita ni Shane ay sinabihan ko na si Andrew about this and I assure him naman hindi ko naman papahirapan si Shane and he agreed basta lang daw sundin ko lang ang promise ko sa kanya.

SHANE'S P.O.V

Hindi ako makapaniwala kung bakit nangyayari sa akin ito.

"BE MY SLAVE!" Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip ko ang mga katagang iyon na nangaling mismo sa bibig ni Dylan!

Ang bwesit na lalaking 'yon! Hindi ko alam kung bakit niya sa'kin ginagawa ito!

"HAhhhh!!!" Inis na inis na sigaw ko habang pinaghahampas ko ang hawak kong unan sa kama.

Bakit kasi ang tanga-tanga ko! Hindi ko ilinipat ang mga Docs ng thesis ko sa laptop. Well sino ba naman kasi mag-aakala na mangyayari sa akin ito!

Ang walang hiya talagang Dylan na iyon! Sa lahat ba naman na pwede niyang gawin para makaganti 'yon pa talaga ang naisipan niya.

Kung hindi lang talaga importante sa aking ang mga docs ko na 'yon ay hinding-hindi ako papayag sa gusto niya kaso nga lang, ayaw ko na rin ulitin ang dalawang chapter na yon at, hindi ko pa nga tapos ang buong thesis ko tapos uulitin ko pa yon naku baka mabaliw na ako sa kakaisip!

Huminga ako ng malalim. "Ok lang 'yan Shane." Sabi ko sa akin sarili para kumalma ako. "Kaya mo 'yan." Dagdag ko pa.

Tama kaya ko 'to. Kaya kong tiiisin 'to dahil kapag natapos na ang mga utos-utos na 'yon ni Dylan siya naman ang humanda sa akin dahil talagang makikita niya ang hinahanap niya. Tingan ko lang kung hindi siya magsisi kung bakit niya nagawa sa akin ito.


©2018 ALL RIGHT RESERVED

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon