CHAPTER EIGHT

248 11 5
                                    


CHAPTER EIGHT


SHANE'S P.O.V


Bandang huli embes na nakaplano si Dylan na pupunta sa opisina nila ay wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa akin sa School. Hindi ko siya tinakot ha, nagkusa na lang siya. Siguro naisip niya na mas mabuti nang sundin ako kesa komontra pa siya.

"Bakit kailangan sa School niyo pa kami magkita?" Tanong niya sa akin habang nasa Taxi kami. Nagtaxi lang kami dahil hindi pa naman siya nakakadrive dahil nga sa masakit pa raw ang kanyang paa, ako naman ay hindi pa ako pinapayagan ni Kuya na magdrive.

"Ewan ko." Sagot ko lang dahil hindi ko rin alam kung bakit sa School pinapapunta ni Sofia para magkakilala sila, well sigurado dahil may pagkamayabang si Sofia baka ipagmamayabang lang niya si Dylan.

Pero ano naman ang dahilan para ipagmayabang si Dylan? Ay! Ewan bahala nga sila sa buhay nila.

"Ano ba 'yan na sagot na 'yan! Kaibigan mo hindi mo alam ang dahilan."

"E, sa hindi ko naman talaga alam saka, clarification lang ha. We're not friends."

"Bakit sabi mo kanina kaibigan mo?"

"Alangan naman sabihin ko kasi sa harap nina Kuya na ang kaaway ko ang gustong makipagkilala sayo."

Napangiwi tuloy siya dahil sa sagot ko. "E, kung hindi mo naman pala siya kaibigan bakit pumayag ka na ipakilala ako sa kanya."

"Syempre kasi kapag hindi ko ginawa ito ay kukulitin at kukulitin lang niya ako."

"So malaki pala ang utang na loob mo sa akin dahil sumama ako sayo." Anito na naging dahilan ng patapon ko sa kanya ng matalim na tingin.

"Hoy hindi naman kita pinilit na sumama sa akin kaya wala ako utang na loob sayo." Sagot ko naman.

Napailing-iling na lang siya sa sagot ko. "Teka nga lang pala sigurado ka bang safe ako diyan sa papakilala mo?" Punong-puno ng pagdududa na tanong niya.

"Oo naman! Bakit anong akala mo sa akin sa mga kaaway mo kita dadalhin?" Mataas ang boses na sagot ko.

Muli siyang napailing-iling. "Sabi ko na nga ba e, may balak ka talagang masama sa akin!"

Isang malakas na hampas tuloy sa braso ang iginawad ko sa kanya dahil sa sinabi. "Walang hiya ka talaga, akala mo ba talaga sa akin napakasamang tao na para gawin ko 'yun!" Aniko sa gitna ng paghahampas ko sa kanya.

"Bakit hindi nga ba?"

Mas lalong lumakas ang mga hampas ko sa kanya dahil sa patuloy na pang-aasar niya.

"Aray! Aray! Nasasaktan na ako ha!" Medyo napalakas ang boses na reklamo niya saka hinuli niya ang mga kamay ko para pigilan ang panghahampas ko sa kanya.

Dahil 'dun ay napatingin ako sa mukha niya pero nagsalubong naman ang mga mata namin kaya agad kong ibinababa na lang tingin ko. "Ano ba bitawan mo nga ako." Utos ko sa kanya. Habang natingin sa mga kamay kong hawak-hawak niya.

Agad din naman niyang binitawan ang mga kamay ko saka umayos na siya ng upo at hindi na ako pinansin.

Ako naman ay inis na inis na umusog-usog sa may bintana para makalayo sa kanya.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon