CHAPTER THIRTEEN

221 10 2
                                    


CHAPTER THIRTEEN

DYLAN'S P.O.V

Simula pa kanina ay hindi na ako mapakali sa bahay, hindi ko nga alam kung bakit basta parang pakiramdam ko ay may kulang sa araw ko.

Kaya naman biglang pumasok sa isip ko si Shane.

Tama si Shane siguro ang kulang sa araw ko kasi simula kaning umaga ay hindi ko pa siya nakikita kaya naman hindi ko pa tuloy siya naasar.

So Kaya naman andito ako ngayon sa harap ng school nina Shane ay kasalukuyang iniis siya.

Hinihaharang ko ang kotse ko sa harapan niya para walang hindi siya makapag-para ng taxi.

Nang lumapit siya sa akin ay agad kong binuksan ang bintanta kaya naman nagulat siya. Tumawa lang ako sa naging reaksyon niya.

"Wala ka talagang magawa sa buhay ano!" Bulyaw na reaksyon ni Shane sa akin ng makabawi na siya sa pagkagulat.

Tumigil ako sa pagtawa ay ngumisi naman ako ng pagkalapad-lapad. "Tara sabay ka na sa akin." Yaya ko sa kanya.

"Hoy, hindi pa ako nababaliw para sumama sayo."

"Wow! Grabe ka ha, parang sinasabi mo na baliw lang ang magkakamaling sumama sa akin."

"Naku! Hindi ako nagsabi niya ha, sayo mismo nangaling 'yan." Aniya na tumaas pa ang kilay.

Kumunot naman ang noo saka napakibit-balikat ako. "Sa bagay sa gwapo ko ba naman na ito kahit baliw magkakagusto sa akin ––" Aniko sabay ngisi.

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Shane. "Ang kapal ––"

"Aba 'diba sayo na rin naman nangaling 'yun ––"

"FYI hindi naman yun ang ibig ––" Aniya na biglang nabitin sa ere ang sasabihin niya sana at napailing-iling na lang . "–– bakit pa nga ba ako nakikipatalo sa isang katulad mo, I'm sure hahaba lang ang pag-uusap natin at mas lalong maasar lang ako sayo!"

Tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. "E, mas maganda nga yun. Gusto ko ngang makita na umuusok na ang ilong mo ––" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinabot ni Shane bigla ang damit ko.

Nahila niya ng kaunti hanggang sa naglock ang seatbelt ko. Hindi ko kasi inaasahan na gagawin niya iyon kaya naman hindi ako nakapaghanda.

Ang mas lalong hindi ko napaghandaan ay kamao ng Amazonang si Shane na bigla na lang dumapi sa mata ko!

"Aray!!!!!!" Malakas na sigaw ko pagkadapo ng kamao niya.

Pagkasuntok niya sa akin ay agad naman niyang akong binitawan at mabilis niyang inilabas ang kalahati ng kanyang katawan na nakapasok sa kotse ko at agad na kumaripas siya ng takbo palayo.

Walang hiya talagang Shane na 'yun!

"Aray...." Muling daing ko sabay hawak ng sa mata kong sinuntok ni Shane.

Ang sakit ha!

SHANE'S P.O.V

Nang medyo malayo na ako sa kinaroroonan ni Dylan ay tumigil na ako sa pagtakbo. At huminga din ako ng malalim para makabawi ako sa hingal.

Sumandal din ako sa puno para medyo makapanhinga.

"Bwesit talagang Dylan na 'yon!" Salubong ang kilay na sabi ko sa aking sarili. Sabay ngisi ng maalala ko ang pagsuntok ko sa kanya sa mata.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon