CHAPTER FIVE

309 12 10
                                    

CHAPTER FIVE

SHANE'S P.O.V

Nangigigil, nangagalaiti sa galit at parang gustong kong pumatay ng tao sa mga oras na 'to!

Sobrang inis at galit talaga ang nararamdaman ko sa ngayon kay Dylan! Dahil sa kanya nasermunan at napagalitan ako ni Kuya na never na niyang ginagawa simula 'nung naghighschool na ako!

Dahil sa Dylan na 'yun naranasan ko ulit ang pagalitan na parang bata na may malaking kasalanan na nagawa!

Naninikip ang dibdib ko sa sobrang galit, gusto kong mailabas ang galit na nararamdaman ko kaya naman lahat ng gamit na makita ko ay pinahahagis ko. Babasagin man o hindi, maging cellphone laptop na nasa table ko ay wasak!

That's the only way lang kasi para kahit papaano mailabas ko ang lahat ng galit na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"AHHHHHH!!!!!!" Galit na galit na sigaw ko. "I HATE YOU!!!!!!!!!"

Oo naspoiled ako ng dalawa kong kapatid na lalaki na to the point na kahit ako minsan ang mali ay lagi nila akong pinabibigyan, na kahit sermunan ko sila hindi sila lumalaban, lahat ng gusto ko sinusunod nila. Lahat na rules na gustong kong masunod dito sa loob ng bahaya ay ginagawa nila na walang angal! Kaya naman ganito na lang ang nararamdaman kong galit dahil hindi ako sanay na pinapagalitan!

At ang lahat ng ito ay dahil sa Dylan na 'yun!

Kaya ngayon sobrang galit talaga ang nararamdaman ko para sa kanya dahil sa kanya nagawa akong pagalitan ng ganun ni Kuya ang ipahiya sa daan!

No! Wala akong mali! Hindi mali ang ginawa ko kay Dylan! Binigyan ko lang siya ng leksyon para magtanda siya! Masama ba 'yun? Hindi naman 'diba?

Pero bakit? Bakit ako pa ang mali? Bakit ako pa ang masama? Wala namang akong ginawang mali! Wala! Wala! Wala!

I don't deserve to be humiliated in front of other people ng mismong kapatid ko pa!

Napasubsob na lang tuloy ako ng mukha ko sa unan at umiyak ng umiyak ng umiyak.

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Ang sakit e,.

'Yung pakiramdam na napahiya ako at higit sa lahat ay ayaw ko na napagsasabihan at napapagalitan ako lalo na kung sa sarili ko alam ko naman na wala naman akong ginawang masama.

"I Really Hate You!!!!!!" Sigaw ko ulit sa gitna ng pag-iyak ko.

ANDREW'S P.O.V

Alam ko masyado akong nagpadala sa galit ko at mali ang ginawang kong pagalitan at pagsabihan si Shane sa gitna ng daan. Oo nainis ako dahil kakasabi ko pa lang sa kanya na tigilan na niya si Dylan pero inulit pa 'rin niya at lalong ang kinainis ko ay talagang nasaktan na niya si Dylan.

Kaya naman hindi na talaga ako nakapagpigil at napagalitan ko na siya sa maling lugar at alam kon mali iyon.

Gustong kong humingi ng tawad sa kanya pero alam ko naman hindi pa ito ang tamang oras lalo na't naririnig ko ang pagwawala niya sa loob ng kanyang kwarto.

Nasasaktan 'din ako na nasaktan ko ang damdamin ng kaptid ko at aminado 'din ako sa maling nagawa ko pero at some point tama lang naman 'din na pagalitan ko 'rin naman siya dahil mukhang masyado na siyang naspoiled namin ni Ryan na akala niya na ayos lang manakit kapag may nagawang kasalanan. Nagkataon lang na sa maling lugar ko siya napagalitan.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon