CHAPTER TWELVE
SHANE'S P.O.V
Kakapasok ko pa lang ng classroom namin ng agad kong namataan si Sofia. Classmate ko kasi siya sa subject na 'to. Ang lapad ng ngiti niya sa akin kaya ngitian ko na lang din siya.
"Shane, dito ka na upo." Yayang tawag niya sa akin na ikinakunot ko naman ng noo.
Wow! Ano nanaman kaya ang kailangan ng babaeng 'to?
Kahit na ayaw ko man sana na umupo sa tabi niya dahil syempre hindi naman kami close ay lumapit na lang din ako at naupo sa tabi niya para walang gulo diba. Mahirap na rin kasi ang may kaaway kaya mas mainam nang makipagplastikan na lang ako. Since yon lang din naman ang ginagawa nila.
"Bakit?" Tanong ko agad sa kanya pagkaupo ko.
Ngiting-ngiti pa rin siya. "Wala lang. Gusto ko lang maging kaibigan ka." Sagot nito na halatang halata na naman na labas sa ilong ang sinasabi niya.
"Talaga lang ha!" Bulong ko.
"Ano?"
"Wala sabi Sige why not." Pagsisinungaling ko sabay ngumiti ako sa kanya ng pilit.
"That's great!" Palatak na sabi niya. "Well since magkaibigan na tayo siguro naman pwede mo akong tulungan." Dagdag pa niya na ikinangiwi ko ng pasimple.
Sabi ko na nga ba may favor nanaman itong kailangan sa akin at sa tingin ko this time medyo mas malaki-laking favor dahil nakikipagkaibigan siya sa akin e.
Kumunot ang noo ko. "Tulong?"
"Yes. Baka kasi pwede mo sana akong tulungan na mapalapit kay Dylan." Sagot niya.
I rolled my eyes dahil sa tulong na hinihingi niya. So tama ang iniisip ko tungkol nanaman kay Dylan ang hihingin nitong favor.
Naku talagang Dylan na 'to!
"Sofia, sabi ko naman sayo 'diba, hindi kami close ni Dylan –– "
"Okay lang 'yon ––" Putol niya sa sinasabi ko. "Hindi naman kailang na close kayo para matulungan mo ako." Dgutong pa niya.
"Eh, ano naman ang maitutulong ko sayo kung sakali, kahit hindi kami close?" Tanong ko na nakakunot na ang aking noo.
Saglit na nag-isip si Sofia saka maya-maya'y ngumiti siya ulit ng malapad. Hinawakan niya ako sa kamay.
"Well, since sa iisang bahay naman kasi kayo nakitira baka naman pwedeng makitambay ako sa inyo kapag nasa bahay lang si Dylan para lagi kaming magkita and by that e baka sakaling maging close kami ni Dylan –– "Sagot niya. "–– saka baka sakaling mainlove pa siya sa akin."
Napakagat ako bigla ng labi dahil sa gustong mangyari ni Sofia. Hindi nga kaming dalawa close tapos tatambay pa siya sa bahay, anong na lang gagawin namin? Siguradong wala naman kaming pag-uusapan.
DYLAN'S P.O.V
"Chard? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko kay Richard ng maabutan ko siya na nakaupo sa dining table kaharap si Andrew.
BINABASA MO ANG
Living with the Boys (EDITNG)
Teen FictionLiving with the boys is not easy, but Shane has no choice because that's been their setup since they were young. Unfortunately for her, she ended up with two brothers, and to make matters worse, one of their childhood friends is also temporarily sta...