C21: Another Problem

18 8 2
                                    

SHANE

"Ryan." Tawag ko sa kapatid habang nasa may cashier ako nakapwesto.

Isang linggo na 'rin ang nakakalipas simula nang mahuli kami ni Kuya. Tanging call at chat lang ang way of communiation namin ni Dylan sa ngayon dahil talagang hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkita dahil sa tindi ng pagbabantay sa akin ni Ryan.

Ilang beses ko na 'rin sinusubukan na kausapin si Kuya pero wala talaga, hindi talaga nagbabago ang isip ni Kuya.

Ang lapit-lapit lang namin ni Dylan pero LDR kami! Nakakabwiset diba? Para kaming mga abnormal.

"Oh, bakit?" Tanong ni Ryan pagkalapit niya.

"Isa lang, sige na payagan mo na akong makipagkita kay Dylan." Parang-maamong tula na paki-usap ko sa kanya.

"Ate, hindi naman ikaw ang kawawa kapag nalaman ni Kuya Andrew na pinayagan kitang makipagkita kay Dylan."

"Hindi naman niya malalaman eh, basta 'wag mo lang sasabihin." Patuloy na paki-usap ko.

"Ayaw ko —"

"I'll buy you car...." Offer ko sa kanya. 21 years old pa lang kasi si Ryan at wala pang dereksyon ang buhay, wala pang sariling pinagkakakitaan at tumutulong-tulong lang kay Kuya Andrew sa Café niya.

Kaya alam ko na if I offer him that I'll buy him a car he might help me. He's been asking Kuya Andrew to buy him a car kaya naman sigurado akong hindi niya 'to palalampasin.

Ngumiti siya ng malapad. "Sorry. Kuya Andrew promised me already that He'll buy me a car."

Bigla akong nanlumo dahil sa nalaman ko. Akala ko naman makakalusot na. Talagang sinigurado ni Kuya na hindi ko masusulsulan si Ryan.

"Kung wala ka naman ibang sasabihin babalik na ako 'dun sa pwesto ko ha." Paalam niya with matching mapang-asar na ngiti.

Padabog naman akong bumalik na 'rin sa office ko. Inopen ko ang laptop ko at tinawagan ko si Dylan gamit ang Skype.

Agad naman niyang inaaccept.

"Love, bakit parang hindi maipinta ang mukha mo dyan?" Nakangiting tanong ni Dylan sa akin.

"Nakakainis kasi si Kuya—"

"Bakit?"

"Kasi He really did make sure na hindi ko masusulsulan si Ryan...."

Napailing-iling si Dylan. "Bakit ano ba inoffer mo kay Ryan?"

"Car —"

"Car!?" Gulat na reaksyon ni Dylan. "Eh, ang mahal ng sasakyan ha."

"Miss na miss na kasi kita, gusto na kitang makita kaya gagawin ko ang lahat para makita lang kita." Malungkot kong wika.

Nalungkot din tuloy bigla si Dylan. "I miss you too, sorry kung hindi ako makagawa ng paraan para maging ok na ang lahat."

"No, It's ok. Alam ko naman na you tried your best na makausap si Kuya.... Masyadong matigas lang talaga siya."

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon