CHAPTER THREE

350 11 18
                                    

From this chapter I will use POV , 😀



CHAPTER THREE

DYLAN'S P.O.V

Kailangan kong gumamit ng CR pero hindi ako makalabas dahil nasa Kusina si Shane baka kapag nakita ako e, bigla na lang akong sugurin. Pero talagang hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko at kailangang-kailangan nang ilabas.

Ang tanong paano ako makakapunta ng CR na hindi niya ako napapansin?

Hay! Ang hirap naman ng kalagayan ko ngayon, kung kailan kailangan ko ng tulong nina Ryan at Andrew ay saka naman sila wala! Kung bakit kasi hindi pa ako sumabay sa kanila lumabas kanina.

Pero malay ko naman kasi na wala palang pasok ngayon 'tong si Shane kung alam ko lang e, talagang hindi naman ako magpapa-iwan dito sa bahay.

Muli akong lumapit sa pinto at dahan-dahan kong binuksan ito.

Kaunting uwang ang bukas ko sa pinto, 'yung tipong matatanaw ko lang si Shane.

"Ano ba 'yan ang tagal naman niya kumain!" Mahinang reklamo ko sa aking sarili saka muli ko nang isinara ang pinto.

Nang biglang napapikit ako dahil sumasakit nanaman ang tiyan ko at waring nakikiusap sa akin na hindi na niya kaya. Napahawak tuloy ako sa aking tiyan at napisil ko pa ito.

Hindi ko na talaga kaya, kailangan ko na talagang mag CR. Kailangan ko nang makaisip ng paraan kahit anong paraan basta bahala na lang si batman.

Huminga muna ako ng malalim bago ko muling hinawakan ang doorknob at dahan-dahan na binuksan ang pinto.

Bigla akong nabuhayan ng loob ng matanaw kong nakatalikod na si Shane dahil naghuhugas ito kaya dali-dali akong lumabas na payuko at dahan-dahan kong isinara ang pinto. Pagkasara ko ay agad akong dumapa sa sahig na buong ingat para hindi ako maglikha ng kahit anong ingay at para hindi ako mapansin ni Shane.

Pagkadapa ko ay muli kong ibinaling ang tingin ko kay Shane at saka dahan-dahan at buong ingat din akong gumagapang habang nakatuon lang ang tingin ko kay Shane.

Habang gumagapang ako ay hiniling ko rin na sana 'wag pa munang lumingon ang Amazonang si Shane.

Nagpatuloy lang ako sa paggapang hanggang sa makarating na ako sa may kanto ng CR na wala namang kahirap-hirap.

Mula sa pwesto ko ay hindi ko na masyadong matanaw si Shane dahil may nakaharang na sofa, kaya hindi ko tuloy alam kung tapos na ba siya sa ginagawa niya dahil kung sakaling tapos na siya ay panigurong makikita niya ako kapag tumayo ako.

Kaya ang ginawa ko ay dahan dahan akong bumangon paupo at maingat na iniangat ang ulo ko para tanawin si Shane, ng makitang kong nakatalikod pa rin ito ay mabilis na akong tumayo at mabilis ring pumasok sa CR.


SHANE'S P.O.V

Kanina ko pa napapansin na patanaw-tanaw sa akin si Dylan mula sa kwarto niya pero hindi ko na lang pinapahalata na napapansin ko siya.

Paano ko ba naman hindi mapapansin siya e, kitang-kita ko siya mula dito sa salamin nakasabit sa may kitchen counter.

Makailang beses din siya tanaw ng tanaw sa akin. Nakikita ko rin ekspresyon na mukhang may'run siyang nararamdaman na hindi maganda, I mean 'yung tipon kailangan niyang gumamit ng banyo. Syempre commonsense na lang 'diba wala naman siyang ibang mararamdaman na gagawin niyang maya't-mayang tatanaw sa akin kundi ang kailangan na niyang gumamit ng CR.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon