C23: Say Yes, Please

19 7 4
                                    

SHANE

Ayos na ang lahat, okay na kami ni Dylan at ok na rin sila ni Kuya. Pero kahit ok na Sina Kuya at Dylan ay hindi na bumalik si Dylan sa bahay dahil syempre may relasyon kami ni Dylan kaya hindi magandang tingnan na sa bahay pa 'rin siya nakatira.

Sunday ngayon kaya whole day kaming magdadate ni Dylan. Sunday na lang kasi ang time namin sa isa't-isa kasi medyo naging busy siya the past days.

Kasalukuyang nasa isang Mall kami at naglalakad-lakad habang naka-akbay sa akin si Dylan.

"Love..." Aniya habang naglalakad kami.

"Hmmm..."

"Uhmmm... Hmmmm..." 'Ganun lang ang sinasabi niya at hindi siya nagsasalita.

Napatingin tuloy ko sa kanya at napataas ng kilay. "Ano!? Natatae ka ba!"

"Wow! Grabe naman —" Nakangusong reklamo niya.

"Eh kasi naman bakit hindi mo masabi-sabi ang gusto mong sabihin? Unless na lang kung natatae ka at nahihiya ka lang sa akin!"

Napailing-iling na lang si Dylan. "Wag na nga lang." Inis na aniya.

Napangiti ako't napatigil sa paglalakad. "Ano 'yun, sabihin mo na kasi."

Bumuntong-hininga si Dylan at hinawakan ang kamay ko. "Wala tatanungin lang naman sana kita kung —" He paused.

Talaga 'tong si Dylan may pasuspense suspense pang nalalaman, binitin pa talaga ang sasabihin!

"Ako kapag nainis sayo, talagang may paglalagyan ka sa akin." Naiinis nang banta ko sa kanya. "Itanung mo na kung ano ang gusto mong itanung!"

Ngiti lang ang isinagot niya sa banta ko. Aba mukhang hindi na 'ata sa akin natatakot ang kumag na 'to ha! Mukhang may pinagmamalaki na!

"Sige awayin mo ako — para lalong hindi ko sabihin sayo ang gusto kong sabihin." Nakangising ganting banta naman ni Dylan saka nauna na siyang naglakad.

Naiwan naman akong umuusok ang ilong sa inis.

Wow! Talagang Wow na Wow! Marunong nang manakot!

Mabilis akong sumunod kay Dylan habang nakatingin sa kanya ng masama. Gustong-gusto ko na siyang sipain! Nangigigil talaga ako eh! Pero pasalamat siya at gusto kong malaman kung ano man ang gusto niyang sabihin kaya hindi ko magawang bigyan siya ng leksyon.

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumabay sa paglalakad sa kanya at ikawit ko ang kamay ko sa braso niya.

Ngumiti ako ng pagkalaki-laki. "Love naman, ano ka ba hindi naman kita inaaway ha." Sweet na sweet na sabi ko sa kanya pero deep inside ay kumukulo-kulo na ang dugo ko sa inis.

Pero inisnob lang niya ako. Malapit na, malapit na talaga akong sumabog! Nangagalaiti na talaga ako sa galit sa sobrang kaartehan ni Dylan.

Alam naman niyang maiksi ang pasensya ko pero talagang sinusubukan niya ako ha!

Napapapikit na lang ako para pigilan ang inis na nararamdaman ko na gusto nang kumawala.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon