CHAPTER EIGHTEEN
DYLAN'S P.O.V
Kung kahapon ay pumalya ang plano ko dahil hindi maganda ang naisip kong plano para pahirapan si Shane dahil pati ako damay sa kalokohan ko pero ngayon I'll make sure na hindi na ako papalpak at hindi na rin ako madadamay.
Tingnan ko lang ngayon kung may kawala pa si Shane sa akin.
"Shane!" Tawag ko sa pangalan niya ng sa wakas ay lumabas na rin siya ng kanyang kwarto.
Kanina pa kaya ako nakaupo dito sa sofa dahil hinihintay ko siya at sa wakas heto na siya't lumabas na.
Akala ko aabutin pa ako ng hapon dito sa kakahintay.
Agad naman siyang napalingon sa akin na masama ang tingin.
"Bakit nanaman?" Hindi maipinta ang mukha na tanong niya.
Ngumiti ako ng tipid. "Samahan mo ako maya."
Nagsalubong bigla ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko pero syempre dahil may hawak akong laban sa kanya ay hindi ako nasindak.
Pero kung dati 'yon naku baka nangangatog na ang tuhod ko dahil sa takot para sa buhay ko.
"Samahan? Ni hindi mo pa nga ginagawa ang sinabi mo sa akin na ibibigay mo sa akin evey 2 pages kapag sinunod ko ang gusto mo." Aniya na nananatili pa ring nakasalubong ang kilay.
Napailing-iling ako dahil sa reklamo niya. "Baka nakakalimutan mo na umalis ka kahapon kasama si Richard –" Pagpapaalala ko sa kanya ng nangyari kahapon kaya hindi din ako sumunod sa usapan namin na magbabalik ako sa kanya ng 2 pages ng files niya.
"What – E, hindi naman ako nag desesyon na sumama ako kay Richard ha, ikaw mismo ang pumayag." Katwiran na sagot niya.
Tumaas ang kilay dahil sa karwiran niya. "Pero hindi pa naman tapos ang mga utos ko sayo kahapon –"
"Ay ewan ko sayo!" Putol niya bigla sa sinasabi ko.
"Wow! Tapang ha!"
"Talaga!"
"So ang ibig sabihin pala niyan hindi mo na kailangan ang ipad mo at ang mga files doon?"
"Hay naku! Iyong-iyo yang ipad na yon! Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin 'don!" Nakangising matigas na pahayag niya na halos umalingawngaw sa pandingig ko.
Natigilan ako biglang pinagpawisan dahil sa pahayag niya.
What? Really?!
Paano – I mean anong nangyari? Nang mga nakaraang araw ay willing na willing siyang gawin ang lahat para lang isauli ko sa kanya ang Ipad niya pero ngayon – anong nangyari ....bakit wala na siyang pakialam ngayon kahit anong gawin ko pa sa Ipad niya?
Napagisip-isip na lang ba niya na gagawa na lang siya ng bago?
Oh! Sh*t!
Sira ang plano ko!
SHANE'S P.O.V
Ubos na ang pasesnsya ko at punong-puno na rin ako sa mga pakulo ni Dylan. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay napagisip-isip ko na bakit ako magtitiis sa pakulo niya kung kaya ko naman gumawa ng bagong chapters ng thesis ko.
Bakit kailangan kong maging sunod-sunuran sa kanya? ?Kaya hindi na ako papayag na maging tau-tauhan niya na susunod sa mga gusto niya.
This time babalik na kami sa dati kaya humanda siya paghihiganti ko!
Akala siguro ng kumag na ito magaganito niya ako ng matagal pwes do'n siya nagkamali dahil hindi ako ang tipo ng taong basta-basta na lang nagpapailalim sa iba at hinahayaan silang abusuhin ako!
Ngumisi ako kay Dylan na ngayon ay salubong na salubong ang kilay.
"It's time for my revenge!" Pahayag ko na ikinagulat at ikinalaki ng kanyang mga mata.
Ngumisi siya ng alanganin. "Shane –" tawag niya sa pangalan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. " – sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?"
Muling tumaas ang kilay ko. "Sa tingin mo?" Nakangising aso na tanong ko sa kanya.
"Well sa tingin ko ....... Hindi ka nga nagbibiro!" Sagot niya sabay mabilis na tumakbo papunta sa kanyang kwarto.
Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi ko siya hinabol dahil may ibang plano ako para makaganti sa kanya.
Tingnan ko lang kung hindi siya maihi sa takot sa plano kong ito!
* * * * * *
"Wow mukhang maganda 'ata ang mood natin ngayon ha," Puna agad ni Elsa ng magkita kami dito sa coffee shop na malapit sa school.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Naman syempre –"
"Naibalik na sayo ang Ipad mo kaya ka masaya?" Panghuhula ni Elsa kung bakit masaya ako.
Agad naman akong napailing-iling.
"Hindi? Eh, bakit masaya ka?" Patuloy na pag-uusisa niya.
"Nakapagdesesyon na kasi ako –"
Kumunot bigla ang noo ni Elsa dahil sa naging pahayag ko. "Nakapagdesesyon ka na .....sa ano?.....nang ano?..... I mean anong ibig mong sabihin"
"My revenge!"
"Revenge?" Mas lalong naguluhan siya.
"Yes, paghihiganti ko kay Dylan!"
"What!? Paghihiganti kay Dyan? – E, paano ang Ipad mo?"
"Naku...... kanyang-kanya na iyon, kahit ano pang gawin niya sa Ipad ko wala na akong pakialam!" Nakangising sabi ko. " – dahil nakapagdesesyon na ako na gagawa na lang ako ng chapters na kulang saka – nagpromise si Richard na tutulungan niya ako." Ngiting-ngiti na pagpapatuloy ko.
Lumapad bigla ang ngiti ni Elsa. "Wow! Ayon kaya naman pala –"
Natawa ako pero bigla rin sumeryoso. "Saka syempre tutulungan mo rin ako." Sabi ko na ikinalaki ng mata niya dahil hindi niya inaasahan na damay din pala siya.
"What!? E, bakit kasama ako....aba Shane may sariling Thesis din akong tinatapos." Reklamo niya.
Tinitigan ko siya sabay taas ng kilay. "Elsa, alam ko tapos ka na sa thesis mo at ipapasa mo na lang kaya 'wag kang magsinungaling!" Sabi ko sa kanya.
Totoo naman na tapos na siya ng thesis niya dahil nakita ko noong isang araw ng hiramin ko ang Laptop niya.
Natahimik naman siya. "Talagang nangi-alam ka na sa gamit ko ha." Reklamo niya.
"Ikaw naman accidentaly ko lang naman na nakita e." Katwiran at pagtatangol ko sa aking sarili. " Saka ..... what's our friends for....kung hindi mo ako tutulungan."
Napakamot tuloy siya sa ulo. "Shane may Richard ka nang tutulung sayo kaya maawa ka naman sa akin wag mo na akong idamay diyan!" Pakiusap niya.
Napanguso tuloy ako saka nagkunwaring nagtatampo.
"Grabe ka naman ilang chapter lang naman 'yon e,... hindi mo pa ba ako matutulungan. Saka Dalawang araw lang 'yon tapos na natin gawin yon."
Dahil sadyang may mabuting puso si Elsa, syempre naguilty siya at saglit na nag-isip.
"Naku kung hindi lang kita bestfriend, hindi ako papayag." Sa wakas pagpayag niya kaya tuwang-tuwa na ako.
Tuwang-tuwa ako hindi lang dahil sa pumayag na si Elsa na tulungan ako kundi dahil sa isa pang bagay na napag-usapan o napagkasunduan namin ni Richard.
Kahapon kasi nang tulungan ako ni Richard kay Dylan ay napag-usapan namin ang problema ko kaya nagpresenta siya na tulungan ako pero syempre may kapalit at kailangan ko ang tulong ni Elsa.
Hindi naman mahirap ang hinihinging kapalit ni Richard kunbaga kaunting tulong lang naman kaya pumayag na rin ako sa suhesyon niya.
©2018 ALL RIGHTS RESERVED
BINABASA MO ANG
Living with the Boys (EDITNG)
Teen FictionLiving with the boys is not easy, but Shane has no choice because that's been their setup since they were young. Unfortunately for her, she ended up with two brothers, and to make matters worse, one of their childhood friends is also temporarily sta...