CHAPTER SEVENTEEN

84 9 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN


SHANE'S P.O.V

Hindi pa nga kami nakakalayo mula sa bahay ay grabe na ang pawis ko. Maliban kasi sa wala na ngang aircon itong kotse na hiniram ni Dylan ay ang init-inti pa ng panahon.

Ewan ko ba kasi dito kay Dylan kung ano ang naisipan kung bakit itong kotse na ito ang hiniram niya!

Aha! Malamang para asarin ako.

Napatingin tuloy ako sa kanya at magrereklamo sana pero ng makita kong parang init na init rin siya hindi ko maiwasan na mapangiti.

Nakakatawa kasi itong si Dylan ang iniisip niya ay ang inisin ako pero ang hindi niya narealize ay damay din siya sa kalokohan niya. O, pwes ngayon magtiis din siya!

"Anong ngingiti-ngiti mo diyan?" Tanong niya sa akin ng mapansin niya siguro na nakangiti ako.

"Wala lang bakit bawal na ba ang ngumiti ngayon?" Sagot ko naman.

"O –" Sagot sana niya pero biglang naputol dahil biglang namatay ang makina nitong kotse. "Opps!" Reaksyon niya pagkatapos mamatay ang makina ng kotse sabay tingin sa akin at ngisi.

"Anong nangyari?"

"Namatayan tayo ng makina." Nakangiti pang sagot niya sabay parang relax na relax pang isindal niya ang kanyang likod sa upuan.

Tumaas naman ang kilay ko dahuil sa ginawa niya. "O, anong ginagawa mo pa bakit hindi mo e-start." Sabi ko sa kanya.

Pero pinalipas pa niya ang mga ilang sigundo bago niya sundin ang sinabi ko sabay ngumiti pa muna siya sa akin saka inistart na niya ang kotse pero nakaka-apat na subok na siya ay ayaw talaga magstart.

"Sabi ko naman kasi, wala talaga ako tiwala sa kotse na 'to. Itsura pa lang e." Reklamo ko ng hindi na magawang paestartin ni Dylan itong kotse.

"I think kailangan mong itulak para mag-start." Pahayag na mas lalong ikinainis ko.

"What!?" Hindi makapaniwalang reaksyon ko. "Bakit ako?"

"Bakit marunong ka ba magdrive?"

"Hindi –"

"E 'yon naman pala, e di ikaw ang magtulak."

"No way!" Matinding pagproprotesta ko sa gustong mangyari ni Dylan. "Iwanan na lang natin 'tong kotse dito tapos mag-taxi na lang tayo." Suhesyon ko.

"Hindi pwede."

"At bakit naman?.....walang kwenta naman 'tong kotse na 'to... wala na ngang aircon, ang pangit-pangit pa ng itsura at – higit sa lahat tingnan mo naman itinirik pa tayo sa gitna ng daan." Pagrereklamo ko.

"Kahit na e, paano kung manakaw 'to dito? .... Hiniram ko lang 'to nakakahiya naman"

"Wow mananakaw? Sino naman magnanakaw niyan dito, hindi na nga umaandar." Nakasalubong ang kilay na sabi ko. "Saka wala nang magkakainteres niyan! ....tumawag ka na lang sa tow company para matow na 'tong kotse na 'to." Patuloy ko pa saka mabilis na akong bumababa.

"Teka lang .... Teka lang... Hoy! saan ka na pupunta?" Tawag sa na tanong sa akin ni Dylan ng bumababa ako at hindi ko pinansin ang pagtawag niya.

Nang makababa na ako ay saka ako sumagot sa tanong niya. "Maghihintay na ako ng taxi .... At uuwi na!"

Dahil sa sagot ko ay agad ding napababa si Dylan sa sasakyan. "Aba! Hoy Shane baka nakakalimutan mo nasa akin ang IPAD mo kaya sa ayaw at gusto mo sundin mo ang gusto ko!" Matigas ang pagkakasabi na pahayag nito ng makababa na siya.

Living with the Boys (EDITNG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon