1. EXO.

3.8K 131 12
                                    

Suho's POV.

Kay gandang umaga naman. Nag-inat inat pa ako at feel na feel ang masarap na hampas ng hangin mula sa labas ng bintana. Inner peace, ito ang kailangan ko. Mabuti na lang at tulog mantika itong dalawang kasama ko sa kwarto.

"Hyung! Hyung! Hyung!" Nasaan ang hustisya? Kakasabi ko pa lang kailangan ko ng kapayapaan, di ba? Sino ba ang pangahas na istorbong yun?

Tuloy-tuloy na pumasok si Sehun sa kwarto namin. Pambihira. Walang katok-katok, dire-diretso. Bastusan? Take note, naka-boxer lang siya. Oo, topless.

Dala niya yung laptop pagpasok ng kwarto at nagmamadaling ipinakita sa akin ang isang news article. 

"Ano ba kasing meron dito at ke-aga-aga nambubulahaw ka?" Inis kong sabi sa kanya at kinuha yung laptop sa kanya ng matigil na siya.

"Basahin mo na lang kasi!" Wow, siya pa galit? Nakakahiya sa kanya.

HEADLINE: 'Nation's little sister IU, little no more?'

Tinignan ko siya  ng masama matapos basahin yung title nung article. Umagang-umaga nang-aasar ang batang ito. At yung reaction niya, ngiting tagumpay. Nang-aasar talaga.

NEWS: Several shots of IU and an unknown male idol were taken last night after watching a movie. A lot of fans in the social media were saying, "It is just a friendly date", "They have their personal lives too", "Give them a break!" But the real question is, who is this male idol seen hanging out with nation's little sister? There were some rumors that it was Taeyang, Siwan, Yoseob, her best friend Thunder, Kim Myungsoo, Jonghyun or an EXO member. But, proof says it is possibly one of the 12 members of EXO. There were also pictures of EXO taken last night in the same theater. Is this just a publicity for IU's comeback next month? We will dig deeper into this issue and put all the pieces together to finally get the answer we all want.

"Gisingin mo silang lahat!" Sigaw ko sa kanya. 

Tinandaan kong mabuti yung mga nakasulat dun sa article. Sinasaksak ako ng isa sa kanila patalikod. Humanda kung sino man yun.

"Ano bang problema, hyung?" - Baekhyun.

"Inaantok pa ako, siguraduhin niyong importante yan." - Kris.

"Oo nga, iwu-wushu ko kayo isa-isa." - Tao.

"Nasaan ako?" - Lay.

"May siopao ba?" - Xiumin.

"Mago-order lang akong chicken." - Kai.

"Sino gusto ng spaghetti?" - D.O.

"AKO!" Sigaw nilang lahat except kay Kris.

Nakakahiya mang aminin pero, ganyan talaga sila tuwing umaga. Kanya-kanyang ka-weirduhan sa katawan. Yung iba naka-boxer pa at di man lang nagawang magdamit sa sobrang katamaran. Nakapikit pa yung ilan sa kanila. 

"Suho, bakit ba kasi kailangan pa kaming gisingin?" Tanong ni Luhan na kakalabas pa lang ng kwarto nila.

Pinabasa ko sa kanila yung article sa laptop. Nung nabasa nila yung headline, napa-ngiti sila ng nang-aasar. Mga bwisit.

"Nagseselos ka lang, kailangan pa kaming gisingin?" Pag-aalbor ni Chen.

"Tanda, itigil ang pagdadrama. Wala kang karapatan." Nang-iinis na sabi ni Chanyeol. At aba'y.

"Ligaw-ligaw din pag may time!" Pangga-gatong pa ni Luhan.

"Ang ganda ni IU dito oh!" Sigaw ni Kai na hindi naman ata binasa yung nakalagay at tinitigan lang ang magandang mukha ng IU ko. Pwe, ang bakla!

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon