IU's POV.
Tumingin ako sa relo sa kaliwang kamay ko. 10 minutes bago mag-3pm. Dun ko lang din naalala na hindi pa kami naglulunch. Ako lang pala, siguro kanina pa kumain yung si kapre. Nung umalis kasi siya kanina, hindi pa ulit siya bumabalik. Mahigit isang oras na rin yun. Di man lang nagyaya. I swear, never kaming magkakasundo nun.
Tapos na rin naman akong mag-ayos ng mga gamit namin. Oo namin. Nahiya naman ako, ako na rin nag-ayos ng gamit ni kapre. It's time for me to eat. Ano kayang masarap kainin dito? Ano nga ba yung pangalan ng mga pagkain na sinabi nila Thunder sa akin noon?
Pero, kahit anong isip ang gawin ko wala akong maalala kahit isa sa kanila. Kinuha ko yung phone sa bag ko, inilagay yung battery, binuksan at tinawagan si Thunder gamit ang Kakaotalk.
Naka-dalawang ring lang ata bago niya ako sinagot, "IU NASAAN KA BA?" Sigaw niya.
Patay! Nakalimutan kong nagtatago nga pala ako sa kanila ngayon. Agad ko namang in-end call. Napa-face palm na lang ako sa katangahang nagawa ko. Bahala na nga, kahit ano na lang ang kakainin ko. Pinatay ko na lang yung phone ko para hindi sila makapag-return call.
Isasara ko na yung pinto ng kwarto ng may marinig akong tumawag sa akin.
"IU?" Patay na naman. Kasalanan mo ito Park Chanyeol!
THUNDER's POV.
Lahat ng tao ngayon dito sa bahay ni IU, pa-ikot ikot. Hindi magkanda-ugaga at hindi alam ang gagawin. Maraming tao ngayon sa bahay niya. EXO, Manager Kim, si Ms. Genie, Jiyeon, Luna, Yoo In Na, Jonghyun, Infinite, Suzy at syempre papahuli ba ako?
Si Manager Kim kanina pa tawag ng tawag sa phone niya. Kino-contact niya si IU kaso ayaw sumagot.
Tanging yung bukas na TV lang ang ingay na maririnig mo.
"KASALANAN NIYONG DALAWA ITO EH." Sigaw bigla ni Jiyeon. Joke lang pala, yung TV at si Jiyeon ang maririnig niyo. Itinuro niya si Myungsoo at Suzy na parehong nandun sa may hagdan.
Well, I can't blame her. She's IU's bestfriend after all. Lahat naman ng bestfriend magkakaganyan kung nasaktan yung kaibigan nila.
"Tama na. Hindi naman ikaw yung involve para sisihin sila." Pag-awat sa kanya ni Kris. Inilayo siya nito at pina-upo.
"SO, KUNG AKO YUNG INVOLVE PWEDE AKO MAGALIT AT MANISI? HUH, KRIS?" I smell something fishy. Yung titigan nila sa isa't isa lalo na si Jiyeon may galit. Matalim yung titig na ibinabato niya. Lahat kami nasa kanila na yung attention.
"Ang ibig kong sabihin, wala kang karapatang magalit kung hindi mo naman alam yung totoong storya." Inalis na ni Kris yung tingin niya kay Jiyeon.
"EH BAKIT HINDI NILA SABIHIN KUNG ANO YUNG TOTOO PARA MAUNAWAAN KO AT HINDI AKO NAGMUKHANG TANGA DI BA?" Teka, are they still talking about IU, Myungsoo and Suzy? Mukhang iba na eh. May hugot eh.
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?