4. Jiyeon

2.8K 76 3
                                    

IU's POV.

Mabilis kumalat ang balita na isa nga marahil sa EXO ang kasama ko nung isang gabi manuod ng movie. Ngiting tagumpay si Manager matapos basahin yung article sa laptop. 

"Good job, IU!" Napapatango pa siya sa sobrang kasiyahan. Daig pa niya nanalo sa lotto. Yung ngiti niya, iba rin. Minsan ko lang makita si Manager na ganito. I'm not really sure if I should be happy or not.

Gaya nga ng sabi ni Manager, maganda yung feedbacks sa amin. Napapaisip pa rin ako, paano kung malaman nila na si Myungsoo talaga yung kasama ko ganun din kaya reaction nila? Sana. 

"Sir, may bisita po si Ms. IU." Lalaki po ang Manager ko. Hindi naman awkward dahil sobrang tight naming dalawa. Nasa early 30's na siya kaya naman malaki ang tiwala ko sa kanya.

"Basta yung bilin ko po sa inyo." Pinasadahan pa ni Manager yung katiwala ko dito sa bahay ng isang malalim na tingin. Tipong bumabaon talaga. Kaya takot lahat sa kanya eh.

Nagpasabi na rin kasi siya sa lahat ng tauhan namin na huwag hahayaang makalapit o wag papasukin si Myungsoo kahit na anong mangyari. Kawawa naman ang Myungsoo ko.

"Basta, after ng comeback titigil na ako sa pangse-seduce ko." Agad kong sabi sa kanya. Ilang beses ko nang pinaulit ulit sa kanya yan pero tinatawanan niya lang ako.

"Pangse-seduce na ba ang tawag mo dun? Is that all you've got, Jieun? Pa-tweetums na 13 year old kid na umaamin lang sa crush niya yung napanood ko kahapon sa concert." Seriously? Can't he be this straightforward? 

Sasagot sana ako kaso may narinig kaming sigaw, "IU, ano yung nababasa ko sa news?" Si Jiyeon pala. No doubt kung bakit masakit sa eardrums.

Focus siya sa akin at hindi napansin si Manager kung hindi pa siya umubo kunwari, "Sorry, oppa." Paghingi niya ng tawad sa medyo gurang ko ng kasama.

Umupo naman agad siya sa upuan sa tabi ko. Pursigido siyang makakuha ng sagot mula sa akin.

Alam naman kasi niya yung tungkol sa relasyon namin ni L. What's the point in hiding? Bestfriend ko naman siya. At hindi lang naman siya ang nakakaalam. Marami nga actually. Yung ilan sa malalapit naming kaibigan, alam nila. 

Bilang member rin si L ng Infinite, malamang alam din ng mga ka-grupo niya.

Suportado nila kami kaya tinutulungan nilang itago kung ano man ang meron kami. Legal kami sa managers namin at sa kanya-kanya naming agency pero hindi sa media at mga fans. Sila ang huling taong gusto naming makaalam.

Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita ulit si Jiyeon, "Ano na? Walang balak mag-share?" Napa-pout siya habang naghihintay ng sagot ko. Makulit siya kaya alam kong di niya ako titigilan. 

Kinwento ko sa kanya ang lahat. Simula sa pagdedate namin ni L nung isang gabi, yung plano ni Manager at hanggang sa nangyari kahapon. Wala kasi sila kahapon sa concert, may iba silang show.

"Effective ba naman ang pangse-seduce mo kuno? Di naman sa pagiging stalker ano, may mga napanood akong fancams kanina. No offense ha, hindi naman pangse-seduce ang ginagawa mo eh." Tinaasan ko siya ng kilay at si Manager napatango sa sinabi niya.

Madalas silang hindi magkasundong dalawa dahil sa pagiging maingay ni Jiyeon. Ayaw kasi ni Manager Kim ng sobrang ingay. Nagkataon naman na parang armalite ang bibig ni Jiyeon kaya palagi silang nagkakasagutan.

Kaya nakakapanibago ang makitang nagkakasundo sila ngayon. May mga pinagsasasabi silang mga tips para mang-seduce kaso, pasok sa kanan labas sa kaliwa yung mga naririnig ko. Sineseryoso talaga nila yun?

"Nakikinig ka ba, ha?" Tanong ni Manager sa akin nang mapansing di ako nakikinig sa mga pinagsasabi nila.

"Sa tingin mo?" Akma na sana niya akong babatukan. Nakita ko kung paano niya itinaas ang kamay niya ng pigilan siya ni Jiyeon.

"Hep, hep, Manager Kim kaya ganyan siya eh, masyado na atang naaalog ang utak sa kaka-batok mo." So, dapat ko ba siyang pasalamatan o wag na lang?

Tumayo na si Manager at umalis. Naglakad siya papasok ng bahay at dumaan sa automatic glass door. Dederetso yun sa kusina panigurado. Nandito kami sa labas ng bahay sa may garden sa tabi ng swimming pool. 

Presko kasi ang hangin at wala masyadong istorbo. Naglilinis din kasi yung mga katulong sa loob ng bahay dahil weekend ngayon. Tuwing weekend lang sila nandito. Hindi sila home-stay. Pinapapunta ko lang sila dito kapag weekend para maglinis o kaya pinapatawag kapag may biglaang emergency.

Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago magsalita, "Since tayo na lang dalawa dito, I'll be honest with you." Kinakabahan naman ako sa babaeng ito.

"What is this all about?" I asked her. Curiosity's killing the hell out of me.

"It's about Suzy." 

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon