IU's POV.
All eyes are on me. Si Jiyeon, nangingiting parang tanga dun. Gusto ko siyang bigwasan. Kung pwede lang. Kaso, hello? Idol image di ba?
Kahit hirap akong i-hakbang yung mga paa ko papunta sa kanila, ginawa ko na lang. I tried ko calm myself and put a big smile on my face.
"Taro milk tea will do." Matipid kong sabi sa kanya habang nakaturo at nakatingin dun sa menu list.
Hindi naman sa favorite ko ang Taro I just want to try it. Chocolate naman kasi talaga ang gusto ko. Teka, sino bang may ayaw nun?
The guys started to talk. We excused ourselves and started walking sa cashier, "Sira ka talaga!" Bulong ko kay Jiyeon. Mababakas pa rin ang inis sa boses ko.
Di na siya nagsalita. Yung mga na lang niya yung nangungusap at lantarang sinasabi na 'Ako pa?'
"2 Taro Milk Tea please." Si Jiyeon ang umorder at tumabi na lang ako sa gilid niya. Naka-cling lang ako sa arms niya na parang bata at nilalaro yung buhok niya.
Namimiss ko na yung mahaba kong buhok. Sabi rin kasi ni Myungsoo mas maganda daw ako with long hair.
Iaabot na sana ni Jiyeon yung bayad ng biglang magsalita si Suho, "Excuse me, please add 12 additional Taro Milk Tea." Sumingit siya sa amin at nagtanong kung magkano lahat at siya ang nagbayad.
Mayaman talaga si Gramps. Di na talaga masama. Kung siya man boyfriend mo aba, wala ka talagang lugi. Malamang, siya pa malugi sayo.
"Totoo nga ang balita, mayaman ang isang yan." Mahinang sabi ni Jiyeon. At napapatango pa siya na parang sinasabing satisfied siya sa nalalaman.
Naghintay kami sa isang tabi. Nung una, awkard kasi sila sila magkakausap at kami lang ni Jiyeon. Pero, di naman nagtagal sa kadaldalan nitong si Jiyeon nagkakamustahan na kaming lahat.
"Kakatapos niyo lang ba ng training?" Tanong sa kanila ni Jiyeon kaya napalingon sila sa amin.
"Oo. Bibili lang sana kami ng milk tea para habang nasa van may maiinom." Si Suho ang nagsalita sa amin.
"Anong kami? Ako at si Sehun lang dapat bibili eh." Nakikita kong bumubulong si Luhan sa pwesto niya pero, di ko naman naririnig.
"IU, taro ba favorite flavor mo?" Tanong ni Xiumin.
"Hindi, chocolate eh." Sagot ko naman.
Medyo nagulat sila at napakamot sa ulo.
"Yes!" Nakita ko si Sehun na napasuntok sa ere at mina-mouth yung words na Yes.
"Eh bakit Taro inorder mo?" Tanong naman ni D.O. Ang cute niya, ngayon ko lang napansin. Asset niya talaga yung malaki niyang mata.
Mukhang napapadami ang tanong nila ah, "Gusto ko lang i-try yung Taro. Maiba naman." I told them. Napapatango naman sila.
"Ano favorite color mo?" - Lay.
"Red and Yellow."
"Favorite food mo?" - D.O.
"Raw fish and sweet potato."
"Saan ka madalas nakatambay?" - Tao.
"Training room ko."
"Motto in life?" - Chen. Bakit pati motto in life nasama?
"Never give up!"
"Oo, tama, never give up!" - Suho. Nagsmile lang ako sa kanya.
"Anong favorite position mo?" - Kai. OMG. Nilingon namin siya ng sabay sabay at nanlalaki ang mga mata.
"A-anong po-position?" Shock ko pa rin na tanong.
Totoo nga na may pagka-manyak si crush. Eh may karapatan naman siya eh. Kaya accepted na rin.
"Ang bastos mo talaga Kai." - Chanyeol.
"Kadiri ka! Naririnig ka ni Sehun oh!" - Lulu.
"Aish. Seriously?" - Kris.
"Ang bad ng mouth mo Kai!" - Xiumin.
"Sleeping position kasi ibig kong sabihin. Paano siya natutulog." Paliwanag naman ni Kai.
"Pwede kasing linawin di ba, Kai?" Singit sa kanila ni Jiyeon.
"Bakit kailangan mo pang itanong yun?" - Suho.
"Curious ako eh." Nangingiti ngiting sabi ni Kai at napa-peace sign.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang ginawa ko bago sumagot, "Kahit ano naman. Comforable ako." And I smiled.
"Nag-smile ulit siya sa akin." - Sehun.
"Anong sayo? Akin!!" - Tao.
"Are you two blind? It's mine. Only mine." - Kris.
"Nasa langit na ba ako? Heaven yung smile niya." - Lay.
"Ang lalandi." - Bulong ni Jiyeon at napapa-roll eyes na lang. Sorry siya, maganda ako. Wahaha.
"Anong favorite song mo?" Natahimik silang lahat ng magtanong si Baekhyun. Ayan na naman siya. Hearty, bakit ka ganyan? Ang bilis ng tibok mo. Hindi naman tayo nag-exercise ngayon.
"A-ah. Ano. Officially Missing You." Muntik ko pang makalimutan ang favorite song ko dahil sa kanya.
"I see." Napapatango siya and he smiled.
I. JUST. DIED. JONGINA. NILALANDI. NIYA. AKO. AT. EFFECTIVE. NAMAN.
KBS GAYO EXOU MOMENT LAST NIGHT! CHANYEOL PULLING CHEN'S HEAD SO IU CAN BE SEEN. THEN, SILANG LAHAT TITIG KAY IU.
Dedicated kay tearrasyeh. Sa aking new found friend na Solid ExoU shipper din.
Vote and Comment. <3
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?