IU's POV.
"What are we missing?" Then, I saw Jiyeon together with Luna, Sulli and Krystal.
"Huggybear! Paano mo nalamang nandito ako? Ikaw ah, sinusundan mo talaga ako!" Akmang lalapit na sana si Sunggyu kay Jiyeon ng bantaan siya nito, "Quit it Sunggyu, will you? Tatamaan ka na talaga sa akin." Hay, ang amazona kong friend. Kaya di nagkakaboyfriend eh.
"What a drama!" Mahinang sabi ni Kris pero tama lang para marinig namin. Phew! Sinamaan siya ng tingin ni Jiyeon. Mabuti na lang at di na niya sinagot pa. Hahaba lang ang usapan at magtatalo lang ang dalawang yan.
Sa ilang araw ko na kasing kasama ang EXO ang dami ko ng nalaman tungkol sa kanila. Katulad kay Kris, parehong-pareho sila ng ugali ni Jiyeon. Ayaw magpatalo. Gusto sila lagi ang nasusunod. Pero, deep inside they really care for their friends.
"Alam niyo, what if maglaro na lang tayo?" Tuwang-tuwang sabi ni Sulli as if sobrang ganda ng idea niya. Tumingin lang kami sa kanya with a questioning look at sinasabing, 'Seryoso ka dyan?'
"Bakit?" She looked all of us bago ulit magsalita.
"May iba ba kayong naisip?" Nagkibit balikat lang kami. "Ayun naman pala eh." Wala na kaming nagawa kundi ang gawin ang naisip niya.
***
Kasalukuyan silang naglalaro ng ice breaker samantalang kami ni D.O ay nandito sa kusina para ipaghanda sila ng meryenda at para makakain na rin ako ng brunch ko. Gutom na kaya ako.
"D.O di mo na ako kailangan tulungan dito. Bumalik ka na dun para makipaglaro sa kanila. Kaya ko na." Pinilit kasi ni D.O na sumama sa akin. Baka naman kasi napipilitan lang siya dahil akala niya di ako marunong magluto.
Kung hinahanap niyo si Myungsoo, nandun siya at naiwan sa sala. He hates going to the kitchen. Ayaw niya kasing nadudumihan siya at lalong ayaw niyang nagluluto.
"Ayokong maglaro mas okay pa dito sa kusina tahimik." Oo nga pala, mas prefer niya sa tahimik na lugar. Mas gusto rin niyang nakakapag-isa siya. Though, medyo impossible yun. Basta mas gusto niya sa lugar kung saan mas konti yung tao.
Habang ako'y kumakain siya naman ay hinahanda yung mga gagamitin namin sa pagluluto. Nagsisimula na siyang magpakulo nung manok para sa macaroni soup na lulutuin niya. Tahimik lang kaming dalawa habang ginagawa ang sarili naming gawain. Kaso, napapansin ko panay ang buntong-hininga niya.
"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya. Nabigla naman siya sa tanong ko kaya napatigil siya saglit sa paghihimay nung manok at tumingin sa akin. Atsaka niya ibinalik ang tingin sa ginagawa niya. Uh-kay.
"Wala, paano mo naman nasabi?" Sabi niya habang naghihimay pa rin nung manok. Hindi ako naniniwala na wala siyang problema. Siguro ayaw niya lang or nahihiya lang siya magsabi.
"You know, you can trust me. Pero, kung ayaw mo talaga magshare okay lang. Di kita pipilitin." Then I smiled. Tumayo na ako para hugasan yung pinagkainan ko. At pagkatapos nun ay tumabi ako sa kanya para tulungan siya.
"Paano mo napapayag ang pamilya mo na gusto mo maging idol?" Itinigil ko sandali ang ginagawa ko at tumingin sa kanya. Nakatingin rin siya sa akin. So, ito pala ang pinoproblema niya. Mukhang mabigat nga. Pero, 2 taon na rin simula nung nagdebut sila di ba? Hanggang ngayon di pa rin tanggap ng pamilya niya?
Pero, paano ko nga rin ba napapayag ang pamilya ko? Lalo na si daddy. Matagal akong nag-isip at matyaga namang naghihintay ng sagot si D.O.
"Ah, naalala ko na!" Parang nagulat pa siya sa akin dahil sa pagsigaw ko ng maalala ko yung dahilan. "Kagaya ng pamilya mo, ayaw din nila na maging idol ako. Lalo na si daddy. Gusto niya kasi mag-aral akong mabuti at business course ang kunin ko. Akala niya siguro naa-amaze lang ako sa mga idol na nakikita at crush ko kaya ko daw yun nasasabi. Tapos, baka akala ko daw madali lang maging isang idol dahil pagsayaw at pagkanta lang daw ang nakikita ko sa kanila."
"Kaya para patunayan sa kanya na seryoso ako, nagrebelde ako. Nag-audition ako sa JYP kaso di ako natanggap. Mabuti na rin at sa LOEN ako napunta. Masaya na ako dito." I flashed one of my famous smiles. Gulat pa nga siya sa mga naririnig niya mula sa akin eh. Kita ko sa mata niya.
"Di ka ba nagtry sa SM?" Tanong niya sa akin. Nahulaan ko na rin na itatanong niya yun kaya di na ako masyadong nagulat.
"Hindi. It was never in my options. Gusto kong may mapatunayan sa daddy ko eh." I told him. Napatango na lang siya. "Eh ikaw? Bakit ayaw ng parents mo na maging idol ka?" And now it was my turn to ask him.
I walked around the kitchen para hanapin yung casserole na paglulutuan namin habang siya nagkukwento, "Sabi nila gawin ko lang daw yung gusto kong gawin. Nung sinabi ko na gusto ko maging idol, halos itakwil ako ng papa ko. Hanggang ngayon di pa rin niya tanggap. May sakit siya ngayon at medyo nahihirapan sila sa gastusin. Handa ko naman silang tulungan kaso si papa ang matigas ang ulo at ayaw tanggapin ang kahit ano mula sa akin. Galing sa pag-aartista ko."
I felt his pain. Pareho siguro kami ng papa niya iniisip lang naman ang kapakanan namin. "Buti nga hindi ka tulad ko na nagrebelde eh. Your dad should be proud of you!" Pagpapalakas ko ng loob niya.
"Hindi pa rin ba tanggap ng daddy mo hanggang ngayon?"
"Tanggap na rin niya. He's supporting me right now. Napasobra nga lang this time."
"Napasobra?"
"Alam mo na, napasobra sa pagsupporta. Masyadong proud. Hehe. Give him time, matatanggap rin niya balang araw. Malay natin sabay pa sila magfanboy ng daddy ko kapag nagka-collab tayo." Sabi ko.
Natawa na rin siya at nagpatuloy na lang kami sa pagluluto para sa kanila. Kung ano-ano pang napag-usapan namin. Tungkol sa grupo nila. Sa ilang mga sikreto nila. Tapos, nasabi ko rin na bias ko si Kai sa kanila.
"Weh? Si Kai? Yung malanding negrong yun?" Di pa siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Di ko naman sinabing gusto ko siya o kaya naman crush. Nagagalingan lang ako sa kanya." Pagdepensa ko.
"Anong nangyayari dito? Share niyo naman oh." Bigla na naman akong nainis ng makita ko siya. Napa-roll eyes na lang ako at nakita ni D.O yun.
"Woah, woah. Intense ah! May gera ba?" Tanong ni D.O.
"May blackmailer kasi na biglang dumating dito eh." Sabi ko.
"May sinasabi ka ba?" Kumagat naman ng apple si higante pagkatapos magsalita.
"Wala, sabi ko kumain ka lang dyan."
"Baka naman mamaya kayo magkatuluyan dyan ah." HELL NO! Gusto ko talagang sakalin ngayon si D.O dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?