14. Lee Soo Man

1.4K 63 8
                                    

IU'S POV.

"IU, it's good to see you again." Sabi sa akin ni Jonghyun ng nakangiti. Namiss ko rin itong bestfriend kong ito ah! Siguro okay na siya at hindi na siya galit sa akin since kinausap na niya ulit ako.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Yumakap din naman siya pabalik. Yung members naman ng f(x) at SHINee walang ibang ginawa kundi asarin kami. "Jonghyun, hinga hinga rin pag may time!" Pang-aasar ni Key kay Jonghyun.

"Nagpipigil lang yang si Jonghyun eh. Deep inside kinikilig na yan." Gatong pa ni Minho.

Natawa kaming lahat maliban sa EXO na halatang clueless sa mga nangyayari. Napasinghap pa nga sila nung makita nilang niyakap ko si Jongie eh. Well, hindi ko rin naman sila masisisi since they don't know Jonghyun and I's history. 

"Mga seniors, mawalang galang na po ano. Anong meron kay IU at Jonghyun sunbae?" Si Chen ang naglakas loob na magtanong. Natigil naman kami sa pagtawa. Tinignan naman ako ni Jonghyun na nagtatanong gamit ang kanyang mata kung okay lang ba na sabihin, I nodded in response.

"Bestfriends kami nitong si IU. Nagkakilala kami sa Immortal Songs 2. Si IU at Luna naman bestfriend din niya. Since, magkakasunod lang kami mag-debut naging magkakaibigan kami kahit nasa magkaibang agency. Close din itong si IU sa SuJu, SNSD at TVXQ. And, as time pass by di ko napansin I'm slowly falling for my bestfriend. Ayun, masaklap nga lang kasi di niya kayang suklian yung pagmamahal ko sa kanya." Mahabang paliwanag ni Jonghyun. Nakaramdam na naman ako ng guilt.

"Tanggap ko naman na yun ngayon." Pagkatapos ay inakbayan niya ako. I really feel sorry that I can't return back his love. Makakahanap din si Jonghyun ng babaeng mas mamahalin pa siya ng higit sa pagmamahal na meron siya para sa akin.

"Ang cheesy naman ng lines mo, Jonghyun. It is so not like you. Stop the drama!" React ni Krystal na siyang dahilan ng pagtawa naming muli. Natawa na rin yung members ng EXO dahil kahit paano nakakarelate na sila at may background. Wag lang sana nila akong asarin at kulitin tungkol sa bagay na ito mamaya sa bahay.

Pero, bago kami magkalimutan hindi naman ito ang sinadya ko dito eh. "Teka, bakit mo pala ako pinapapunta dito Luna?" Napatigil na rin si Luna sa pagtawa at napakamot ng batok niya.

"Ano kasi, ah, napag-utusan nila ako." Sabay turo sa members ng SHINee at f(x). "Gusto na kasi nilang magkatabi kayo ni Jonghyun." Sabi pa niya. Kahit kailan talaga ang mga ito ang daming pakulo sa buhay nila. Though, okay na rin naman na nangyari ito dahil okay na kami ngayon.

Natigilan naman ang pagtatawanan namin ng may isang malalim na boses ang nagsalita, "Oh, the famous IU is here. Welcome to SM, IU. I hate to interrupt but, may I excuse EXO for the mean time? Sandali lang naman." Nag-nod naman kami at sumunod naman yung labindalawa sa kanya.

SEHUN'S POV.

Nakasunod lang kami kay Chairman papasok sa office niya. Ano kaya ang sasabihin niya? We are all clueless kasi. Nagsisikuhan pa nga si Chen, Xiumin at Lay. Tinatanong nila ang isa't isa kung may nagawa ba silang kasalanan?

Nung makaupo na siya sa upuan niya, seryoso yung mukha niya. Nakapatong ang dalawang kamay sa table at nakasupport iyon sa baba niya.

"How's the seducing going on?" He asked. 

"Ano po?" Pagtatanung ni Suho. Mukhang nagulat din sa tanong ni Chairman. 

"Haha. Ang mga batang ito talaga masyadong mahiyain. Kamusta na ang panliligaw niyo kay IU? It is the first time I've seen her come here. There must be something already going on." Sabi pa ni Mr. Lee Soo Man. 

"Maliban po sa bahay niya kami nakatira wala na pong iba." Sagot ni Kris.

"Kasama rin po namin siyang magbreakfast kanina tapos, nag-grocery rin po kami." Dagdag ni Tao.

"I see. Atleast, there's some development. You can all go." Palabas na kami ng magsalita siya ulit. "Oh, except you Chanyeol. My favorite kid." Nakita ko ang ngiti niya bago kami tuluyang makalabas maliban kay Chanyeol na naiwan nga.

Nung nasa labas na kami ay hindi namin mapigilang hindi pag-usapan si Yeollie. "Bakit kaya siya pinaiwan?" Curious na tanong Baekhyun.

"Try mo pumasok tapos sali ka na lang sa usapan nila para malaman mo." Sabi ni Chen sa kanya. Nakita ko naman na nabwisit si Baekhyun sa sinabi ni Chen.

Much to our suprise, nandun pa sila IU sa labas ng practice room at nagbubulungan. Napansin kami ni Taemin at tinuro. Lumapit naman sila "1, 2, 3...11." Bilang ni Sulli sa amin. "Nasaan yung isa? Si Chanyeol?" Tanong din agad niya.

"Pinaiwan ni Chairman sa loob." Sagot ni Luhan.

"Bakit daw?" Tanong ni IU. Kita sa mukha niya na sobrang di siya mapakali.

"Relax ka nga lang girl." Pagpapakalma naman sa kanya ni Krystal. Ano bang meron at ganyan siya kung makareact? Kinakabahan ba siya kasi baka pinapagalitan si Yeollie ni Chairman?

"Ayie. Concern si IU kay Chanyeol." Pang-aasar ni Xiumin kay IU. "Crush mo ba si Yeollie?" Tanong ni Lay na siyang ikinabigla niya. Namula naman si IU. Ang cute niya. 

Bigla na lang padabog na lumabas si Baekhyun. "Anong nangyari dun? PMS?" Tanong ni Kai.

"Nagseselos." Tipid na sabi ni D.O.

Sakto naman na pagkatapos sabihin ni D.O yun ay lumabas na si Chanyeol mula sa office ni Chairman. Agad na tumakbo si IU papunta sa kanya. Narinig namin yung sinabi niya, "Anong nangyari? Anong sabi niya sayo?" 

Bumulong lang si Chanyeol sa kanya at pagkatapos nun ay namula siya. GULAY, ANONG MERON? Love triangle na ba ito?

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon