IU's POV.
Hatak hatak ko ngayon si higante paakyat sa kwarto ko para gamutin yung kamay niya na nasugatan dahil sa katangahan niya. Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang hawakan at tignan kanina yung kamay niya na dumudugo. Takot kasi ako sa dugo, and I just don't want to talk about it now.
Nakikipagtalo pa nga siya sa akin na hindi ko na daw siya kailangang gamutin. "Bakit ba ang kulit kulit mong higante ka?" Galit ko pa ring sabi sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi ako higante?"
"Eh ano palang tawag sayo? Kapre?" Pang-aasar ko pa sa kanya. Nakita ko yung mukha niya na namumula na dahil sa galit. Kaso, kabaliktaran yung sinasabi ng mata niya. Hindi ko alam. Pero, iba yung ningning nung mga mata niya. And I find it somewhat mesmerizing.
Hoy, Lee Jieun. Anong mesmerizing ka dyan? Magtigil ka, may boyfriend ka di ba? At kakabati niyo lang.
"Hyung, bakit ang ingay -" Palabas na sana si Sehun sa kwarto nila kaso, nung makita ako bumalik siya at di na tinapos yung sasabihin niya. "Oh, akala ko ba tuturuan mo ng leksyon si Yeollie?" Narinig ko pang nagpoprotesta si Luhan atsaka parang pilit na lumalabas.
"May world war 4 sa labas, hyung. Wag ka na makisali pa." Patuloy lang sila sa pagtatalo. Ginamit ko na ang pagkakataon na iyon para mahila si higante, este kapre sa sa kwarto. Nasa dulo yung kwarto ko. Katabi ng kwarto nina Kris, Tao, Suho at Lay.
Nagpalit-palit rin kasi sila ng makakasama sa kwarto. Kaya wala ring nangyari sa bunutan nila nun. Hindi rin naman kasi nila nasusunod yun kaya mas mabuti na yang ganyan at may maayos silang room assignment.
"Aray! Gagamutin mo ba talaga ako o mas lalong sasaktan?" Reklamo agad ni kapre pagkapasok namin sa kwarto ko. Ni-lock ko nga ng walang istorbo.
"Bakit mo ni-lock? May balak kang masama sa akin ano?" Yung totoo, utak nitong kapre na ito masyadong polluted.
"Kapre, para sabihin ko sayo hindi ako magkakainteres sayo. Di naman hamak na mas gwapo sayo si L noh. Lamang yun ng isang-daang paligo sayo." Then after that I burst out with laughter.
Tinignan ako ng masama ni Chanyeol at yung mga mata niya nagtatanong na 'Anong nakakatawa?' Pero, patuloy pa rin ako sa pagtawa. May naalala kasi ako bigla.
Hinintay niya lang akong matapos sa pagtawa kaso parang wala talagang katapusan yung tawa ko. Feeling ko nga mababaliw na ako dito. At nung tuluyan na nga akong matapos halos habulin ko yung hininga ko.
"Naalala ko kasi na natalo mo si L sa isang survey nun. Ranking yun kung sino ba yung pinaka-gwapong male idols. Galit na galit nun si L kasi pang-4 lang siya." It was a good memory after all. Sino nga bang makakapagsabi na yung isa ang lalaking ito sa pinagbilinan ni L na alagaan ako.
Yes, ibinilin niya ako sa EXO nung araw na magkabati kami. Binantaan pa nga niya silang lahat na kapag umiyak daw ako sila daw ang huhuntingin niya. Pinagbigyan din niya si Kai sa hinihingi nitong autograph. Sayang nga lang daw dahil wala si Hoya.
"At dahil napatawa mo ako, I'll be easy on you." Nagtungo ako sa banyo para kunin dun sa cabinet ang first aid kit. Pagkabalik ko nakaupo na siya dun sa dulo ng kama ko at inililibot ang mata sa loob ng silid ko.
"Your room looks really nice. Halatang mayaman." Nakita ko siyang nagsmirk. Peste talaga ang kapreng ito.
Ibinato ko sa kanya yung alcohol at cotton na kakakuha ko lang dun sa box. "Ikaw gumamot sa sarili mo!" Naiinis ko pang sabi sa kanya. Binigyan ko na nga siya ng pabor kanina na magiging mabait na muna ako sa kanya pansamantala pero, ito siya at siya ang gumagawa ng mga bagay na ikaiinis ko. Di talaga ako mai-inlove sa katulad nito!
"Binibiro ka lang eh." Bigla niyang sabi sa akin sa malambing na tono. Yuck, di bagay. Ang lalim kaya ng boses niya. Tinap pa niya ng ilang beses yung kama ko at sinasabing umupo daw ako sa tabi niya. Wow, sino may ari ng kama? Yung totoo. Napabuntong hininga na lang ako.
Kinuha ko sa kanya yung bulak at alcohol. Sinimulan kong patakan ng alcohol yung bulak na hawak ko. Inabot ko yung kanang kamay niya na nasugatan. Good thing walang bubog na naiwan. Dahan dahan kong idinampi yung bulak dun sa parte ng kamay niya nasugatan.
Pinipigilan niyang sumigaw dun sa hapdi na nararamdaman niya. He is biting his lips para walang lumabas na kahit na anong ingay. Nung medyo nalinis ko na iyon, naging maayos na ang mukha niya. Naiilang nga ako kasi kahit di ako tumitingin sa kanya at naka-focus lang ako sa ginagawa ko alam kong nakatitig siya sa akin.
"Maganda ka pala talaga ano?" Napatitig na ako sa kanya dahil sa sinabi niya na hindi ko na lang dapat ginawa. His eyes were like magnets. They are shining just like the stars. The more I'm looking to them mas lalo silang nag-i-sparkle. I felt somewhat drowned into them. Looking into his eyes were somewhat calming? I don't know.
"... wag ka lang magsasalita." Idiniin ko yung bulak sa kamay niya na may sugat. "ARAAAAAAAY!" Sigaw niya. And then and there I realized, wala talagang magandang bagay na lalabas sa bibig ng kapre na yun. I would never fall in love to a guy like him! Bwisit!
CHANYEOL's POV.
Tsk. Tsk. Di ko talaga maintindihan ang mga babae minsan concern seconds after nagagalit. Ano, araw araw PMS? Lalo na yung si IU. Di ko talaga maintindihan kung bakit ang laki laki ng galit sa akin. Binulong ko lang naman yung nalalaman ko. Samantalang sa ibang members ang bait bait.
Alam niyo pa yung mas masakit eh, yung tinatawag niya akong higante. Yun medyo tanggap ko pa pero ang tawagin akong kapre. Aba, hindi na ako makakapayag dun. Sa gwapo kong ito? Nahiya nga si Kim Soo Hyun at Lee Min Ho nung makita ako eh.
Pinalayas nga pala ako ni IU sa kwarto niya pagkatapos kong sabihin na maganda siya kapag hindi nagsasalita. I really mean when I say that she's pretty. Kaso, parang I felt that there's a need for me to add those words. May hindi kasi tama sa nararamdaman ko kanina habang tinititigan ko siya. It feels weird and good at the same time but it wasn't just right.
When I look into her eyes, mukha agad ni L ang nakita ko dun. That's when I felt I needed to add words. And realized that saying she was pretty was something not good. Lalo na at may boyfriend siya. It sounds like I'm confessing to her kanina. And the last thing I needed is to draw attention. Hindi ko na kailangan pang lumingon or tumingin kahit saan pa. Dire-diretso lang dapat ako dahil abot kamay ko na yung pangarap ko. Konti na lang nasa tuktok na ako.
But, the more I'm near her. The more I'm attached to her. Pakiramdam ko, yung diretso lang sana na byahe ko papunta sa pupuntahan ko, magkakaroon ng maraming u-turns at stop over. Dahil I just realized, hindi pala malayong mainlove ako sa kanya. Ngunit, iyon ang huling bagay na dapat mangyari dahil may ipinangako ako. I'll look after her at hanggang dun lang dapat yun.
*****
I enjoyed typing this chapter. Sana na-enjoy niyo rin ang pagbasa dito. Now, the story gets more exciting. And please do anticipate for the next chapter as much as I anticipate for it. It is one of the chapters I like. Hint: It is not a chapter for IU. It's like a spin-off chapter in this story. Yung infos pala dito like family background ng characters are purely imaginations ko lang. Mema lang. Mema-dagdag lang. Hahaha. Thanks for supporting this!
P.S: If nagustuhan niyo po siya sana i-vote niyo po yung bawat chapters and please do comment para mas ma-promote itong story at mas tumaas ang rank. And I really appreaciate those who message me here, I do reply to every messages. Mas masarap kasi sa feeling yung kapag may nagme-message and sobrang akong nato-touch.
P.P.S: I'm planning to make a hardcopy for Seducing EXO after ko siyang matapos for my own safe keeping and copy. Gusto niyo rin ba? kekeke. Kasi, I'll open for orders if you like.
P.P.P.S: You can send a book cover, photo edit, artwork, video trailer for SE in my email if you like. itsthebluething@gmail.com I'll post the submitted works in the next chapters!
SORRY FOR THE VERY LONG AUTHOR'S NOTE. Nag-enjoy naman ata kayo sa chapter atsaka minsan lang naman ako mag-AN. =)
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?