10. Girl's Talk

2K 65 9
                                    

Kai's POV.

Isang normal na lunes lang dapat ang meron kami ngayon pero, dahil sa malanding bakla na si Byun Baekhyun heto kami at maagang ginising ni Suho para sa isa daw meeting. Panira naman talaga ng tulog kahit kailan!

"Ano na naman bang kalokohan ito Suho?" Singhal ni Luhan sa kanya habang kinukusot ang mata at palabas ng kwarto kasunod si Sehun. Sila ang huling dumating sa amin. 

Hindi naman siya pinansin ni Suho at isa-isa na kaming pinasadahan ng titig. Nagising naman kami sa paraan ng pagtitig na ginagawa niya sa amin. Ano bang problema ng matandang ito?

"Bakit wala si Baekhyun?" Tanong ni Lay. Napasapo na lang kami sa mga noo namin. "Gigisingin ko ba?" Wala pa rin siyang kamuwang-muwang. 

"Gusto mong samahan siyang matulog?" Sabi namin sa kanya atsaka ipinakita yung mga kamao namin na ready nang lumanding sa mukha niya anytime.

"Sabi ko nga tatahimik na!" Kinuha niya yung unan sa tabi niya atsaka iyon niyakap. 

Tumayo na si Suho sa harap, "Alam naman nating lahat na mamaya na yung dinner date ni Baekhyun at IU." Panimula niya.

"Give me a break!" Halos itapon ni Kris yung hawak niyang unan sa pagmumukha ni Suho.

Hindi naman natinag si tanda at nagpatuloy lang, "Kaya naman nakaisip ako ng isang brilliant plan..." Pangbibitin niya.

Nakuha naman niya ang interes naming lahat. Hinihintay lang namin siyang magsalita. This better be good! Shit. Napapa-english ako. Bago yun.

"Susundan natin sila!" Napatango kaming lahat sa sinabi niya. Isa-isa kaming tumingin sa isa't isa at ngayon lang nagprocess yung idea niya.

"ANOOOOOOOOO?!" 

IU's POV.

Today's the day. 3rd monthsary na namin but, he still haven't texted, called or talked to me. Hindi ko alam kung may dapat pa ba akong 3rd monthsary na i-celebrate. Galit siya, nararamdaman ko. 

"You're still not dressed yet?" Pumasok si Manager sa kwarto ko at naupo sa kama ko. Nasa harap lang ako ng salamin at nakaupo. Nakatitig sa kawalan.

"Tuloy ba talaga yung dinner namin ni Baekhyun?" I asked him. Nagtatalo pa rin kasi hanggang ngayon sa utak ko kung tutuloy ako. Panigurado, mababalita ito. At lalo lang madi-disappoint si L sa akin. But, he still owe me an explanation di ba? This sounds fair enough.

Tango lang ang isinagot ni Manager Kim sa akin. Bigla siyang tumayo at lumapit sa bintana ko. It has a nice and refreshing view from outside.

"Don't you ever wonder what's really with L and Suzy?" Mahinahong sabi ng lalaki na nakatingin sa bintana.

I let out a long and deep sighed before finally speaking, "Dati wala lang sa akin, ngayon parang gusto ko nang maniwala na meron." I'm trying to hold back my tears. 

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon