3. Secret Fangirl.

3.2K 90 11
                                    

IU's POV.

Nakatayo lang ako sa may pinto habang nakikipagtitigan dito kay Luhan. Di ko alintana yung mga camerang nagfa-flash. Mas nakakasilaw kaya ang kagwapuhan nitong labindalawang lalaki sa harap ko. 

Sa hindi kalayuan, nahagip ng mata ko si Wooyoung kasama si Myungsoo. May lungkot akong nakita sa mga mata niya. Sorry, Myungsoo. Si Wooyoung naman ayun, para pang nae-entertain sa mga nakikita. Humanda siya sa akin mamaya. Kukutusan ko yun.

Nagulat ako ng biglang lumapit yung isang member ng EXO sa akin. Nagulat din si L at Wooyoung sa isang sulok sa ginawang paglapit nitong si Baekhyun.

Hinawakan niya yung mukha ko. May kakaiba akong naramdaman. Parang may kuryenteng dumaloy eh. Good electric conductor pala kami? 

Next thing I know, nilalagyan na niya ako ng eyeliner. Bakla ba siya? Gwapo sana, bakla naman pala. Mas bagay pala ang pangalang Baekla sa kanya kaysa Baekhyun.

"Wala ka kasing eyeliner kaya nilagyan kita. Eh di mas maganda ka na." Ngumiti naman siya na talaga namang nakakaloose thread ng panty. That sexy smile. Ula-laaaaaaam!

Halos malagutan na ng hininga si Wooyoung dun sa sulok sa mga nasasaksihan at si L naman bagsak ang balikat sa mga nakikita. Makapagperform pa kaya itong si Myungsoo mamaya? Dapat ba akong matuwa kasi nakakasigurado akong mahal niya talaga ako dahil sa reaksyon niya or maging malungkot dahil nasasaktan ko siya?

"IU, be ready in 5 mins. Ikaw na ang susunod." Buti na lang nandyan si Manager para i-salba ako. Kahit binatukan mo ako kanina Manager, okay lang. Niligtas mo na naman ako ngayon.

Dumiretso na ako sa may backstage at iniwan ko na sila dun. Sakto namang madadaanan ko yung dalawa papunta dun. Gustuhin ko mang pansinin si L, hindi pwede. May usapan na kami ni Manager at ayokong suwayin siya. Mas mabuti na ang ganito. Para rin sa aming dalawa.

Nilagpasan ko sila at hindi man lang nilingon. 

Naging maganda naman yung performance ko sa 'Red Shoes.' Umupo na ako sa upuan na nakareserve sa akin dito sa loob ng concert hall. EXO ang sunod na nagperform sa akin. Nakaka-elibs sila, ang bilis mag-ayos.

Nagpaka-fangirl ako kanina para sa kanila. Alam ko na maraming nakatingin at kumukuha ng video sa akin. Sa totoo lang, secret fan nila ako. Sssh, wag maingay ha? Di ko nga lang tinatago ngayon kasi may basbas naman kay Manager.

Pagkatapos nila magperform, tumabi sila sa akin. Huwaaa, ang bango nila. Ang yu-yummy pa nila kahit pawisan. I want to make pahid of that pawis of them.

Alam niyo ba ang pangarap ko ngayon? Ang maging pawis nila.

Si Baekla pala ang katabi ko sa upuan. Kung titignan mo, gwapo naman talaga itong si Baekhyun. Magaling pang kumanta. Kaso, may kakaibang hilig sa eyeliner.

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon