IU's POV.
"Rise and shine, baby. Gising na." Paglalambing sa akin ni L.
"Five more minutes, please?" Pagpipilit ko atsaka ako muling nagtakip ng unan at nagtalukbong ng kumot.
"We still need to prepare di ba? Gising ka na, kundi..." He paused.
"Okay. Fine, fine. Ito oh, babangon na." Napilitan na akong bumangon dahil baka kilitiin niya ako. I'm dead.
We went down and had our breakfast together with his other co-members. Yes, I'm eating with Infinite.
"Happy Birthday, Sunggyu! Sorry wala akong regalo, binigla mo kasi itong party mo eh." Loko ko sa kanya. Oo, birthday ngayon ni Sunggyu. April 28. Nasa Jeju island kami para mag-celebrate. It's an all paid expense trip courtesy of the birthday boy of course. Ang napagkasunduan nga lang tutulong kami sa preparation.
Medyo star-studed ang birthday niya. Mostly idols kasi ang pupunta. Well, kami kaming magkakaibigan actually. Tapos, managers namin plus the two weekly idol MCs. Now that I mentioned them, meron palang nakakaalam sa media tungkol sa relationship namin ni L.
"Okay lang yun, presence mo lang solve na solve na ako!" Tinaas taas pa niya yung eyebrows niya. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko. Nagulat pa nga ako kasi di pa ako nakakasubo eh bumulong na siya agad, "Weh? Pero, seryoso? Wala kang regalo?" Hahaha. Gusto kong matawa sa reaction niya.
"Joke lang!" Sabay hampas ko sa braso niya. Turn ko naman ngayon para bulungan siya, "I'm sure magugustuhan mo yung regalo ko. May bonus pa!" Ginaya ko pa yung pagtaas taas niya ng kilay kanina.
Ako and yung Infinite members pala ang nauna dito. Nung isang araw pa kami nandito. Mamaya pa lang yung dating ni Jiyeon, f(x), Yoo In Na, SHINee, Wooyoung, Suzy, Thunder at akalain niyong pati EXO kasama.
Sa totoo lang, ayoko sana silang iwan sa bahay dahil mamaya kung anong gawin nilang hokus pokus sa bahay ko. Aba malay ko ba kung mabalitaan ko na lang na nasunog na pala o kaya nanakawan o ginawa na nilang beerhouse ang bahay ko di ba? Maya't maya tuloy ang tawag ko kay D.O kung okay lang ba siya at ang bahay ko. Hehe. Joke. Syempre, kasama silang lahat. Ay mali, silang labing-isa lang pala, di kasama si kapre.
"Ganun ba? Sige, mag-ingat ka. Este kayo pala minus yung isang kapre." Gaya ngayon, tinawagan ko na naman si D.O para i-check kung nasaan na sila. Kaso, wala na sila sa bahay. Malapit na sila dito. Naibilin na naman daw ni D.O kay Manang yung bahay at nasabing bantayan na lang muna habang wala pa kami. Maaasahan talaga si D.O.
"Sinong kausap mo?" Biglang tanong ni L.
"Si D.O, malapit na daw sila." Di ko na siya narinig pang sumagot pero nakita ko nung i-nod niya ang ulo niya.
Hindi pa naman kami busy kaya nakatambay lang kaming walo dito sa may beach. Nakatulog pa nga kami habang nakaupo sa lounge chair eh. Past 9am na nung mapatingin ako sa phone ko pagkagising ko.
Yung mga kasama ko naman tulog pa rin. Anong oras ba natulog ang mga ito? Nakahiwalay kasi yung kwarto na tinutulugan ko at sila naman naghati sa 3 kwarto. Di ko alam kung paano ang room assignments nila. Pero, katabi lang naman ng kwarto ko yung mga kwarto nila, para in case may mangyari malapit lang sila.
Inalis ko ang tingin ko sa kanila ng tumunog ang phone. Jonghyun calling.
"Jongie~~~ Bakit ka napatawag?" Tanong ko agad pagkasagot ko.
"Kanina pa tinatawagan ni Key si Woohyun. Inaamag na kaming lahat dito sa lobby. Di namin alam kung nasaan kayo."
"Mag-check in na kayo. May reserved rooms na para sa inyo. Nandito kami sa may beach. Pagkalabas niyo ng hotel makikita niyo na agad kami." Pagkatapos nun ay binaba na niya agad.
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?