IU's POV.
"Good take! Good take!" Sigaw ni direk sa akin na may kasamang palakpak pagkatapos nung heartbreaking scene ko with Jang Geun Seuk.
Nakipalakpak rin yung mga staff na nanunuod sa amin. Kasalukuyan kasi akong nasa taping ng Pretty Man.
"30-minute break muna tayo." Dagdag pa niya.
Umupo ako sa folding chair at nagsimulang basahin yung script para sa next scenes.
Mainit init yung panahon ngayon dahil medyo tirik yung araw. Ayos lang din naman kasi nasa ilalim ng umbrella yung upuan ko.
"Nakakapagod talaga." Nahihikab pa si JGS habang nagsasalita. Mukhang puyat na naman siya. Oh well, iba talaga sikat.
"Ang dami kasing project eh." Biro ko sa kanya. Pareho kaming natawa.
Naging close na rin naman kami nitong si JGS. Mabait siya at napaka-maalaga. Walang halong malisya. Pure friendship lang talaga ang offer namin sa isa't isa.
Hindi siya mahirap pakisamahan. Light lang ang personality niya kaya madaling makasundo.
"May itatanung pala ako." Mahina niyang sabi. Mukhang seryoso yung itatanung niya ah.
Inangat niya ng bahagya ang katawan niya para makalapit sa akin at maitapat sa tenga ko yung bibig niya. Nakaupo kasi siya.
"Paano pala nangyari na EXO yung nali-link sayo?" Ganyan na kami ka-close niyan. Pati siya alam na yung relasyon namin ni Myungsoo. Amazing di ba?
Sabi ko naman kasi, marami-rami rin talaga ang may alam.
Lumayo na siya at naghintay ng sagot ko.
Nabasa na daw niya yung article kaya sinimulan kong ikwento yung pinapagawa ni Manager Kim sa akin na pangse-seduce.
Natatawa siya at parang di makapaniwala. Ipinaliwanag ko yung hanggang dun sa nangyari sa Cofioca kahapon.
I really trust him kaya nakukwento ko sa kanya lahat. Nago-open rin siya sa akin kaya pantay lang kami. Give and take kumbaga.
"I see." Nagpipigil siya ng tawa. Naniningkit tuloy yung mata niya.
Napapanguso na lang ako sa ginagawa niyang pagtawa sa akin. Kahiya kasi.
Marami pa kaming napagkwentuhan in between breaks. Hindi ko naramdaman ang pagod sa sobrang saya sa set. Ang carefree nilang lahat.
"See you everyone tomorrow! Thank you for your hardwork!" Paalam sa amin ni direk ng matapos kami. 7pm na rin kami natapos at nakapagpack-up.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng bag ko at tinignan kung may tawag or messages ba. Ngayon ko pa lang kasi siya titignan buong araw.
Pagkakuha ko ay tinulungan na ako ni Manager Kim bitbitin yung bag ko papunta sa kotse. May kabigatin rin kasi. Nandun rin kasi yung make-up kit at mga damit kong ginamit ngayon. Nauna siyang pumunta at naiwan pa ako sa tent.
17 messages. 9 missed calls.
Lahat galing kay Myungsoo.
Mabuti na lang at nasa kotse na si Manager. Sa totoo lang, ipinagbawal rin niya ang pagcontact ko kay Myungsoo thru phone.
Eh syempre, di ko naman sasabihin kaya di niya malalaman.
Binuksan ko at binasa isa-isa yung messages.
Good morning. :)
Hey, already awake?
I miss you baby.
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?