SUHO's POV.
Dalawang araw na ang nakakalipas buhat ng malaman namin na si Kim Myungsoo pala ang boyfriend ni IU. Nasagot na ang katanungang matagal na naming gustong masagot. Medyo iwas na tuloy si Baekhyun kay IU. At natapos na rin ang pagsususpetsa namin sa kanya.
Sa dami naman ng pwedeng maging boyfriend ni IU, yung visual pa ng Infinite na si L. Visual yun, Suho. Wala kang laban. Sabi ng isang parte ng utak ko. Kung ako sayo, magpayaman ka na lang lalo. Sabi naman nung sa kabilang parte.
Kung meron namang umiiwas kay IU, meron namang biglang naging close sa kanya, si D.O at Chanyeol. Yung kay Chanyeol hindi naman talaga close in a "positive" way. Madalas kasing kinukulit nitong nakaraang linggo ni Yeollie si IU. At si IU naman nagpapakita na naiinis siya kaya ayan mas kinukulit pa siya lalo.
Si D.O at IU naman simula nung ipaghanda kami ng meryenda nung magkabati si IU at L eh naging close na. Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta pagkalabas nila sa kusina kasama si Yeollie ganyan na.
Kagaya ngayon, nagkukulitan silang dalawa sa sala habang kami patagong nanunuod sa kanila mula dito sa kusina. "Ang swerte naman ni D.O hyung." Sabi ni Kai habang nakanguso pa.
"Si D.O ba talaga ang swerte o si IU?" Pang-aasar naman ni Chen sa kanya. Hay, KaiSoo.
"Tigilan mo nga ako, Jongdae."
Umupo na si Baekhyun sa isa sa mga upuan sa dining table, "Anong nangyari na naman dun?" Tanong ko.
Sinundan na lang namin siya atsaka rin isa-isang naupo doon. "Wala na tayong magagawa kung may boyfriend na si IU. Pero, seriously sino ba sa atin ang umasa?" Pagsisimula ni Kris. Walang gustong magtaas ng kamay sa amin.
"Magpakatotoo na kayo." Sabi pa niya nung makitang walang nagtaas kanina. Nate-tempt ako. Kasi, una pa lang naman alam na nila na may gusto talaga ako kay IU. Kung may number 1 fanboy man si IU ako yun.
Naglakas ng loob na magtaas ng kamay si Baekhyun. At dahil dun, nagtaas rin ako ng kamay. Sa aming labing-isa na nandito ngayon kaming dalawa lang ang nagtaas ng kamay.
"Pigilan niyo na habang hindi pa masyadong malalim." Makahulugang sabi ni Kris atsaka siya tumayo. Nakasunod si Tao sa kanya. Tahimik lang yung mga natitirang members kasama namin na tila sinusukat kung totoo bang seryoso kami kay IU.
"Bilang pinaka-matanda sa grupo, sang-ayon ako kay Kris." Sabi ni Xiumin. Minsan lang siya magseryoso. "Kaya niya nasabi yun kasi ayaw lang niyang masaktan kayo sa huli." Pagpapatuloy niya pa atsaka umalis na rin kasama si Luhan at Sehun.
"Support lang kami sa inyo!" Pagche-cheer ni Jongdae sa amin kasama si Lay, Kai at Chanyeol. Nginitian ko na lang sila para kahit paano eh makita nila na masaya ako sa pagsupporta nila sa amin ni Baekhyun. Si Baekhyun naman seryoso pa rin ang mukha. At parang may malalim na iniisip.
Napansin rin naman siya ni Chanyeol, "Oh, ano na namang problema mo?" Tanong sa kanya ni Yeollie.
"Sa tingin niyo ba may pag-asa kami?" Seryoso siya nung itanong niya yun.
"Magsasabi na ako ng totoo. Sa ngayon, wala. Pero balang araw hindi natin masasabi." Sagot ni Lay sa tanong niya. "At sana lang, totoo talagang seryoso kayo kay IU. Baka naman mamaya sa huli, siya lang ang saktan niyo." May halong pagbabanta sa tinig ni Lay.
"Kay Suho may tiwala ako, hindi ko lang alam kay Baekhyun." May himig ipahiwatig si Chanyeol. May alam ba siya na hindi namin alam? Hindi pa nga niya nasasabi sa amin kung ano yung pinag-usapan nila ni Chairman nung pinaiwan siya eh.
"Bago tayo magkalimutan, di mo pa sinasabi sa amin kung bakit ka pinaiwan ni Chairman nun." Pag-iiba ko sa usapan. Akmang magsasalita na si Yeollie ng dumating si IU at D.O, "Hoy, hoy, hoy! Higante ano yang binubulong mo kay Suho?" May takot sa tono ng boses at sa mukha ni IU.
"Wala." Tumayo na si Chanyeol para hugasan yung basong pinag-inuman niya. Nakita ko naman si IU at D.O na kumukuha ng pinggan. Ngayon pa lang kasi ata sila kakain ng tanghalian. Nabigla kaming lahat ng makarinig ng tunog ng isang bagay na nabasag.
Bago pa kami lahat makareact, nauna na si IU. "Ano ba naman yan Chanyeol. Hindi ka kasi nag-iingat eh." Nilapitan niya agad si Chanyeol dun sa may lababo at kinuha agad ang kamay niya na...
...nagdudugo. How was she able to pull it off? She's afraid of blood. Fanboy niya ako kaya alam ko.
Si Yeollie nakatingin lang kay IU at tulala. But, I see sparkles in his eyes. Si IU naman hindi magkanda-ugaga kung anong gagawin sa kamay ni Yeollie na nagdudugo. "Tara na nga muna sa taas, gamutin natin yang sugat mo."
"D.O kumain ka na, mamaya na lang ako. Gagamutin ko lang yung sugat niya." Paalam niya kay D.O na parang di niya narinig yung sinabi ni IU kanina eh samantalang ang lakas-lakas ng pagkakasabi niya. Kami naman parang hindi nag-eexist doon. Di man lang nagpaalam sa amin.
"Magagamot ko yung sugat mo pero, di ko maipapangako na may gamot sa katangahan ha?" Narinig pa kaming pinagagalitan ni IU si Chanyeol habang paakyat sila.
Gaya ng sinabi ni IU, kumain na si D.O. Nagsandok siya ng kanin atsaka nung ulam na beef steak na niluto nila ni IU kanina. Umupo siya sa katapat na upuan ni Chen sa dulong upuan malapit sa akin. Sa kabisera kasi ako nakaupo.
"Natatakot ako sa concern na ipinakita ni IU kay Yeollie." Sabi ni D.O pagkatapos yung pangatlo niyang subo. Nabilang ko kasi pinapanuod namin siyang kumain. Walang kahit isang nagbalak na magsalita eh.
We all gave him a questioning look.
"Hindi niyo ba alam? Mabilis ma-fall si Chanyeol sa mga babaeng nagbibigay ng concern sa kanya. And I'm sure you've seen the sparkle in Yeollie's eyes kanina. It's the same look she's giving Dara." Pagsisiwalat niya.
"It's not the same." Sabi ni Chen. Hindi naman makapaniwala si D.O sa sinabi ni Chen at parang sinasabing bulag ka ba?
"It's not the same because I've never seen them sparkle like that before. Tangina, na-inlove na ang tanga." Kung may mas nakakakilala man kay Chanyeol iyon ay walang iba kundi si Baekhyun.
*****
I think this chapter is kinda boring though there are hints here with regards to the story's plot twistSSSSSS. Enjoy!
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
Fiksi PenggemarAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?