15. Apologies

1.4K 57 8
                                    

IU'S POV.

It's been one week since Chanyeol whispered something to me. Isang linggo na rin niya akong kinukulit at ayaw talaga niya akong tigilan! Ang kulit ng lahi niya, I swear! Kung sa ibang pagkakataon siguro, I think he really cares for me and gentleman siya. Kaso, hindi. After niya ibulong sa akin yun? Psh.

Sunday ngayon at nasa bahay lang kami lahat. Wala kasi kaming mga projects dahil focused kami sa comeback pare-pareho. Ewan ko nga ba at sa kabila ng pagiging busy naming lahat eh nagagawa pa ring tumawag tawag niyang si Chanyeol at kulitin ako.

Pababa ako ng hagdan ng makita ko si Chanyeol kasama si Lay sa may sala at tumutugtog sila pareho ng gitara. Pagkababa kasi ng hagdan sala na agad eh nagkataon na nandun sila. Nagkataon nga lang ba o nananadya talaga ang higanteng ito?

Kakain sana ako ng brunch ko since 11am na at nagugutom na ako. Medyo tinanghali kasi ako ng gising. Kaso, pagkakita ko sa kanya bigla akong nabusog at nawalan na ng gana. Aakyat na nga sana ako ulit kaso, nakita na niya ako.

"Goodmorning IU~~~~" Bati sa akin ni Chanyeol. Ewan ko ba talaga, sa kanilang labingdalawa sa kanya lang ako naiinis. Siguro dahil alam niya yung sikreto ko. 

"Goodmorning IU. Gising ka na pala, kumakain na sila dun sabayan mo na sila. Tapos na kasi kami ni Yeollie." Hindi Lay, tulog pa ako nagi-sleepwalk lang ako. Sa totoo lang, hindi ako ganito kay Lay na mapambara sa isip. Sadyang tinotopak lang ako dahil nandyan si higante.

Ang totoo nga niyan, sa kanilang lahat si Lay ang pinakagusto ko. Ang bait bait, talented, mapagmahal sa fans at pamilya, maalaga, gentleman, humble. To summarize it all, boyfriend material talaga. Kapag inisa-isa ko kasi baka next week pa tayo matapos.

"Mamaya na lang, nabusog ako bigla nung nakita ko si Chanyeol eh." Sarcastic kong sabi kaso iba yung naging dating kay Chanyeol. 

"Kung gusto mo akong makasabay kumain sana sinabi mo na lang para hinintay kita." Humangin ata bigla dito. Kapit ng maigi IU, baka tangayin ka. 

"Oh, anong nangyayari dito?" Sakto namang lumabas si Chen kasama si Kai at Sehun mula sa kitchen. Kakatapos lang ata kumain base na rin sa sinabi ni Lay kanina.

"Wala naman, ipatawas niyo nga yang kaibigan niyo at baka sinasapian na ng kung sinong espiritu. Kung ano ano ang sinasabi eh." Malakas kong sabi para marinig ng maigi ni Chanyeol. With intense feelings para damang-dama niya.

"Ganyan ka ba ka-concerned sa akin? Don't worry, I love you too~~~~~~" Tapos, paulit-ulit na siya sa I love you niya at sinamahan pa ng pag-strum sa gitara niya. Kainis talaga.

Napasabunot na ako sa buhok ko at dun naman nagsilabasan yung natitira pang members ng EXO. "Napo-possess na ba yang si IU?" Narinig kong tanong ni Luhan sa mga kasama niya.

Napasigaw na rin ako sa sobrang inis. Kasalanan ni higante ang lahat ng ito eh. Nagmumukha na tuloy akong baliw sa harap ng mga kasama niya. Baka nakakalimutan niyang pinapatira ko lang siya sa bahay ko at pwede ko siyang palayasin sa bahay ko kahit kailan ko gusto. 

IU, baka nakakalimutan mo na matindi ang kapit niyan? Di ka uubra dyan. Naisa-isip ko. 

"Pare, teka lang naman. Chill ka muna." Nawala lahat ng iniisip ko ng parang narinig ko yung boses ni Sunggyu. 

"Chill lang? Paano ako magchi-chill kung yung girlfriend ko eh may kasamang labindalawang lalaki dito sa bahay niya? At nilihim niyo pa." Ngayon, sigurado na ako na si Sunggyu nga yung narinig ko kanina.

"Sino ba yung nagsisigawan?" Tanong ni Sehun. Kahit kasi papasok pa lang sila L, rinig na namin yung sigawan nila.

"Kasi nga alam namin na ganito ang magiging reaksyon mo." This time si Woohyun naman ang narinig kong magsalita. "Tsaka na muna kayo mag-usap, mainit pa ulo mo eh." Sabi ni Sungyeol.

Nakapasok na sila L sa bahay habang hawak siya ni Sungyeol, Woohyun at Sunggyu. Kaso, wala ng nagawa yung tatlo dahil mukhang ayaw talaga kumalma ni L.

"Uy, Infinite oh!" Amaze na sabi ni Kai at tinuro pa sila. "Pa-autograph naman." Animo'y naghahanap pa ng papel at ballpen si Kai. Hinila naman siya ni Suho atsaka nagsalita, "Akyat na muna kami." Paakyat na sana sila ng pigilan sila ni L.

"No one leaves, mabuti na rin sigurong nandito kayo para magkalinawan tayo." Ma-awtoridad na sabi ni L. Nakita ko pa nainis si Kris at Tao sa sinabi ni L. Knowing the two of them, ayaw nilang inuutusan sila sa dapat nilang gawin. But still, they stayed there.

"Myungsoo naman. Kumalma ka muna, pwede? Walang patutunguhan itong usapang ito kung paiiralin mo init ng ulo mo eh." Bilang leader na rin ng Infinite at pinakamatanda sa kanila, si Sunggyu ang pilit na nagpapakalma kay L.

"Tangina, Gyu. Akala ko ba kakampi ko kayo?" Mas galit na si L ngayon.

"What do you want to talk about?" Ngayon lang ako nakapagsalita. Hindi ko na kasi mapigilang hindi magsalita sa inaasal niya ngayon. Kung siya galit ako naiinis.

"After weeks of ignoring my calls and messages yun lang? Yun na yun? What do I want to talk about?" Nakikita ko sa mata niya yung galit. Tahimik na lang silang lahat. Parang kami na lang nage-exist ni L dito.

"Wow. Really. Sa dami kasi ng kasalanan mo sa akin, di ko alam kung saan ba natin dapat simulan." Then I saw that he calmed down. Naisip niya rin siguro na di lang siya ang may isyu sa akin. Dahil mas marami akong isyu sa kanya kung tutuusin.

"Okay, let's talk calmly." Sa wakas huminahon na siya.

"Why didn't you tell me they are living here with you?" Sabay turo sa EXO.

"Why didn't you tell me you'll have dinner with Suzy that night?" I answered with another question.

"Bakit mo inilihim sa akin? Hindi ko pa malalaman kung di ko sila narinig nag-uusap tungkol dun." Turo naman niya sa mga kasamahan niya. Sila lang apat ang nandito. Hindi ko alam at wala akong balak itanong ngayon kung nasaan yung tatlo.

"Bakit mo inilihim sa akin? Kung di pa kami nagdinner nina Manager Kim at Ms. Genie sa parehong restaurant di ko pa malalaman."

"Baby naman, why are you answering my questions with another questions? Answer me, please." Sabi niya. Though, hindi naman siya galit he is calm actually.

"WHY. CAN'T. YOU. ANSWER. ME?" May diin kong sabi. 

Napabuntong-hininga siya. "Okay, okay. I'm sorry, baby. Nagpapatulong lang naman ako kay Suzy para sa 3rd monthsary sana natin. I want to surprise you. I didn't expect nandun rin pala kayo." After hearing his reason, para akong nabunutan ng tinik. Ikaw naman kasi IU, kung ano-ano iniisip mo. Di ka nga magagawang lokohin ni L.

"Eh bakit kayo umalis nung makita kami?" I asked.

"I was jealous. Because of him." Turo niya kay Baekhyun. "I see him holding your hands tapos narinig ko pa na magda-date kayo on the same day of our 3rd monthsary." 

"Ayan, ang landi mo kasi Baekhyun!" Narinig kong side comment ni Xiumin. Nakita kong sinamaan naman siya ni Baekhyun ng tingin.

"I'm really sorry, baby. I swear, magkaibigan lang kami ni Suzy at nagpapatulong lang ako sa kanya  to surprise you." He started walking near me and hugged me. "I'm really sorry. Bati na tayo please? I miss you." 

I whispered to him, "Apology accepted." Then I smiled. He kissed my cheeks infront of the guys. I blushed. Nakakahiya kasi.

"Now, what will you do to them?" Ininguso niya yung EXO na nasa may hagdan at feel na feel ang panonood sa amin. Parang nanunuod lang ng taping ah. Tutok na tutok.

Nagkibit-balikat lang ako. I don't have plans of kicking them out. Tumutulong lang naman ako. And sa isang linggo at mahigit nilang pananatili dito, wala namang masamang nangyayari so far. Maliban na nga lang sa pangungulit nitong si higante. Well, masasanay rin naman ako sa tingin ko.

"Stop being jealous, okay? Ang paranoid mong boyfriend. Okay na rin siguro yan. Atleast, di mo na kailangan samahan si Suzy para magpanggap na siya yung dine-date mo." Komento ni Sungyeol. Nag-iisip rin naman pala kahit paano itong si Sungyeol eh.

"Okay, okay." Pagsurrender ni L. 

"What are we missing?" Then, I saw Jiyeon together with Luna, Sulli and Krystal.

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon