IU's POV.
"Happy Birthday to you~~~~" Pagtapos namin sa kanta para kay Sunggyu. Kanina pang 7pm nagsimula yung party niya. Isang oras na kaming nagsasaya pero, sabi nga nila ngayon pa lang talaga magsisimula ang kasiyahan.
"Are you okay, baby? Kanina ka pa tumutulong sa mga gawain, why don't you just rest at ako na bahalang magsabi sa kanila kung sakaling hanapin ka." The usual sweet Myungsoo said. Hanggang ngayon I am still wondering kung anong maganda kong ginawa para ibigay siya sa akin.
"Okay lang ba? Wala rin kasi ako masyado sa mood magsaya." Sabi ko sa kanya. Napagod kasi talaga ako sa preparations na ginawa namin kanina. Ako pa nag-supervise gaya na rin ng pakiusap ni Sunggyu.
"Maiintindihan naman nila yun. Puntahan na lang muna natin sila Hyungdon at Defconn hyung bago ka magpahinga." Sila yung sinasabi ko sa inyong nakakaalam sa media. MCs sila ng Weekly Idol.
Habang papunta sa table nung Weekly Idol MCs, nadaan namin yung table ng EXO. They're quiet than their usual noise. Malamang nahihiya dahil hindi rin naman nila ka-close yung iba dito. May mga kumakamusta at bumabati naman sa kanila pero, hanggang dun lang.
Pagdating namin sa table ni Hyungdon at Defconn oppa binati nila agad ako, "IU, ngayon ka lang namin nakita ah. Tinataguan mo ata kami." Sabi sa akin ni Hyungdon oppa.
"Hindi naman, oppa. Pagod lang kasi ako dahil ako namahala sa pag-aayos nitong party." Sagot ko sa kanya.
"As expected from you. This party is actually a blast!" Puri naman ni Defconn oppa.
Nagpatuloy lang kami sa kamustahan. Kinamusta rin nila yung relasyon namin ni L. Nabalitaan rin nila yung pagsugod sa bahay ni L. Nakwento daw ni Sunggyu sa kanila. Ang bibig talaga nung isang iyon hindi mapigil.
Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na kami sa kanila para makapagpahinga na ako. "L, puntahan ko lang muna sila D.O. May sasabihin lang ako." Paalam ko sa kanya.
Pumayag naman siya at sinabing pupunta na lang muna siya sa ka-members niya at dun ko na lang siya puntahan. Dumiretso agad ako sa lugar kung saan ko nakita yung EXO kanina at nakita kong may sarili silang mga mundo.
"Huy, tahimik niyo ata ngayon?" Bati ko sa kanila. Nilingon nila ako at tinitigan lang ako mula ulo hanggang paa. Syempre, dahil beach party ito naka-two piece ako. Nahiya tuloy ako bigla sa titig na ibinabato nila ngayon sa akin.
"Ganda mo, IU." Si Chanyeol ang unang nagsalita. Hindi ko alam kung compliment or sarcastic lang yung pagkakasabi niya nun.
"Tigil-tigilan mo nga ako, kapre." Sa lahat pala ng mga lalaki na nandito, sila lang ang hindi topless. Naka-polo na bright colors sila at naka-board shorts pambaba. Napaka-conservative nila kapag may ibang tao. Samantalang sa bahay akala mo sila lang ang tao at walang kasama sa bahay. Lakas maka-balandra ng katawan eh.
"At kayo, baka gusto niyo mag-party?" Baling ko sa kanilang lahat at isa-isa ko silang tinitigan. "Don't just sit here and watch. You're here to enjoy." They are not what I expect them to be, they are very shy pala sa mga hindi nila kakilala.
Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna ng umalis, "Yun lang naman, mauna na ako. Hahanapin ko pa si L."
Hinanap ko agad kung nasaan yung Infinite. Hindi ko alam kung nakikipag-hide and seek sila sa akin dahil wala akong maaninag na kahit sino sa kanila. Nagtanong na rin ako kanila Jiyeon kung nakita ba nila, ang sabi niya sa akin ay kausap daw nila kanina si Suzy sa may buffet table.
Parang kinabahan ako bigla nung marinig ko yung pangalan ni Suzy. Maaaring tama kaya yung sinasabi ni Jiyeon? But no, sa iniisip ko ngayon parang ginagaya ko na si Jiyeon at pinag-iisipan ko na si Suzy ng masama.
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?