2. IU + Luhan = ♥?

3.3K 103 9
                                    

IU's POV.

"Act natural mamaya. Tabihan mo sila lagi hangga't maaari. And, stay away from him please." Binubulungan ako ni Manager dito sa loob ng dressing room. May mini concert kasi ngayon at magpeperform ako. Magpeperform rin ang EXO pati yung grupo nila.

Mag-isa pa lang ako dito kaya malakas ang loob nitong si Manager eh. Sino kaya yung kasama ko dito? Tapos na kasi akong mag-ayos wala pa rin sila, pa-VIP masyado ah.

"Oo nga Manager, ulit-ulit tayo eh." Sabi ko sa kanya.

Binatukan niya ako. Aruuuuy. Masakit yun.

"Manager naman eh, masakit kaya!"

"Subukan mong ulitin at tatamaan ka ulit sa akin."

♩♪♫♬Eonjengan I nunmuri meomchugil
Eonjengan I eodumi geodhigo♩♪♫♬

Sasagot pa sana ako kay Manager kaso, biglang nagring yung phone ko. Assigned ringtone ko yung kanta kong Someday kay Wooyoung kaya alam kong siya yung tumatawag. Bakit naman kaya tumawag ang isang ito?

"Hello?" 

"IU, nasaan ka ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Nasa dressing room ako ng KBS." Sagot ko sa kanya.

"Mag-isa ka lang ba?"

"Kasama ko si Manager, bakit?" 

"Si ano kasi eh, pinakiusapan ako kung pwede ka daw bang makita." 

Pinapanuod ako ni Manager habang kausap ko sa Wooyoung sa cellphone. Nginitian ko naman siya, alam niyo na para payagan. Sandali lang naman kasi eh.

"Tawagan kita mamaya." Sabi ko saka in-end yung call.

"Anong kailangan ni Wooyoung?" Tanong agad ni Manager. Huhu. Paano ba ako magpapaalam dito? Ang scary niya eh.

"A-ah. A-ano kasi M-manager... gusto kasing makipagkita n-ni..." 

"NAKO, JIEUN! KAKASABI KO LANG WAG KAYONG MAGKITA EH. HIHIRIT KA NA AGAD. PASAWAY KA TALAGA." Sigaw niya sa akin. Huhu. Sorry na. 

"Sige na. Sandali lang naman eh. Promise, mag-iingat na kami." Niyakap yakap ko pa si Manager. Kailangan lambingin para payagan ako.

"LAST NA ITO AH. SABIHIN MO SA KANYA NA DI MUNA KAYO PWEDENG MAGKITA HANGGA'T DI NAMIN SINASABI. MALIWANAG?" Di ako sumagot.

"IU, MALIWANAG BA?" Tumango na lang ako bilang sagot.

Nagmamadali kong tinext na lang si Wooyoung na pumunta sa dressing room ko since wala pa akong kasama dito. Magkasama pala kasi ang 2PM at ang grupo nila sa isang dressing room at kay Wooyoung nga nakisuyo. 

Nasa labas na kami. 

Yan yung huling text ni Wooyoung bago ako nagtatatakbo para buksan ang pinto. Laking gulat ko na lang nang, "This is my girlfriend." May labindalawang naggagwapuhang lalaki ang nasa labas. Nasa langit na po ba ako?

Luhan's POV.

Nagmamadali kaming lahat palabas ng van dahil mala-late na kami sa mini concert. Kanina pa kami sinusundan ng media kaya halos lahat ng schedule namin ay delayed at hindi nasusunod. 

Hinaharangan kasi nila kami lagi at dahil mahal din naman namin ang camera kunwari ayaw naming magpakuha. Pero, todo ayos naman kami bago lumabas lagi.

"BILISAN NIYO!" Sigaw na naman ni Manager. Lagi siyang nakasigaw pero, di pa rin kami masanay sa kanya. Mas wolf pa sa amin yan eh. Tumitiklop kami kapag siya ang kaharap.

Sa totoo lang, wala kaming idea kung saan ang dressing room namin sa dami ng pinto na nandito. Pinatakbo na lang kami basta ni Manager papasok eh. Tapos, naiwan pa siya sa labas. Ang galing niya di ba?

"Saan ba tayo naka-assign?" Tanong ko sa kanila.

"Aba malay." - Kris.

"Dun sa mga may magaganda at sexy." - Kai.

"Wala na bang ibang laman utak mo Kai kundi babae?" - Chen.

"Meron." - Kai.

"Ano?" - Lay.

"Marami pang babae." - Kai.

Napa-sapo na lang sa noo si Lay at Chen dahil sa mga pinagsasasabi ni Kai. Ang hilig talaga sa babae nun. Buti pa kami ni Sehun, loyal sa isa't isa. HunHan 5evs. Di ko siya ipagpapalit kahit -

"WAI FAI." Gusto kong sambahin yung kaakit akit na creation na nandun sa mga pinto. Gusto ko siyang yakapin at halik-halikan. 

"This is my girlfriend." Sabi ko, kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nun ang isang anghel na bumaba mula sa langit. Ngayon, alam ko na kung bakit head over heels si Suho dito kay IU. 

May mga nag-flash naman agad na camera. Uh-oh. Pero, legal ko naman siyang landiin di ba? Di na rin masama. Swerte pa nga eh. Mwahahaha. 

Luhan on the side with girlfriend 'kuno' na si WAI FAI. Hahaha.

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon