12. A day with IU

1.7K 63 8
                                    

IU's POV.

Unti-unti akong nag-inat dahil pakiramdam ko may gumigising sa akin. Naramdaman ko rin ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Gising na siguro sila Yoo In Na.

Pagmulat ko ng mata ko, mukha at boses agad ni Luhan ang nakita ko. "Goodmorning, IU-ssi!" 

Napataklob ako ng kumot sa katawan ko dahil sa gulat ko sa kanya. "BAKIT KA NANDITOOOOOOOOO?" Sigaw ko sa kanya.

And as if on cue, nagsidatingan naman yung labing-isa pang members ng EXO sa kwarto ko.

"Bakit ka sumigaw IU?" - Suho.

"Luhan hyung, bakit ka nandito?" - Lay.

"Hyung, anong ginawa mo sa kwarto ni IU?" - Kai.

"Taksil ka Lulu!" - Sehun.

"Layuan mo si IU ko." - Baekhyun.


Natigilan naman silang lahat sa pagsisigawan at humarap kay Baekhyun. "Anong IU KO ang pinagsasasabi mo dyan?" Sabi sa kanya ni Suho.

"Walang sayo Baekhyun!" - Luhan.

"Akin lang si IU ko." - Kai.

"Tss. Corny mo." - Kris.

"Itulog mo na lang yan Jongin." - Chanyeol.

"Push pa, moreeeeee!" - Chen.

I find them all weird but, I find them funny as well. Natawa na lang ako tapos nakita ko na lang lahat sila nakangiti. After naming magtawanan at magngitian, "Tara, kain na tayo ng breakfast!" Yaya ko sa kanila.

Maaga sigurong umalis yung 3 dahil busy.

"Sige ba. Gutom na ako eh. Gusto mo ba ng hotdog ko?" Tanong ni Kai na nagpatindig sa balahibo ko.

"JONGINNNNNNN!" Sigaw nung labing-isa niyang kasama.

"Hindi na kayo naawa sa akin, anong klase kayong mga hyung?" Angal pa rin ni Kai habang pababa kami ng hagdan habang hawak yung mukha niyang namamaga dahil sa suntok ng ibang ka-myembro niya.

"Ikaw hindi ka ba naawa kay IU? Balak mo pa siyang pakainin ng sunog mong hotdog." Sabi ni Chen. Gusto ko na lang mapa-face palm dahil sa kanila. Hindi pa rin pala sila tapos sa usapang hotdog na yan.

"Tumigil na nga kayo." Buti na lang nandyan to the rescue ang leader nila.

"Guys, bad news." Sabi ni D.O na kalalabas lang mula sa kusina. Nauna kasi sila ni Chanyeol na bumaba para magluto ng breakfast. 

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ubos na kasi yung stock mo ng pagkain. Dahil sa mga niluto ko kagabi, napadami ata wala na tuloy kaming maluluto ngayon." Nakita ko yung malungkot na mukha ni D.O. Gusto ko rin tuloy malungkot dahil sa itsura niya.

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon