21. Welcome to the Philippines

1K 65 12
                                    

IU's POV.

"Hoy kapre, bilisan mo nga dyan!" Sigaw ko kay kapre habang palabas na kami ng airport. Ang bagal-bagal niya kasing maglakad.

Nakita kong walang ingat niyang hinihila yung maleta ko, "Pwede ba, ingatan mo nga yang gamit ko." Sabi ko pa sa kanya. Tsk. Mahal kaya mga gamit ko.

Napansin ko pa siyang bumubulong habang inaayos yung paghila sa maleta ko. Am I being too harsh on him? Napaisip ako bigla.

Agad ko siyang nilapitan at maayos na kinuha yung gamit ko sa kanya at parang nagulat pa siya sa ginawa ko. "Ako na, naaawa naman ako sayo." I told him. 

Narinig ko siyang bumulong, "Marunong ka rin naman palang maawa." Akala niya di ko siya narinig ah. Pero, sige. Just this once papalagpasin ko siya.

Nakalabas na kami ng airport at agad na sumalubong sa amin ang mainit na panahon at ang tirik na tirik na araw. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kainit na panahon. Agad kaming sumakay dun sa taxi dahil baka mamaya may makapansin sa amin. Effective rin pala ang sunglasses disguise namin.

Nung nakasakay na kami, sinabi ko dun sa driver na sa Shangrila Hotel kami dalhin. Nag-research kaya ako! Tahimik lang kami pareho ni kapre dito sa loob ng sasakyan. Tapos, traffic pa! Mukhang matatagalan pa kami dito ah.

Buti na lang din pala walang nakakilala sa amin kanina sa airport. Ito namang si manong driver, mukhang di kami kilala kasi medyo may katandaan na nga naman.

Kanina pa tawag ng tawag sa akin yung si manager, kaya binuksan ko yung likod ng phone ko, tinanggal ang battery at itinapon sa loob ng bag. 

"Bakit ba di mo na lang sagutin yung tawag ng manager mo? Nag-aalala lang din yun sayo." Sabi ni Chanyeol pagkatapos kong ibato sa bag yung phone. Nakasandal siya sa upuan ng kotse at nakapikit. Pareho kaming sa backseat nakaupo. Kaya ang sikip eh, may katabi akong kapre!

Hindi ko na lang siya inimik. Hindi na ulit kami nag-imikan buong byahe. Halos isang oras rin siguro kami inabot papunta sa hotel. The traffic in the Philippines is really extreme! Iaabot ko na sana yung bayad sa taxi ng makita kong si Chanyeol na ang nagbayad. Siya rin nag-unload ng maleta namin at siya rin nag-hila.

At least, he is proving that he really is a gentleman.

Nagulat kami kasi ang daming tao sa labas ng hotel. Parang mga fans na nag-aabang. Could it be that they know we are here? Nagdire-diretso na lang kami ng pasok para kunwari wala lang.

Nasa pinto pa lang kami papasok ng hotel, binati na agad kami ng mga guards. Nag-bow din naman kami agad. Nung makapasok kami, nakahinga kami ng maluwag. Hindi kami yung hinihintay nila. Meaning hindi pa nila alam na nandito kami ngayon sa Philippines.

The hotel staff were all good to us. Binabati kami and naka-smile silang lahat. We are feeling at ease because of that. 

"Goodafternoon ma'am and sir. How may I help you?" Bati sa amin nung receptionist.

"We'll get a room." Si Chanyeol na ang sumagot. Tutal, siya naman ang mas magaling mag-engrish sa amin. I do understand them naman, pero when it comes to speaking medyo sablay ako. Blame my tongue!

"Shall I check you in, in our Luxury Romantic Hotel Room?" Lumaki agad yung mata ko sa narinig ko.

[A/N: Gawa-gawa ko lang yung Luxury Romantic Hotel Room. Hahaha.]

"NO. NO. WE ARE NOT COUPLES. ME, HIM, NOT TOGETHER." Ako na ang sumagot, kahit mali-mali grammar at pronunciation ko wala akong pakialam.

"Really? I thought you are. You really look good together ma'am and sir." Sabi pa nung receptionist.

Tinitigan ko si Chanyeol para humingi sana ng tulong para mag-explain. At ayun, tumatawa lang siya. Peste, tuwang-tuwa pa. Siguro gusto rin niya, may crush siguro siya sakin. Tsk. Tsk. Tsk.

"But, sad to say ma'am and sir we only have one room left and that is our Luxury Romantic Hotel Room. We are fully booked until weekend. 2NE1 is having a concert this weekend and they checked in in this hotel. Some fans checked in here as well." Explain sa amin. 2NE1? Sila Dara unnie? 

SILA SIGURO YUNG HINIHINTAY NUNG MGA FANS SA LABAS.

Lumapit sa amin yung receptionist at bumulong, "If I were you, I'll get the room. It is right next to Dara's room." 

"We'll get it!" May halong excitement sa boses ni Chanyeol.

"Here's the key ma'am. Just call whenever you need anything." Abot sa amin nung staff na naghatid at  tumulong sa aming mag-akyat ng mga maleta namin. 

Malaki yung kwarto. May sariling kusina, banyo, dining area, sala at syempre bedroom. Yung kulay ng kwarto, classy tignan. Beige yung kulay ng walls tapos yung mga gamit mostly white.

Yung bedroom agad ang pinuntahan ko para i-check. Baka sakaling may himalang mangyari. Pero, as expected, isang malaking kama lang ang meron sa bedroom.

"OH, PAANO TAYO NGAYON MATUTULOG NIYAN? ANG GALING KASI EH." Paninisi ko kay Chanyeol na nakasunod pala sa akin. Umupo siya dun sa gilid ng kama.

"Ano pa nga ba, dun ka sa couch, ako sa kama. Tapos." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Yung totoo? Hahayaan niyang matulog ang isang baba sa sala? Binabawi ko na yung sinabi ko sa kanya, di siya gentleman.

"AT BAKIT? SINO KA PARA IKAW ANG MAGDESISYON NIYAN?" Sigaw ko sa kanya habang nakapameywang sa harap niya.

Tumayo siya at kitang kita ko ngayon kung gaano kalaki ang tangkad niya sa akin. Akala naman niya matatakot ako sa kanya? No way! "Ako lang naman ang nagbayad para sa kwartong ito. Are we done now?" 

Naglakad siya at nilagpasan lang niya ako. BWISIT TALAGAAAAAAA!

Little did IU know, Chanyeol made a satisfied smirk after walking past her. And he said in his mind, "Sarap talagang asarin nung bulinggit na yun." 

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon