5. Suzy

2.4K 74 3
                                    

IU's POV.

"What is this all about?" I asked her. Curiosity's killing the hell out of me.

 

"It's about Suzy."

"What about her?" I asked habang yung kanang kilay ko ay nakataas.

"I'm not saying this para siraan siya sa iyo, okay? Alam mong hindi ko talaga siya gusto noon pa man." She told me.

"Just get straight to the point." Nambibitin pa siya eh.


"I think she's trying to steal Myungsoo from you." Seriously? Ano na naman bang naiisip niya at naiisip niya ang mga ganyang bagay?


Alam kong hindi niya gusto si Suzy pero, kailangan ba talagang umabot sa ganitong punto? For pete's sake, Jiyeon is my bestfriend at kaibigan ko rin naman si Suzy.


I don't think magagawa ni Suzy sa akin yun. Ang bait nga niya atsaka tinutulungan niya kami ni Myungsoo itago yung relasyon namin.


"Nauntog na naman ba yang ulo mo sa kung saan nung pagalitan at batukan ka ng Manager niyo kanina?" Natatawa ko na lang na sabi sa kanya.


"Akala mo ba nagjo-joke ako? Pinag-iingat lang kita. Lalo na't pinapalayo ka ni Manager Kim ngayon kay Myungsoo at pinagfo-focus ka sa EXO." Seryoso niyang sabi. Minsan lang siya magseryoso at alam kong isa ito sa mga minsang iyon.


"She's helping us and she's nice. Siya pa nga nakaisip na palabasin na sila ang may something ni Myungsoo para mapagtakpan yung amin." Pagpapaalala ko sa kanya.


"Yes, she's helping but that doesn't mean she's nice. And you know what creeps me out the most? Yung siya pa talaga nakaisip at magpresinta sa set up niyo." Parang may pilit na ipinaiintindi si Jiyeon sa akin.


"Let's just don't doubt her, okay?" I just told her to end this conversation.



"Ewan ko sayo, IU. Inaagaw na yung boyfriend mo at lahat di mo pa rin alam." Atsaka siya uminom ng juice na dinala kanina sa amin ni Manang.


Should I believe her and mag-ingat kay Suzy? Wala namang mawawala di ba?

Ilang sandali pa'y nagsalita na ulit siya, "Oh eh di napaisip ka ngayong bakla ka! Di ka na rin naman lugi sa EXO. Sila pa nga lugi sayo eh." Ipaalala niyong papaslangin ko siya mamaya.

Tuloy lang siya sa paglamon. Hindi niya ata pansin na kung nakakamatay lang ang pagtitig kanina pa siya bumulagta diyan. Paano ko ba siya naging bestfriend.

"Ako na ba magkukwento kay Luna at Yoo In Na tungkol sa panlalandi mo?" Bigla niyang tanong. Wow, first time niya atang magtanong?

Most of the time kasi... let me correct myself. Palagi niya kasi akong inuunahan magsabi sa kanila. Bakit pa daw ba kasi papatagalin kung pwede ng sabihin ngayon? Kaya ayun. Ganda ng logic niya di ba?

Niyaya na lang niya akong lumabas. Gusto daw kasi niya bigla ng bubble tea. Pumayag naman ako kasi ililibre niya ako. Friends with benefits syempre.

Laking gulat ko ng makita ko yung yellow Ferrari F430 Spider na nakaparada sa labas ng bahay ko. Don't tell me?

"Ikaw magda-drive?" Gulat kong tanong. Di niya ako sinagot ngunit ngumiti ng pagkatamis tamis sa akin. I don't like this idea. 

Garapal magmaneho si Jiyeon. Kaya ayaw na ayaw kong sumasabay sa kanya tuwing lalabas kaming apat. Ako lang kasi ang hindi nagdadrive sa aming apat. Takot kasi ako.

"NO! I won't ride that car with you." Madiin kong sabi. Nung huli kasi akong sumakay diyan muntik na akong mamatay. Nakaka-trauma.

"Akala mo naman gustong gusto ko yung idea na isinasakay kita kay Spidey." Singhal niya. Spidey ang tawag niya sa kotse niya. Di ko alam kung bakit kailangan pa niya bigyan ng pangalan. 

Matagal pa akong nakipagtitigan sa kanya dahil wala talaga akong planong sumakay sa kotse niya kung siya ang magda-drive. Never as in ever.

"Forever na lang ba tayo magtititigan?" Halatang naiinip na siya. 

Unti-unting lumapit sa akin si Jiyeon. Hinawakan ang kamay ko at binuksan ang pinto ng kotse niya. Bakit ba ang lakas ng babaeng ito at nagagawa niyang gawin sa akin ito ng walang kahirap-hirap?

Pilit akong nagpupumiglas. Eh kaso, halimaw siya.

Itinulak niya ako sa loob at napaupo ako. Mabilis niyang isinara yung pinto sa shotgun seat atsaka nagmamadaling pumasok sa driver's seat. Ayoko pa pong mamatay na virgin. Napakapit na lang ako sa upuan ko ng mahigpit.

Pinaharurot na niya si Spidey. Naka-above maximum speed siya. Paano ba nakakuha ng lisensya ang isang ito? Para siyang nakikipagkarera at may hinahabol. Ang daming oras, di naman kami nagmamadali. Jusko.

Naramdaman kong tumigil na si Spidey. Nakapikit pa rin ako at nakakapit dala ng sobrang takot. Sigurado ako tinatawanan ako ni Jiyeon dahil sa itsura ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Lumabas na siya malamang. How thoughtful of her di ba?

Di na ako nag-aksaya pa ng panahon at lumabas na rin ako. Pumasok na ako sa loob ng Cofioca. Hinanap ko agad si Jiyeon only to find out nandito rin pala ang EXO. Ayun si Jiyeon at gumagawa ng moments with them.

Di man lang niya pinansin yung mga tao na kumukuha ng pictures sa kanila.

Wala pa nga ata siyang balak na pansinin ako dahil busy siya sa kanila. Nakatayo lang ako at naghihintay sa kanya. "IU, ano bang order mo?" Sigaw niya mula sa counter na medyo may kalayuan sa may pinto.

Napalingon na silang lahat at sa akin na nabaling ang atensyon niya. Uh-oh. Thank you Jiyeon ah, thank you!

Ang tagal ng KBS Gayo Daejun. ExoU moments please?

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon