IU's POV.
They are all smiles now after hearing what I said. Masaya rin ako kasi mukha na ulit silang mga tanga at siraulo. Mas bagay kasi sa kanila yung ganito.
Papunta na kami ngayon sa bahay ko at nakikita kong excited sila. Ihahatid kami ni Manager Kim, Ms. Genie at nung tatlo. The three girls will be staying over at my house just for tonight. Natakot ata sa pwedeng gawin sa akin ni Jongin.
Now that they mention it, first time nga nilang matutulog dun. At kung di pa dahil sa mga lalaking yun di pa sila makakaexperience. They are actually planning to stay at my house kasama ng EXO dahil wala daw silang tiwala lalo na kay Kai.
I still haven't decided on that. Bahala na muna. I trust the 12 boys naman.
"May mga gamit pa ba kayong nasave?" I asked them mula sa harap. Katabi ko kasi si Ms. Genie dito sa shotgun seat. Si Manager Kim ang nagdadrive. Good thing, van ko ang dinala namin kanina.
"Wala maliban kay Ace na pinasok pa talaga ni Kris. Nagshoshoot kasi kami para sa EXO Showtime kaya walang tao sa bahay nun." Si Suho yung sumagot. Kung titignang mabuti, this guy really has it all. Wait, hindi ito ang oras para i-check out siya.
Hindi naman ako manhid para hindi mahalatang fanboy ko si Suho. I'm aware of that. I'm thanking him secretly for that but, I'll never admit it. Ayokong umasa siya, ayokong makasakit. Ulit.
"Mabuti na rin pala na wala kayo nung nangyari at walang nasaktan sa inyo." Comforting kong sabi. Sana lang ma-comfort ko nga sila.
Yung tatlong babae natutulog sa dulong upuan at napapagitnaan ni Tao at Kris.
Si Lay, Xiumin, Chen, D.O. at Chanyeol naman ang magkakatabi na himalang mga tahimik. Hindi naman sila mga tulog. Parang mga tulala lang at nakatitig sa kawalan. Pero, okay na sila sa palagay ko. Pagod lang siguro.
Sa likod namin nakaupo si Suho, Luhan, Sehun, Baekhyun at Kai. Nagbubulungan silang lima at wala ako idea kung tungkol saan.
Kapag talaga pinagsama-sama mo yang limang yan parang laging nagtsitsismisan. Kakayanin ko nga bang tumira sa bahay kasama sila?
Lahat sila amaze na amaze sa bahay ko. Kitang kita sa expression sa mukha nila eh.
"Grabe, ang laki pala ng bahay mo IU." Mangha pa ring sabi ni Lay.
"Hindi naman bahay ito eh, mansion." Sabi ni Chen na ikinatawa ko. Tinakpan ko ng kaunti ang bibig ko para di nila marinig.
Si Chanyeol at Luhan kahit di nagsasalita alam mong masaya at amaze rin dahil sa eye smile nila.
Si D.O. di ko sigurado kung namamangha rin ba siya o normal na lang talaga na ganyan siya. "Saan yung kitchen dito?" Tanong agad niya. Tinuro ko naman yung pinto malapit sa hagdan at tinanung niya ako kung pwedeng tignan, um-oo naman ako.
Kasama niya si Kai at Xiumin na nagpunta dun. Since kasama si Xiumin, alam mo ng pagkain ang ipinunta nila dun.
Napalingon ako sa likod ko at nakita si Baekhyun, Suho, Chanyeol at Kris na nagtutulakan. Ano namang trip nitong apat na ito? Nababaliw lang?
"Spill it." Tipid kong sabi sa kanila.
Itinulak nila si Kris paharap. Napayuko siya. Hinintay ko na lang siyang magsalita. "Gusto kasi naming magpasalamat sa pagpapatuloy mo sa amin dito ng walang kapalit." Sabi niya.
"Sinong nagsabing walang kapalit?" I told them. Pero, joke lang naman. Gulat yung expression nila. Gusto kong matawa sa itsura nila ngayon.
"Joke lang!" Atsaka na ako natawa. Naka-hinga na rin sila at nakitawa na rin kasabay ko.
BINABASA MO ANG
Seducing EXO (EXO & IU)
FanfictionAng pinaka-malanding kwento ng taon. Sinong mag-aakala na ang mga taong dapat sana'y lalandiin mo ay sila pang nanlalandi sa iyo ngayon? Magpapatukso ka ba kung labindalawang nag-gagwapuhang lalaki ang manlalandi sayo?