13. Reunion with Jonghyun

1.6K 66 1
                                    

XIUMIN's POV.

Hello sa inyo. At dahil nasa grocery kami ngayon, POV ko muna ang gagamitin ni author-nim sa chapter na ito dahil usapang pagkain ito at sa tingin niya ako ang pinaka-angkop na magnarrate ng mga mangyayari.

Nagpunta kami sa malapit na mall para doon mag-grocery. May mga taong nakapalibot na sa amin dahil nakilala na nila kami. Ang hassle tuloy. Tapos, di pa ako nakakain ng maayos kanina kasi ang daming nakatingin sa amin. Nakakawalang gana. Dapat di ko na lang sila pinansin. 

"Mukhang hindi ata magandang idea ang mag-grocery tayo ah." Sabi ni D.O na pilit pinapaliit yung mata para daw di siya makilala. 

"Sorry, dapat naisip ko agad na ganito ang mangyayari." Malungkot na sabi ni IU. Nakatingin kaming lahat sa kanya at lahat kami nalungkot din nung makita siyang ganun. Domino effect yung nangyari.

"Hindi, okay lang. Di rin namin naisip yung consequences kaya nagkaganito. Pare-pareho lang tayong na-excite sa idea." Sabi ni Baekhyun sa kanya. Ito na naman siya. Nagpapagood shot kay IU. Di ko nga rin maintindihan dito kay Hyunnie gustong gusto na niya si IU bigla.

Iba kasi ang alam kong gusto ni Baekhyun at hindi si IU yun. Ang alam kong may gusto sa kanya eh si Suho. Pero, baka nga naglilihim lang sa amin si Baekhyun at siya nga talaga yung nasa news article na kasama ni IU.

Napangiti na si IU nung marinig yung sinabi ni Baekhyun. Parang magic words yung mga sinasabi ni Baekhyun kasi automatic ng napapangiti si IU sa mga sinasabi niya eh. Nakita ko naman si Suho na parang nainis na nakita. Wala, naunahan na naman eh.

Binilisan na lang namin yung paggo-grocery para matapos na kaming agad. Hinati na namin yung listahan nung mga bibilhin tapos kanya-kanyang dampot ng mga gusto at after 30 mins tsaka kami magsasama-sama ulit.

Nahati kami sa tatlong grupo. Yung dalawa may apat na members tapos yung isa lima. Ito yung magkakasama sa grupo:

1st: Chen - Luhan - Sehun - Lay

2nd: Tao - Kris - Kai - D.O

3rd: Ako - IU - Baekhyun - Suho - Chanyeol

Naghihiwalay na kami at nagsimula ng pumunta sa meat section. Kami kasi ang naka-assign bumili ng mga meat kasi malamang nasa meat section kami. Kumuha si IU ng push cart at siya ang nagtulak. Hindi rin naman nagtagal ay nilapitan na siya ni malanding Baekhyun at tinulungan magtulak.

Nakita kong namula si IU at magkatabi sila habang nagtutulak nung cart.

"Naunahan na naman ako ni Baekhyun!" Irritadong sabi ni Suho. Nasa likod lang nila kami at nanunuod sa ginagawa nila.

"Sabi ko sa inyo eh, baka sila nga kasing dalawa." Sabat naman ni Chanyeol sa usapan.

"Anong pinag-uusapan niyo dyan?" Sigaw ni IU sa amin. Medyo malayo na kasi yung distance nila sa amin.

"Wala, wala. Namimili kasi kami kung anong mas masarap na hotdog dito." Palusot ko sa kanila. Anong magagawa ko, pangit mang pakinggan nandun kasi kami sa tapat ng mga hotdog kaya yun lang ang acceptable reason.

"Sige, kayo na lang bumili nung nasa listahan titingin na lang kami ng mga pwedeng idagdag." Sabi ni Suho. If I know, gusto mong sumama sa kanilang matanda ka at paghiwalayin silang dalawa.

"Sige." Masayang sabi ni Baekhyun at halatang tuwang-tuwa sa sinabi ni Suho.

"Aaaaaaah! Gusto ko talagang hilahin palayo si Baekhyun kay IU." Nagpipigil na sabi ni Suho. Gusto kong matawa sa kanya kaso baka masapak ako ng wala sa oras.

"Idaan na lang natin sa pagbili ng pagkain ang pagkainis mo, okay?" Suggest ko. Hindi na rin sila umangal pang dalawa.

At kung kailan naman kami nage-enjoy sa ginagawa namin atsaka lumapit yung dalawa, "Guys, nagmamadali kasi si IU pinapapunta daw kasi siya ni Luna sa SMEnt building."

"Sige tapos na rin naman kami. Text ko na lang yung iba." Sabi ni Yeollie.

Buti na lang at tapos na rin yung dalawa pang grupo at sabay sabay na kaming nagbayad. Hati-hati kami sa bayad pero si Suho muna ang nagbayad gamit ang kanyang mahiwagang card. Habang palabas na kami tumunog yung phone ni Suho.

"Hello?" Sabi niya nung pagkasagot niya.

"Ngayon na po?"

"Sige po." Atsaka niya binaba ang phone niya.

"Sino yun?" Curious naming tanong.

"Si Manager pinapapunta tayo sa company building." Sabi niya.

"Bakit daw?" Tanong ni Lay.

"Hindi ko rin alam eh. Basta pumunta na lang tayo. Tamang-tama sabay na tayo pumunta IU." Sabi ni Suho at ang lapad ng ngiti.

Tinitigan namin siya ng napakalalim, "Baka ibig mong sabihin eh sabay sabay na tayo." Pagcocorrect ni Kai sa kanya.

"Oo, yun nga sabi ko." Tapos tumalikod si Suho at nakita kong bumulong siya ng, "Panira ka talaga ng diskarte Jongin!" Nagpipigil na naman ng inis.

Nag-taxi ulit kami pauwi ng bahay para ibaba at ipasok sandali yung pinamili namin atsaka pumunta sa agency. Si Yeollie ang nagbayad sa taxi na sinakyan namin. Yung grupo kanina sa paggo-grocery yun pa rin ang magkakasama sa taxi. Ang sikip tuloy namin.

"Dito na lang ako. Hintayin ko na lang si Luna dito. Matatapos na siguro yun sa practice nila." Sabi ni IU sa amin. Ayaw niya kasing umakyat dahil nahihiya daw siya.

"Wag ka nang mahiya. Tara na." Hinila na siya ni Baekhyun papasok ng building. Sumunod na kami. Pinagtitinginan kaming lahat lalo na si IU at Hyunnie dahil sa hawak ni Baekhyun ang kamay ni IU. Parang eksena sa isang pelikula nakikita ko.

Mas nagulat din siguro sila na makita na si IU ang kasama ni Baekhyun. Remember the issue? Yes, kalat din dito sa agency yun. Naghintay kami ng elevator paakyat at nung makapasok na kami dun lang kami nakahanap ng kapayapaan. 

Lumabas na kami sa floor na pinagpapractisan namin. Palabas na ang f(X) ng makalabas kami at kasama nila ang SHINee.

"Oh IU, kasama mo pala members ng EXO." Sabi ni Luna sa kanya nung makita kami. 

Tumango na lang si IU bilang sagot siguro nahihiya pa rin.

"IU, it's good to see you again." Sabi ng isang pamilyar na boses, walang iba kundi si Jonghyun.

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon