8. Dinner Date

2K 64 11
                                    

IU's POV.

Habang palapit sila hindi ko maiwasang ayusin ang sarili ko. Nakakahiya naman sa kagwapuhan nilang lahat eh. I started brushing my hair using my fingers. Baka kasi mamaya buhaghag pala.

Nang makarating na sila sa table ay agad nilang binati si Ms. Genie.

"Wassup, Manager!" - Chanyeol.

"Hey, yo!" - Kris.

"Sexy natin ngayon Manager ah. Pa-kiss nga!" - Kai.

Bakit ka ganyan Kai? Ang landi mo kahit kailan.

Nakita ko naman si tandang Kim na nangungunot ang noo. Nagseselos lang yan. Akala mo naman kinagwapo at kinabata niya yun. Syempre, atin-atin na lang yung sinabi ko dahil lagot ako panigurado.

"Ikaw Kai ah!" Sita naman sa kanya ni Ms. Genie.

Hindi ko alam kung di ba alam ng EXO na nandito rin kami at sadyang di lang nila kami napapansin or talagang wala lang silang pakialam na nandito kami.

And as if on cue, may isang gwapong bakla ang umupo sa tabi ko at nagsalita, "Tabi tayo ah!" Nakangiti niyang sabi. Pasapak sa kanya please? Para mabawasan ng konti ang kagwapuhan.

Tumango na lang ako dala ng sobrang pagkabigla.

"Langya! Ang bilis ni Baekhyun." - Chen.

"Baekhyun, alis dyan! Si IU gusto kong katabi." - Kai.

"Lulu, hayaan na natin thila dun tayo sa thulok umupo." - Sehun.

"Wow, Kris hyung, may Gucci bag siya. Yan yung nasa latest collection nila. Gusto ko rin siya katabi." - Tao.

Napansin ni Tao yung bag na gamit ko. Yung Gucci bag na regalo kasi ni Myungsoo ang gamit at dala ko ngayon. Baka kasi sabihin niya di ko ginagamit eh.

Nagulat naman ako kasi may mukhang bumalandra sa gilid ko, "Baozi, gusto mo?" Ang cute cute ni Xiumin.

"Asan ba tayo? Akala ko sa dorm tayo pupunta?" - Lay.

Napapa-face palm na lang kaming tatlo nila Manager sa kakulitan nila. Kulang na lang ibalibag nila si Baekhyun mapaalis lang siya sa upuan niya.

"Di ko lubos maisip na mas matinik pala si Baekhyun kaysa kay Kai." - D.O.

"Ako dapat dun eh." - Suho. Nakapout pa si Gramps.

"Wala na tayong magagawa, naunahan tayo eh. Sa susunod, bilis-bilisan natin." - Luhan.

"Bakit ka ganyan, Lulu? Thabi mo ako lang. Ngayon gutho mo na rin thiya?" - Sehun.

"Di ba pwedeng dalawa na lang kayo?" Malandi ka Luhan. Tsk.

Pero, sabi sa inyo, mabubuwag ko na rin ang HunHan eh. Ano na bang isusunod ko? TaoRis? BaekYeol? KaiSoo? Mehehe.

Nagkanya-kanya na sila ng upo gaya ng sinabi ni Luhan. Natuloy sa pag-aaway ang HunHan kaya magkahiwalay sila.

Sa kanan, ganito ang pagkakasunod nila simula sa pinakamalapit kay kay Ms. Genie: Manager, Suho, Tao, Kris, Chen, Lay, Sehun.

Sa linya naman namin ito ang pagkakasunod sunod: ako, Baekhyun, Kai, Luhan, Xiumin, Chanyeol at D.O.

Tinawag na ni Ms. Genie yung waiter atsaka siya na ang umorder ng pagkain naming lahat. Di kasi kami makapagdecide kaya kung ano na lang oorderin niya yun na rin sa amin. 

Isang complete course set ng meal ang inorder niya para sa aming lahat.

Magkakausap silang lahat at nagkakamustahan. Habang kaming dalawa naman ni Baekhyun may sariling mundo. 

May iniabot siya sa aking papel na nakatupi. Binuklat ko naman at binasa.

Saan ka ba galing?

Tumingin ako sa kanya with a confused look. May iniabot ulit siyang papel at ganun ulit ang ginawa ko.

Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?

OMG. Pwedeng kiligin? Jusko po! Sigurado ako namumula ako ngayon. 

"Jieun." Tawag niya sa totoong pangalan ko. Bakit kapag iba ang nagbabanggit normal lang? Pero, kapag siya na iba na yung speed ng puso ko. Triple.

Napatingin silang lahat kay Baekhyun. Lahat may pagtataka sa mga mukha nila. What the eff. Ano bang sasabihin niya?

"Pwede ka bang yayain magdinner sa Monday?" Tanong niya. Nalaglag ang panga naming lahat sa sinabi niya.

"I object!" Sigaw ni Suho sa kinauupuan niya.

"I second the motion!" Dagdag pa ni Chen.

"Ang landi landi landi mo Baekhyun! Di ako papayag na may mas malandi pa sa akin." - Kai.

"A-ano." Mahina kong sabi. Di ako makasingit sa kanila kasi nagsisigawan silang lahat.

"PWEDE MAGSITIGIL KAYONG LAHAT?" Sigaw sa kanila ni Ms. Genie kaya napatahimik silang lahat. 

"Hindi pa nga pumapayag si IU eh. Akala niyo naman ang gagwapo niyo?" Dagdag pa ni Ms. Genie.

"EH GWAPO NAMAN TALAGA KAMI AH!"  Sabi nilang lahat. Okay, sila na po mayayabang. Biglang humangin dito sa loob.

Tumingin muna sa akin si Ms. Genie atsaka nagsalita, "Let her decide first. Wag niyo siyang i-pressure, okay?" I thanked Ms. Genie in my mind. Mamaya na ako personal na magpapasalamat.

Magsasalita na sana ako ng mapatingin ako sa pintuan nang bumukas, Makikita kasi mula sa upuan ko yung pinto. Nakita ko yung pamilyar na figure ng isang babae at lalaki na pumasok.

Naglakad sila sa katabing upuan namin na para sa dalawang tao. I looked closely and I was right. Si Myungsoo at Suzy.

Bakit sila nandito? At isa pa, bakit hindi nila sinabi sa akin na lalabas silang dalawa? I'm still the girlfriend right? Tama nga kaya yung sinasabi ni Jiyeon at Manager Kim sa akin?

"Uy si Suzy!" Medyo napalakas yung pagkakasabi nun ni Chanyeol kaya napatingin rin yung iba sa tinuturo niya. Mukhang narinig rin siya ni Suzy at Myungsoo kaya napatingin sila kay Chanyeol.

The two of them looked at everyone and when his eyes met mine his eyes literally got big. Maybe, he wasn't expecting to see me. With them.

"Totoo pala yung balita na nagdadate si Suzy at Myungsoo." Sabi ni D.O.

"Swerte ni Myungsoo, ganda ni Suzy eh." Gusto kong patayin si Luhan sa sinabi niya! Mas maganda ako. Peste.

Hinila naman ni Suzy si Myungsoo at naglakad palapit sa amin. 

"IU, it's nice to see you here." Bati ni Suzy sa akin at nakipagbeso pa. 

Lumapit naman siya kay Manager Kim at kinamusta rin ito. Nakatayo lang si Myungsoo sa gilid ko. I lowered down my head. Ayokong makita siya. Naiinis ako sa kanya. Palabas lang naman ang lahat dapat di ba? Pero, bakit parang totohanan na yung kanila?

I felt a hand holding mine. Napalingon ako sa kinauupuan ni Baekhyun. It's his hand. I want to cry right now. Baka kasi makita ni Myungsoo at kung ano ang isipin.

"So, I won't take no as an answer. Sa Monday magda-date tayo ah!" He said. Enough para marinig ng lahat. Di na kami lahat nakareact.

"Suzy, tara. Lipat na lang tayo ng restaurant. Nawalan na ako ng gana dito." Sabi ni Myungsoo. He dragged Suzy palabas ng restaurant.

"Problema nun?" Tanong ni Sehun.

"Baka nate-threaten sa kapogian natin?" - Lay.

"Andyan na yung pagkain, pabayaan na natin! Kumain na lang tayo." - Xiumin.

Seducing EXO (EXO & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon