Pov Alexa
It's Christmas eve!!! Naalala ko pa nung bata palang ako eh naniniwala pa ako kay santa claus kaso nung nag grade 2 ako hindi ko na pinaniwalaan ang mga haka haka nila. Ang alam ko lng ay ang santa claus ng buhay ko ang daddy ko!!
"Sana ako ang iniisip mo " napalingon ako sa likod nung may nagsalita sa likod ko. I smiled at him. At first things let's say..... it didn't start so well but look at us now, kulang nalang ata langgamin kami dahil sa kasweetan namin. Weird and cheesy...yeah I know I know.
"I'm thinking about Christmas. Ba't naman kita iisipin??" Tanong ko. Dito kami magcecelebrate ng Christmas tapos kapag new year sa kanya kanya kaming pamilya magcecelebrate.
"Hoy Kayong dalawa diyan! Mamaya na kayo magloving loving! Tumulong kaya kayo sa pagaayos ng pagkain!!" Parehas kami napalingon ni Xander kay Zoe na binungangaan kami. Napa'tsk' si Xander. Ahahahah yan kasi ang landi landi pfft!
Nilahad ni Xander ang kamay niya sakin. Tinanggap ko yun at sabay kaming pumunta sa kusina para tumulong sa preparations. Lahat kami masaya dahil magkakasama kaming magcecelebrate ng Christmas, who wouldn't? Makasama mo ang taong mahal mo sa pasko is enough.
"Naalala ko nun! Puro bangayan yang sina Zoe at Marcus pero naging mature sila!" Sabi ni Kim habang nakatingin kina Zoe at Marcus. Yep they became mature. Nagulat na nga lng kami na isang araw ni hindi sila nagaway.
Napansin ko si Yanna na mukhang naiinis. Ano nanaman kaya problema ng babaeng yan. Dalawa lng naman ang pinoproblema niya eh, its either Lovelife o Studies. Mag-minimynimo ka lng sa dalawa pero sa tingin ko Lovelife ang problema niya kasi pati si Ethan nakakunot ang noo eh.
May mabigat na pumatong sa shoulder ko kaya napatingin ako. Si Xander lng pala. Hindi ako clingy na babae pero nagiging clingy ako dahil sakanya, nahahawa na niya ako.
Aaminin ko, mas naging sweet kami sa isa't isa pero hindi kami PDA at hindi kami papansin kapag nasa labas kami kapag nagdadate o nagsasama. Honestly....Xander's my first boyfriend. NBSB ako hindi lng halata. Nobody new na NBSB ako even the girls, kala nila nagkatuluyan kami nung ex MU ko but hindi. I just like him and so does he pero nung nagtagal nawala nalang ng parang bula.
*******
Pagkatapos namin kumain nagkayayaan na maginuman. We drink but we know our limits and we know how to stop. Umupo na kaming girls sa upuan sa garden. Habang bitbit naman ng mga boys yung case ng beer. I think 4 or 5 bottles is enough or maybe 3??
Napatingin nanaman ako sa katabi ko. All smiles na nakatingin sa mga kaibigan namin. He may not be my type pero siya ang tinitibok ng puso ko eh, eww ang corny ko shucks nahahawa na nga ako kay Zander nooo~~
"Cheers!!!" Sabi ni Lori kaya tinaas namin ang mga hawak namin na mga beer at sabay sabay na nag'cheers'. Sabay sabay rin namin ininom ang beer.
Napapikit ako sa paglunok ko nung beer. I like wines better that beer. I never liked beers pero I never hated them before too.
****
Nakatatlong beer na ako at feeling ko ang pula pula ko na. Lasing na ako siguro? Tiningnan ko si Xander kung lasing na siya pero hindi. Wtf? Sanay ba siyang uminom ng beer. Pang-anim na siguro ang iniinom niyang beer. Hindi manlang siya namula.
Napatingin din sakin si Xander. Tinuro niya ako. Anong meron sakin?
"Ang pula mo na! Hindi ka na pwedeng uminom baby!" Sabi ni Xander at inagaw sakin ang boteng hawak ko.
Kusang gumalaw ang mga labi ko na napanguso. What the??! Never ako nagpapout!!
"Ehhh gusto ko *hik* pa uminom!! Akin na yan!! :3" sabi ko. Confirmed lasing na nga ako ghad!! Nakakahiya!!
*****
Pov Xander
Tumawa ako ng malakas dahil sa itsura at paano magsalita si Alexa. Ang cute pala niya kapag lasing. Kinuha ko ang iphone 6 ko sa bulsa ko at pinicturan si Alexa. Hindi ko papalagpasin to. Minsan lng magpout yun si Alexa. Hindi daw bagay sakanya ang pout pero ang cute cute kaya niya ahahahahah.
Lalo pang napanguso si Alexa. Lasing na nga talaga siya. She's not on her right mind right now.
Kumuha ulit siya ng isa pang bote ng beer at inininom yun. Ugh! She's stubborn mapalasing man o hindi. Tiningnan ko lng siya ng seryoso. Kahit pigilan ko pa siya eh matigas talaga ang ulo niya hay.
"Alam mo ba Xander, kala ko nuon ang sama sama mo. Mukha ka kasing playboy, yung walang soneseryosong babae at hindi pa nakakaramdam na mainlove. Para ka kasing laging nagpapalit ng mga babae araw araw but look at you now *hik* mahal na mahal mo ko.....yieeee *hik*!" Sabi ni Alexa ngumiti ng malapad at tinitigan ako. Unti unti akong napangiti kahit medyo harsh ang pagkakasabi niya kanina.
Unti unti lumalapit sakin si Alexa, hanggang sa malapit na magtama ang mga ilong namin. Dahan dahan siyang lumapit at hinalikan ako. Napapikit siya. Ramdam ko yung lasa ng alak sa bibig niya dahil sa paghalik niya sakin. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Hinalikan ko rin siya pabalik. We're having a passionate kiss right now, I don't care kung makita ng mga kaibigan namin. I just want to kiss her more.
I'm always tempted to kiss her but I respect her kaya I take it slow. Humiwalay ako sakanya. Not right now. The both of us are drunk and its bad, baka may mangyaring masama.
Tinitigan ko siya sa mata at tinitigan niya rin ako pabalik. I love her eyes, nose , lips. I love everything about her. God knows I do. Ngumit siya sakin kaya napanguti na rin ako. Siya lng may kaya magpangiti sakin ng ganito except from my family, ofcourse.
"I love you" sabi ni Alexa at niyakap ako. Niyakap ko rin siya at hinalikan ang ulo niya.
"I love you too" sabi ko. This is the best christmas ever. Nakasama ko ang pinakamamahal ko aside sa family ko. Someday magiging part na rin siya ng family. I assure, hindi ko yun ipropromise dahil gagawin ko talaga. Iba si Alexa sa lahat ng mga babae na nakilala ko. Alexa may not be my type of girl pero siya ang nagpatibok ng puso ko all over again kaya mahal na mahal ko talaga siya. Sabi nila walang forever pero para sakin, samin, meron. Cheesy? The fuck I care people. Mararamdaman niyo rin to kapag nainlove kayo.
The both of us stayed like that throughout the night. Wala kaming pake kung mangalay kami kakayakap ang isa't isa. I watched the fireworks above us while hugging her. I am the happiest guy in the world always because of her.
***********************
A/N:
I have a feeling na ang cheesy ng chapter na to....sorry not sorry....inspired eh bwahahaha. So ayun nga I finally updated for like....i dont how long...and its October!! Thank you sa support niyo in this book. Sana i-support niyo parin ang libro na to hanggang sa ending. Magkakaroon siya ng Book 2 yey!! :) Sa mga gusto na may maging part sa Book 2, comment lng kayo or DM me. Wag kayo mahiya mabait ako bwhahah ><!
YOU ARE READING
School Of Gangsters(S.G.)
RomantikThey were never afraid. They have accepted that the problems and fights they've been to are just some obstacles in life. They have courage always to fight, even if it will kill them. ...