[A/N: Heyyy loveess!! Sorryy kubg sobrang tagal ko bago magupdate kasi sobrang busy with my school works tapos i need pahinga din kaya nakakalimutan ko na magupdate but here it is guyss !! :>]
----------------------------------------------Kim's Pov
School year started already. Lahat kami busy na. But we still have time to meet naman. We were planning to go sa Ateneo para makita sila. Naandito kami sa cafe na malapit sa University namin. Iniisip namin kung kailan kami free para mavisit namin sila.
"Teka nga lang muna. I'm hungry na! Order muna tayo. We keep on talking and talking nakakagutom" Sabi ni Lori. Tumango kami sakanya. Nakaramdam na din naman ako ng gutom. Tumayo si Yanna.
"Ako na o-order. Ano ba yung sa inyo?" Nagisip muna ako kung ano ang trip kong kainin at inumin.
"Chocolate Frappe and Blueberry Chessecake" Aniya ko. Tumango si Yanna at lumingon sa tatlo.
"Iced Tea, Strawberry ice cream and Salted brownies. I'll be helping you na rin sa pagorder" Sabi ni Lori
"Caramel Frappe and Chocolate Croissant, parehas lang kami ng order ni Zoe" Sabi ni Alexa
Tumayo na si Lori at sabay na silang pumunta sa counter. Nagsimula na rin kaming magbagong buhay. Well, not totally pero umiiwas na kami sa gulo. Sadyang minsan napapa-away kami kasi sa mga ugali ng mga nakakasalamuha namin. Napapadalas na din ang pagiging maarte ni Lori. Nagiging madalas na din na busy si Yanna dahil nakahanap ng part time job bilang photographer. Kami nalang atang tatlo ang hindi nagbabago masyado.
I'm taking up BS Architecture. Hindi ko naman ito dream job but suddenly one time nainspired ako to be an Architect kaya naisipan ko na ito nalang ang kunin na course. My family isn't against it anyway. They told me kung saan daw ako comfortable, susuportahan pa rin nila ako.
Yanna is taking up BS Med Tech. Siya ang pinakamatagal na magaaral samin because of taking that 4 year course itutuloy na niya yun sa pagiging doctor. Kaya subsob sa pagaaral yan. Jusko! One time mga 4 am na nun, nagising ako dahil nauuhaw ako then napadaan ako sa kwarto niya. It was slightly open kaya sumilip ako dahil bukas pa yung ilaw. Nakita ko na ang daming mga text book sa harap niya may ilan din na notebook pati na din laptop. Napailing ako, grabe. May part time job pa siya. Buti nakakaya niya.
Si Lori naman. I heard she took up Accountancy. Hearing it from her na mahina sa math. My gosh! Hindi ko nga maisip na kukunin niya yang course na yan but knowing her kapag gusto niya talaga makakapasa siya kahit mahina siya.
As for Alexa and Zoe, they both took up Business Administration Major in Financial Management kaya ayan halos laging magkasama. Magkasama din sila mangopya ng mga homeworks na yan pero tutok na din sila sa pagaaral. Knowing Zoe na hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at sumali sa varsity ng university. Kahit magiging mahirap daw, ok lang.
Nakita ko na pabalik na sina Lori at Yanna dala dala ang mga inorder namin. Kinuha ko na yung pagkain na inorder ko at nilantakan na yun. Naalala ko si John, busy na din siya. Civil Engineering ang course na tinake niya. We still talk and text, minsan nagvi-video call pero bihira nalang kami magkita yung nahahawakan ko siya. Gabi na rin kasi minsan ang uwi ko at uwi niya kaya wala na minsan kaming time para makapaggala.
"Kent said, they don't have classes on the 18th. Same goes for us. Why not that day nalang" Sabi ni Lori at kinain yung brownies.
Napaisip ako bigla. Oo nga! Wala rin silang pasok nun. That is a good idea!
"May dadalhin ba tayo for them?" Tanong ni Alexa
"Hindi ba enough yung presence natin? Kailangan may dadalhin talaga tayo?" Sabi ni Zoe
YOU ARE READING
School Of Gangsters(S.G.)
RomanceThey were never afraid. They have accepted that the problems and fights they've been to are just some obstacles in life. They have courage always to fight, even if it will kill them. ...