Chapter 73

685 22 2
                                    

Kim's Pov

Nagising ako dahil naiinitan na ako. Malay ko kung bakit ako naiinitan eh naka-aircon naman. Inayos ko ang sarili ko bago ako tumayo at lumabas. Gutom at inaantok pa  ako. Pagkalabas ko ay naamoy ko na agad ang nilulutong pagkain. I smell Bacon!! I don't know pero napalakas ako ng mabilis pababa dahil sa naamoy kong pagkain. I am so hungry!

Saktong pagkababa ko halos mapasigaw ako dahil sa gulat. Anong ginagawa nila dito? Kasama nila si Lori na nakaupo lang sa upuan at pinapanood sila. Lumapit ako sa kinauupuan ni Lori.

"Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ko

Napalingon lahat sila sakin. Gulat na gulat sila. Mukha na ba akong multo kasi ganun ang reaction nila nung nilingon nila ako eh. 

"Wala bang magsasalita kung bakit kayo naandito? Mga pipi na ba kayo?" Sabi ko sabay irap

"Ang aga aga ang sungit mo" Sabi ni Marcus

"Eh wala manlang sasagot sa tanong ko?" Tiningnan ko si John na nakatingin rin lang sakin habang kinakagat ang labi

Tinaas ko ang isang kilay at tinitigan siya ng mabuti. Ba't ganyan makatingin tong lalaking to? Taray nakalip bite si kuya eh. Naglakad siya palapit sakin. Nakapamewang ako ng nasa harap ko na siya.

"Mind telling me why are you guys here John?" Sabi ko at tinitigan siya ng mabuti

"Miss lang namin kayo. Masama ba pumunta dito? Tsaka ang sungit mo" Sabi ni John 

"Hindi ako masungit, nagtatanong lng ako" Sabi ko sabay irap

Lumapit pa ng bahagya sakin si John kaya napaatras ako. Too much closeness. Invading na siya ng personal space ko ah. Charot lang. Lumapit nanaman sya kaya aatras sana ako pero nahawakan na na niya ako at hinila ako palapit sakanya. Tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Ang sakit tuloy ng ilong ko! 

Lumayo ako bahagya sakanya. Bakit kasi hinila pa ako? Tumingin ako sa taas para makita ko ng klaro ang mukha niya. Bwiset kasi! Ang tangkad pa. Hindi marunong magbigay ng height! Ngumuso siya ng bahagya at nilapit niya ang mukha sakin. Ilalayo o sana ang mukha niya sa mukha ko pero bigla nalang niyang hinalikan ang ilong ko. Nagulat ako. Kahit sandali lang yun. Parang tumigil ang mundo nung nangyari yun. Tinitigan ko siya ng mabuti, ganun din ang ginawa niya sakin. 

Parang feeling ko natutunaw ako. Feeling ko mahuhulog ako pero dahil nakahawak si John sakin kaya hindi ako nahuhulog. Siguro pulang-pula na ako ngayon.

"Tama na PDA. Naiingit ako" Narinig ko na sinabi ni Xander 

Napatingin tuloy ako kay Xander. Bahagya akong lumayo muli kay John. Bakit ba bigla nalang uminit? Pinagpapawisan na ako. Naka-ilang lunok ako bago tumingin muli kay John. Bahagya na nakangisi ang kanyang labi. Napakunot ako ng noo. Gigisingin ko na nga lang yung iba ko pang mga pinsan na tulog.

"Gigisingin ko na yung iba ah" sabi ko at naglakad na papunta sa taas.

Hindi pa ako medyo nakakalayo ay may humawak sa kamay ko. Napalingon ako. Pinagsaklop niya ang kamay namin. Nakatingin lang ako sa kamay namin habang ginagawa nya yun.

"Sama ako sayo" sabi niya at nagsimula na maglakad. Pinabayaan ko nalang siya na hilahin ako paakyat.
Di ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. This feeling is so weird. It makes ms flustered! Pinabayaan ko na siya nalang ang kumatok. Parang wala pa din ako sa sarili ko. Mighad! What is happening?

Pagbukas nung kwarto. Gulat ang reaction ni Yanna. Napatingin din siya sa magkahawak naming kamay sabay ngisi. Feeling ko namula nananama ako.

"Ikaw lang John?" Tanong ni Yanna. Umiling si John.

School Of Gangsters(S.G.)Where stories live. Discover now