Yanna's Pov
Mga ilang hours na din ang nakalipas nung umalis si Lori. Inaayos ko na din ang mga gamit ko na dadalhin sa pagalis ko sa isang araw. Hindi ko alam kung dadalhin ko ang mini Bluetooth speaker ko o hindi. Siguro huwag nalang dagdag bitbitin pa, tsaka baka mawala ko pa.
Napa-aga ang araw ng alis namin dahil gusto nina mommy na magexplore muna sa Davao before having meetings and visiting Dad's land there. Tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag. Tiningnan ko iyon, si Ethan. Tumatawag siya sa messenger. Wala ba siyang load at hindi nalang sa phone number ko tawagan? Kinuha ko iyon at sinagot. Nilagay ko iyon sa loud speaker para makausap ko pa din siya kahit nagaayos ako.
"Baby..." padabog na bumagsak yung luggage ko. He's voice sounds so manly...sobrang deep nung voice. Hindi pa din ako sanay na ganun ang boses niya kapag kausap ko siya sa phone. Siguro kailangan ko na din masanay kasi hanggang ganito nalang kami lagi from now on.
"Hmm? Bakit ka napatawag?" Tanong ko. Hindi pa din umaayos ang pakiramdam ko kapag naalala ko na madalas nila kasama si Zuri. I don't know why...pero something isn't right at all. I feel something very strange, parang may tinatago sila sakin. Sana nagkamali lang ang instincts ko.
"Wala lang..I just miss you. Kailan alis mo? Sabi ni Zuri aalis daw kayo?" Ewan ko pero bigla lalong naging masama ang pakiramdam ko nung narinig na sinabihan siya ni Zuri. Aba! Inunahan pa ako. Ako dapat magsasabi pero inunahan niya.
"Oo. Sinabi na pala niya sayo. Sa isang araw pa alis ko. Inaayos ko na gamit ko. Sge Talk to you later" Sabi ko. Hinihintay ko ang sasabihin niya bago ibaba tong call. Wala ako sa mood makipagusap sakanya.
"Huh? Kakasimula palang natin magusap. You can talk to me wh--" I didn't let him finish he's sentence at inend yung call. Bastos na kung bastos. Wala ako sa mood. Baka kung ano lang ang masabi ko na hindi ko dapat sabihin.
Binuksan ko na ang luggage na dadalhin ko. Narinig ko na tumunog nanaman ang phone ko kaya sinulyapan ko kung sinong tumatawag. Si Ethan pa din ang tumatawag. Unconsiously pinatay ko ang phone ko. Tsaka ko nalang siya kakausapin kapag okay na ako. Narinig ko nanaman ang phone ko pero hindi na yun ang ringtone na nagsasabing may tumatawag. I checked it. Unregistered number eh?
From: Unregistered number
You might not know that someone's slowly getting an important person out of your life.
Instant na kumunot ang noo ko. What kind of shit is this? Is this person trying to scare the shit out of me? Kung yun ang plinano niya ay hindi ako natitinag. Hindi ako basta basta naniniwala as long as may nakikita at may nararamdaman akong kakaiba. Baka na wrong send lang tong taong nagsend sakin o baka naman wala lang magawa sa buhay niya.
Binato ko ang celphone ko sa kama at nagsimula na magayos ng gamit. I shouldn't be affected with that message. Walang kasiguraduhan na totoo yun. Nagpatuloy nalang ako sa pagayos ng gamit ko. Napatigil lang ako sa ginawa ko ng may kumatok sa pintuan ko. Unti unting bumukas ang pinto at niluwa nun si Zoe at Kim. Tiningnan ko lang sila habang lumapit sakin.
"Ano kailangan niyo sakin?" Tanong ko. May inabot na papel sakin si Zoe ganun din si Kim. Tinaas ko ang aking kilay. Ano to?
"Listahan namin yan ng mga pinapabili namin. Wag mong kalimutan ah!" Sabi ni Zoe. Masama ang pinukol ko na tingin sakanila. Nilahad ko ang aking kamay sakanila at sinabing "Akin na pera niyo. Hindi ko to bibilhin unless may binibigay kayo sakin na pangbili"
"Grabe ka! Pinsan mo kami! Maiintindihan naman ni Tita at Tito yun" Sabi ni Kim. Inirapan ko siya. Yeah right..Mapapagastos nanaman ako.
Hindi na ako sumagot at nagayos nalang ulit ng gamit ko. Umupo sa tabi ko si Kim kaya nilingon ko siya. Nakatingin siya sakin gamit ng mga mala pusa niyang mga mata. Ganun ang itsura ng mga mata niya kapag ineexamine niya yung isang tao. Tinaas ko ang kilay ko dahil sa ginagawa niya. Bakit niya ba ako inuusisa?
YOU ARE READING
School Of Gangsters(S.G.)
RomanceThey were never afraid. They have accepted that the problems and fights they've been to are just some obstacles in life. They have courage always to fight, even if it will kill them. ...