Chapter 67

956 28 4
                                    

Lori's Pov

Napadpad ako sa beach. Marami rami narin ang mga taong nagswi-swimming at nagbababad sa araw. Mukha akong ewan na nakatayo dito. 

"Miss? Ok ka lng ba?" Napalingon ako sa likod ko

Isang matangkad na gwapo ang bumungad sakin. Shemay ba't ang gwapo niya?! Naka-white sando at shorts siya with matching shades. Ba't ang attractive niya?! Putaaa!! Ayoko naaa!!

"Um...miss? Ok ka lng? Kanina ka pa nakatulala..?" Sabi ni kuya pogi

"Ah yeah ok lng ako ahehehe" sabi ko. Kailangan ko na maka-alis dito bago pa ako makita ng mga kaklase ko.

"Parang nakita na kita eh...Isa kang gangster sa School niyo diba? 5 kayong magpipinsan..tama ba?" Tanong ni kuya

"Ah..oo. Paano naman kami nakilala?" Tanong ko

Bago pa makasagot yung si kuya ay may sumuntok sakanya. Napatalon ako sa gulat.

"Ano ba?!! Makasuntok wagas!!!" Sabi ko. Kita naman netong lalaking to na nag-uusap kami eh.

"Tsk..so nag-aalala ka pa sa lalaking to ha?!!" Nanlaki ang mata ko pagkaharap nung lalaking nanuntok kay kuya. Shit. Wrong move nanaman Lori.

"Syempre naman. Naguusap kami tapos bigla kang manununtok? Ano bastusan lng?!!!" Sabi ko

"Ako pa ngayon ang masama. Kitang kita ko at halata na may gusto yung lalaki sayo pero eto ka nagmamanhid-manhiran. Wag kang dense. At sorry hindi yun ang gusto kong iparating sayo kanina" Sabi ni Kent bago naglakad palayo. Nanigas ang buong katawan ko. Sobrang cold ng pagkakasabi niya nun.

"LORI!!!!" sigaw ng mga kaibigan ko. Hindi nila kasama mga boyfriend nila, siguro dinamayan si Kent. Napakatanga ko talaga. Bakit kasi puta naman talaga.

"Ano yun? Kinampihan mo pa si kuya pogi este yung kuyang yun kesa sa boyfriend mo?" Sabi ni Kim at hinila ako palayo dun sa kinakatayuan ko. Wala akong masagot sakanya. Parang nag-shut down ang brain cells ko dahil sa nangyari.

"Kumain nalang muna tayo. Mamaya na natin pag-usapan yan. I'm sure gutom na rin kayo" sabi ni Yanna. Sumang-ayon naman ang lahat.

Inakbayan ako ni Zoe at kinaladkad papunta sa hotel, nagpakaladkad naman ako. Bakit ganun? Kausap ko lng naman kasi si kuya tapos eto na nangyari putspa naman oh.

Pagpasok namin sa cafeteria ng hotel wala sina Kent. Siguro ayaw ako makita nun ngayon. This is all my fault! Argh!! Nakakainis napakatanga ko.

Walang gana akong umupo sa upuan. Sina Yanna na daw bahala sa pagkain ko. For a minute tulala ako. Nabalik lang ako sa sarili nung nilapag na ni Alexa yung breakfast ko.

"Masama magpagutom. Babalik pa tayo sa Manila kaya kumain ka na" sabi ni Yanna

Sumang-ayon nalang ako sa sinabi ni Yanna. Walang gana ko sinubo ang pagkain sa bibig ko. Pinilit kong kumain at ubusin kahit pakiramdam ko busog na ako.

****

Tapos na ako magbihis, naayos ko na rin ang maleta ko and I'm ready to go. Ang hindi nalang naayos ay yung samin ni Kent. Lumabas na ako ng kwarto ganun din yung dalawa. May 4 na van na nakapark sa hotel na gagamitin namin papuntang airport. Nasa lobby na ang lahat pati sina Kent. Lalapitan ko dapat sya pero bigla nalang siyang lumayo.

Napabuntong hininga nalang ako. Napalingon ako agad nung may gumulo ng buhok ko.

"Wag ka ng malungkot ahahaha. Papanget ka, ay mali mas papanget ka lalo ahahah" sabi ni Vince

School Of Gangsters(S.G.)Where stories live. Discover now