Pov Yanna
Hindi ko alam kung paano pero ang bilis lumipas ng panahon. Isang sem nalang and we'll be in second year na. Abala lang kami sa pagaaral...well ako lang pala. Mukhang ako lang kasi nagseseryoso sa course ko. I look like a nerd na daw pero well siguro tinatamaan nako ng adulting hahaha...wala din naman may pake kung magsipag ako o hindi. Wala na din gumagambala samin. Tinanggal na namin ang connections namin sa mga lalake. Some friday nights, we go clubbing para magparty at maghanap ng idk "fling" according kay Zoe.
It was ok at first. Kasi well it was hard for me to socialize na kasi hindi nako sanay sa ganon. Maybe if I was still like the gang leader before in high school, siguro kanina pa ako nakikipagusap kani-kanino pero iba na kasi ngayon. Mas prefer ko ng maging loner kahit saglit ganon. In other words, introvert. Weird daw yun sabi nina Kim pero what can I do mas finocus ko sarili ko sa studies dahil nga sa mga pangyayari.
Friday night ngayon pero may exams ako bukas at kanina pako kinukulit ng apat na mga masyadong mahilig magparty.
"Come on!! Wag kang kj! Kanina ka pa nag-aaral" Sabi ni Zoe sabay hila sa braso ko
"Hindi ka namin titigilan!!" Pilit ni Kim
"May exam ako bukas, I can't." Sabi ko sabay bawi sa braso ko
"Hayaan niyo na" Sabi ni Lori habang nagbabasa ng textbook
I nod. I need to study talaga. Hindi ako grade conscious. Sadyang iniisip ko lang din future ko. Well ayoko kasi isipin ng mga tao na umaasa lang ako sa yaman ng pamilya ko. Yes, my family is very rich but I don't want to rely on those. Mas gusto ko yung pinagsikap ko na makuha. Before I don't care but now I really do.
It's been hours after they left at wala pa din sila dito sa bahay. Ayoko naman itext sila na umuwi na dahil ayoko maging party pooper sakanila. Ako lang naman ang may pasok bukas, so I'm the only one who gets to suffer.
Pumunta ako sa kitchen para gumawa ng coffee. Coffee is the only thing I need right now kasi konti nalang feeling ko susuko na katawan ko but I can't. I was about to sit sa upuan ng may naramdaman akong kakaiba. My instincts don't give me false alarms.
Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang tao? Madaling araw na...probably magnanakaw?? Luminga linga ulit ako pero wala naman. Must be guni guni ko lang to. Siguro kailangan ko na matulog, masyado na ata akong pagod kaya nakakaisip ako ng kung ano ano.
Inayos ko na lahat ng notebooks ko at pumasok na sa kwarto. Ayoko na maghilamos, nakakatamad na mas gugustuhin ko ng matulog kaagad. Humiga agad ako sa kama and I felt slowly drifting away from reality.
*******
Pov Lori
I feel so wasted, pero I'm not drunk unlike Zoe. Masyadong lasinggera tsk tsk. I had to pull her papunta sa kotse para lang makauwi jusko.
"Ayoko umuwiiiiii hikhik" I rolled my eyes dahil sa sinabi ni Zoe. She's going to have the worst hangover ever tsk tsk.
"Sino ba naman kasi ang matinong babae na iinom ng halos isang bucket ng beer ha ha!!" inis na sambit ni Alexa. Nasukahan kasi siya ni Zoe kaya ayan nanggigil ng sobra. Kung hindi ko nga lang hawak si Zoe for sure kanina na niya pa sinaktan to.
"Matinuing kaya aku hihi" sabat ni Zoe. Hinampas ko ang ulo niya gamit ng bag ko. I really hate when people get drunk parang mga batang wala sa sarili.
Inayos ko ang upo ni Zoe sa front seat. Baka mamaya ay dito pa sa loob sumuka. Dumiretso din ako kaagad sa likod para makaalis pagkatapos. Halos sisikat na ulit yung araw ng dumating kami sa bahay. Damn, I feel so sleepy taena hindi ko na to kaya.
YOU ARE READING
School Of Gangsters(S.G.)
RomanceThey were never afraid. They have accepted that the problems and fights they've been to are just some obstacles in life. They have courage always to fight, even if it will kill them. ...