Chapter One

2.2K 40 6
                                    

Ako si Carlo Lacerna, first year accountancy student. Isa lang akong ordinaryong estudyante, simple lang ang buhay ko sa school – pumasok at mag-aral. Kung tutuusin boring ang buhay ko di katulad ng ibang kabataang 'sing edad ko. Kung meron mang kakaiba sa napaka ordinaryo kong buhay, yun ay ang aking best friend, si Aries James Amarillo.

Si AJ ay best friend ko mula pa noong High School. Second year transfer ako noon habang graduating student naman sya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, I survived the High School life because of him. Sa loob ng isang taon namin sa iisang campus, madaling naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Halos parang kapatid ko na sya, minsan nga feeling ko ang tingin nya sakin ay batang kapatid as in isip batang kapatid.

Unang araw ng ikalawang semestre ngayon. Ika pito pa lamang ay nasa campus na ako bagamat alas otso pa ang unang klase ko. Nakaupo ako sa canteen habang pinagaaralan ang aking schedule para sa semestreng ito. Tumunog ang cellphone ko, may nagtext. "Caloy. Sori, maraming sori, male-late ako ng konti." – AJ. "Di na yon bago, basta 8 pa ang klase ko." Sagot ko. Ganito kami ni AJ last sem, sa school kumakain ng agahan at lagi kaming sabay. Dalawa lang ang dahilan kung di nyo kami makikita sa canteen ng umaga, it's either late or absent sya o kaya'y may binobola na naman syang babae.

Seven forty five na dumating si AJ. Pahagis na itinapon ang bag sa mesa sabay ang pabagsak na upo sa tabi ko. Ngiting ngiti sya habang ako naman ay nakamangot sa kanya. Nagpacute saglit sabay kurot saking pisngi, "Sorry, sorry, sorry" malambing na paumanhin nya na may kasama pang pagpapa-cute. "anong meron sa mokong na'to at kanina pa pa-cute ng pa-cute" ani ko saking sarili. Marahan kong hinawakan ang kamay nya upang alisin sa mukha ko, "aray ha" eksahiradong wika ko habang hinihimas ang pisngi ko. "ewan ko sayo, basta eight ang klase ko. Seven forty five na! Kumain na tayo, ayoko ma-late." Sabi ko sa kanya sabay harap sa pagkain. Nagsimula na akong kumain samantalang hindi sya kumikibo, nilingon ko sya. Nawala ang sigla ng kanyang mukha, "ano na namang drama yan?" pabiro kong tanong sa kanya.

Lalo pang nagpaawa ang mukha nito na tila isang tutang nagpapaamo. Malumanay nya kong inakbayan sabay ang mabilis na hila sakin. Halos dumikit ang labi nya saking mga pisngi. "may iku-kwento ako sayo, wag ka na pumasok ng first class mo. Please!" pagpupumilit nya.

Tinabig ko ang braso nya upang maalis ang pagkakaakbay nya sabay ang mabilis na paghila ko sa pisngi nya pataas, "ang tamad mo talaga!" pabirong sigaw ko sa kanya.

"aray ko!" may kalakasang sigaw nya. "pati wag mu na nga akong inaakbayan ng ganon. Baka kung anong isipin ng ibang tao" pa-ismid kong wika. Nagulat ako, nagulat ako sa sinabi ko.

Napatawa lamang sya, "wow Carlo Lacerna. Congrats binata ka na. Eh nung high school naman tayo lagi naman kitang inaakbayan pati hinahalikan pa nga kita non sa noo eh." Tawa nya, napangiti naman ako sabay iwas sa mukha nya. "tanda mo pa yon, eh di ba nga na-issue pa tayo na boyfriend mo daw ako." Dugtong nito sabay ang malakas na pagtawa.

Bahagya ko syang tinulak, "hindi ako bakla no." diskompyado kong sagot sabay balik sa pagkain. Alam kong namumula ako at nakakahiya kung makikita nya. Natahimik lang sya at kumain na rin, bigla akong kinabahan.

"uy" mahinang tawag nito sakin. "alam ko naman yon eh. Sorry." Seryosong wika nito. Bahagya akong tumawa at napangiti na din sya, "ewan ko sayo." Ngiti ko.

Bahagya syang dumikit sakin, "absent kana ha. May ku-kwento nga ako sayo. Seryoso." Bulong nya. Sumimangot ako saglit at tumango na rin. "yes!" ngiting ngiti nyang sinambit sabay ang pa cute nito.

Matapos namin kumain ng agahan ay dumiretso kami sa gym. Naupo kami sa kabilang banda malayo sa mga may PE classes. Ilang minuto din kaming nakamasid sa mga estudyanteng nagka-klase. Pinagmasdan ko sya, malayo ang tingin at mukhang nililipad din ang utak nito. Nakangiti sya sa kawalan, bakas na bakas ang saya sa mukha nya. Kung sabagay pala ngiti naman talaga 'tong si AJ, pero iba ito sa pangkaraniwang araw nya. Napaisip ako. "hindi naman nya birthday. Hay! Ano kaya talagang nangyari sa mokong na to" pagmumuni-muni ko.

Paano Ko SasabihinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon